Gabi

1.5K 27 8
                                    

Nandito ako ngayon sa labas ng aming tahanan. Pinapakiramdaman ang simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha. Pinapakinggan ang tinig ng mga ibon.

Ang sarap pala sa pakiramdam. Sana talaga dito na lang kami sa probinsya tumira. 

Habang nagmumuni-muni ako, tinawag ako ng aking ina.

"Anak, halika na. Pumasok na tayo sa loob. Maggagabi na oh!"

Mutawi ni ina.

"Inay, Mauna na po kayo. Nakalimutan nyo na po ba na kahit umaga man ang oras ngayon ay gabi pa rin mundo ko?"

Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon