Pareng Haba

21 0 0
                                    

Unang araw ng pasukan. Hindi katulad ng inaasahan ng lahat ang presensya sa aming kwarto. Kadalasan kasi ng unang araw ng eskwela ay tahimik at karamihan ng estudyante ay nag-iisa. Ang ilan pa ay nangangapa sa mga bagong mukha na naririto. Ngunit ngayong araw, ingay ang umaalingawngaw sa paligid na tila ba ay magkakakilala na ang lahat.

Pansin ko rin ang dati kong mga kamag-aral sa bandang likuran ng kwarto.

"Pare, iiwan muna kita."

Paalam ko sa kaniya at pumaroon ako sa kanila.

"Kamusta kayo?"

Walang nakarinig sa sigaw ko kaya naman ay mas nilaksan ko ito at nakiupo na rin sa kanilang inuupuan.

"Kamusta kayo?"

Kibit-balikat ang sinaad ng isa sa kanila. Walang pagbabago sa maingay na paligid at sa napakatahimik na ako. Nakabibingi ang paligid ngunit mas nakabibingi ang mga boses na namumutawi sa loob ko.

Pumanhik ako sa upuan at napansin ang kumpare kong iniwan. Alam kong hindi ko mararamdaman ang pag-iisa kapag kasama ko s'ya.

Nilapitan ko ito nang siya'y magsalita. Kumakanta ang kaibigan kong nakayuko sa ibabaw ng upuan. Kaya naman ay dinampot ko ito at nag-usap kami sa aming sariling mundo. Sapagkat alam kong s'ya lang ang kaibigan ko.

- isinulat ko at ni Josh Gracia ang piyesang ito

Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon