INDULGENCE: noun
:The behavior or attitude of people who allow themselves to do what they want or who allow other people to do what they want
:The act of doing something that you enjoy but that is usually thought of as wrong or unhealthy
CHAPTER 1
"Minsan may mga pagkakataon na kapag nakita mo siyang masaya sa piling ng iba, hindi mo mapigilang itanong sa sarili mo kung ano ang mali sa iyo at hindi ikaw ang pinili niya. Pero darating ang panahon na mare-realize mo na hindi kayo ang nagkatuluyan dahil pareho kayong nakatadhana sa iba."
-Kara
PILIT ANG ngiti ni Kara habang nakatingin sa bagong kasal na sumasayaw sa may gitna ng dance floor. Hindi niya puwedeng ipakita sa mga taong naroon na apektado siya sa nakikita. Gusto niyang sabunutan ang sarili kung bakit pumayag siyang magpunta sa kasal ng first love niyang si Randall. Nandoon siya para ipakita kay Randall na wala na siyang nararamdaman para dito at nakapag-move on na siya sa nangyari noon.
She knew that it's pathetic to still carry a torch to someone who's definitely moved on while she's still stuck from the past. High school classmate niya si Randall. Nagkahulugan sila ng loob at mula sa away bati nilang relasyon noong high school ay nagkaroon sila ng MU o Mutual Understanding na nauwi din sa wala dahil nagkaroon ito ng ibang nobya.
At ngayon nga, nandito siya sa kasal ng lalaking mahal niya para lang pasakitan ang sarili niya. Napakaganda ng beach wedding ng mga ito. Mas ma-aappreciate sana niya ang ganda ng lugar kung hindi lang tila dinudurog ang puso niya sa tuwing nakikita niya ang makahulugang tinginan ni Randall at ng college sweetheart nitong si Andrea. Hindi nga niya alam kung alam ng babae ang tungkol sa kanila ni Randall. Mapait siyang napangiti.
Kung sana hindi siya nito ipinagpalit sa ibang babae, kung sana hindi ito tumingin sa iba, di sana sila ngayon ang ikinakasal. Siya sana ang masayang bride ni Randall, at siya sana ang pinakamasayang babae sa buong mundo, kabaligtaran ng nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
Mariin niyang ipinikit ang mata para kalmahin ang nagsisimulang magwala niyang emosyon. No. Hindi niya hahayaan ang sariling magpatangay sa emosyon. Pagmulat niya at ang nag-aalalang tingin ng kaibigang si Andrei ang bumungad sa kanya. Pinsan ito ni Randall at naging kaklase din niya noong high school. Alam nito na may nararamdaman pa din siya sa pinsan nito. Ilang beses din siya nitong kinumbinsi na huwag ng tumuloy sa kasal ni Randall. Pero dahil matigas ang ulo niya ay hindi niya ito pinakinggan. At ngayon niya pinagsisisihan kung bakit hindi siya nakinig dito. They were the best of friends. Hindi nga niya alam kung bakit hindi siya nagkagusto dito samantalang isa ito sa crush ng bayan noong nasa high school sila. At hindi din niya maalala kung kailan sila nagsimulang maging close.
Tipid niya itong ngitian para ipakita dito na okay ang pakiramdam niya. Lumapit sa kanila ang bagong kasal so she showed her best smile. Walang mag-aakala na gusto niyang umatungal ng iyak sa sakit na nararamdaman.
Nang masigurong abala ang lahat sa pagpa-party ay kumuha siya ng isang bote ng vodka at naglakad papunta sa may dalampasigan. Sa lugar na iyon na lang siguro niya lulunurin ang sarili sa alak para kahit paano ay mabawasan ang nararamdaman niyang sakit.
Sumalampak siya ng upo sa buhanginan at tinungga ang laman ng alak,. Napangiwi siya ng gumuhit ang init ng likido sa lalamunan niya at malasahan ang pait. She hated drinking alcohol pero dahil heartbroken siya at hahayaan muna siguro niya ang sarili na magpakalango sa alak. Tutal iyon naman ang ginagawa ng mga heroine sa mga sinusulat niya. Iisipin na lang niyang isa siya sa bidang babae sa nobelang sinusulat niya.
Yeah, she's a romance novelist, pero hindi tulad ng sa mga librong sinusulat niya ay walang kabuhay-buhay ang lovelife niya.
Napahikbi siya ng maalala ang mga nangyari sa nakaraan. Si Randall ang dahilan kung bakit sa loob ng limang taon ay nananatili pa din siyang single. Nang dahil sa ginawa nito sa kanya ay nawalan siya ng paniniwala sa pag-ibig. Heck, mas iniyakan pa nga niya ito kaysa noong mag-break sila ng ex boyfriend niya.
BINABASA MO ANG
Indulgence (Incomplete)
RomanceNagpunta si Kara sa kasal ng first love niya para patunayan sa sarili at sa mga taong nakakakilala sa kanya na nakapagmove on na siya sa feelings niya kay Randall. Kung masaya ang mga tao sa event ay para namang pinapatay ang puso niya habang pinapa...