Ang Pagdadalaga ng anak ni Sonya

393 2 0
                                    

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa nauwi sa kanilang tahanan ang anak ni Sonya. Naisip niyang kasama na naman nito ang kaibigan nitong babae at kung saan-saan na naman naggagala.

Alam niyang nagbago na ang anak niya. Kung noo'y lumalabas ito nang kung ano-ano lang ang suot, ngayon ay hindi na. Kung dati'y puro lalaki ang kanyang kalaro,  ngayon ay hindi na.

Nangiti si Sonya sa naisip.

Bigla na lang pumasok ang kanyang anak at tumingin sa kanya. Napatingin sya sa orasan at nainis nang makitang alas onse na.

"Ano? Saan ka na naman galing? Sinong kasama mo?" Pagalit na sabi ni Sonya sa kanyang anak.

"Dyan lang Ma, kasama ko sina Louise." Sagot nito na parang tinatamad at may pairap-irap pa.

Nakita ng ina ang pagbabago ng anak. Ang paglaki ng balakang nito, dibdib at marami pa sa pag-uugali at pag-iinarte nito.

"Sumagot ka nang totoo! Anong ibig sabihin nito?" Nanggigigil si Sonya at itinaas ang hawak niya.

"Ma.. Sorry." Kinakabahang sagot ng anak.

Ibinato ni Sonya sa mukha ng anak ang mga contraceptive pills na nakuha niya.

"Mario! Itigil mo yang kahibangan mo! Kalalaki mong tao kung ano-anong pinaggagagawa mo! Matakot ka sa Diyos!" Pagalit na sabi ng kanyang ina at saka pumasok sa kanyang silid.

Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon