Halik

692 9 3
                                    

Masaya tayong dalawa dahil sa narinig. Dahil sa nagaganap.
Masaya ang lahat. Masaya ako. Masaya ka.

Kasabay ng pagsabi ko ng "I do" ang pagtulo ng luha mo. At nang ibinalik mo sa akin ang salitang ito ay bigla kong narinig ang kasiyahan ng mga tao sa paligid.

Ang saya ko. Sobrang saya. Matutupad na ang pinakaaasam ko.

Isang kataga na lamang ang hinihintay ko. Ang pagsasalita ng pari.

"Mr. Tuarez, you may kiss your bride"

Palapit na nang palapit ang ating mga labi hanggang sa isang sentimetro na lamang ang layo nito nang biglang may sumigaw.

"Cut!"

Lumayo ka sakin at pumunta sa iyong kasintahan at hinalikan ito.

Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon