Konsiyerto

828 8 7
                                    

Napakasarap talaga sa pandinig ng kaniyang boses. Yung tipong mapapakanta ka at mapapasayaw sa loob ng iyong kwarto kapag ikaw ay nag-iisa.

Isang beses nga ay inanyayahan pa ako ng aking mga kaklase na sumayaw ng kanyang kanta. Kahit hindi ko ito naiintindihan, basta ba marunong akong sumunod sa mismong galaw at indayog ng mismong musika.

Kasabay ng aking pagsayaw ay ang pasayaw rin ng iba pang aking kapwa fan.

Dumating na rin ang araw na ito. Ang aking pinakahihintay. Alam kong nariyan ka. Nasa entablado. Kitang-kita kita mula sa malayo.

Hinaplos mo ang aking pisngi. Hinalikan ang aking labi. Heto ka na naman. Ginising mo na naman ako mula sa aking pag-alala sa nakaraan.

Pasensya na. Nakalimutan kong nagsasayaw tayo. Heto ka't buhat buhat mo na ako ngayon. Wag kang magmadali mahaba pa ang gabi.

Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon