Seremonya sa Simbahan

1.2K 13 1
                                    

Sabay tayong nangako.

Dito sa napakaluma at napakagandang simbahan tayo sabay na maglalakad at susumpa.

Kaya naman ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayong araw. Hindi ko maintindihan kaya naman ay naiiyak na lamang ako.

Ito na kasi 'yon, e. Ito na 'yon.

"Mahal kita."

Mahal kita kaya naman ay sinunod ko ang gusto mo. Planado mo 'to, e.

Lahat ng bisita ay nakasuot ng kulay puti. Maraming bulaklak sa gilid ng altar at kandila. At syempre pati sa mismong lalakaran natin ay may mga bulaklak na nagkalat.

Umiiyak na ang nanay at ang tatay mo. Sino ba naman kasi ang hindi maiiyak kung sasama na sa iba ang kanilang magandang dalaga?

"Mahal Kita."

Binigyan na ng basbas ng pari ang seremonya. At nagpatuloy na siya sa kaniyang serbisyo.

"Gusto na kitang halikan."

Gusto na kita iuwi. Mahal kita.

"Ama naming mapagmahal,
Inihahabilin namin sa iyo ang magandang dalaga na ito.."

Mahal kita.

Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon