Chapter 4

19.5K 602 47
                                    



"Noong nasaktan ako, ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na ulit iyon mangyayari sa akin. Hindi ko na hahayaang may lalaking gugulo sa buhay ko. Pero naisip ko na isang beses lang tayo mabubuhay sa mundong ito. Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin. Tsaka ko na iisipin kung ano ang magiging resulta ng desisyon ko. Ang mahalaga ay wala akong pagsisisihan sa bandang huli."

-Kara

HINDI MAPAKALI si Kara habang nagpaparoo't-parito sa sala niya. Muli siyang napasulyap sa wall clock. Pasado alas nuebe na ng gabi at parang tinatambol ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok niyon.

Kanina pa siya hindi mapalagay habang hinihintay ang pagbalik ni Clay. Halos baliktarin niya ang bahay niya sa paglilinis. Ilang beses na din ba niyang pinapagalitan ang sarili dahil iyon ang unang pagkakataon na nataranta siya nang dahil sa isang lalaki.

Hanggang umabot ang alas diyes ay walang Clay na dumarating. Pabagsak siyang umupo sa sofa at binuksan ang TV. Pero kahit nakaharap doon ay wala naman doon ang atensiyon niya. Damn. She cursed inwardly. Bakit ba siya naaapektuhan dahil lang sa lalaking iyon? Ni hindi man lang niya ito maitext kung darating pa ba ito dahil hindi naman niya alam ang number nito. Napabuntong-hininga siya.

Nagpalipat-lipat siya ng channel. Hanggang sa mapunta siya sa isang entertainment news. Natulala siya habang pinapanuod ang balita kung saan naka-flash ang mukha ni Clay. Napakaguwapo nito.

Dinaluhan ng iba't-ibang personalidad ang birthday party ng sikat na music icon na si Hubert Manuel. Na-spot-an din namin ang drummer ng Polaris na si Clay at si Cristel Dee na mukhang nagkakamabutihan na. Matatandaang kasama si Cristel sa dalawang music videos ng Polaris. Napalitan ang litratong nakaflash sa screen ng litrato ni Clay at ni Cristel sa isang beach. Napakurap siya ng biglang mamatay ang screen. Tsaka lang niya na-realize na siya pala ang nag-off sa TV screen. Mariin niyang ipinikit ang mata at nahahapong isinandal ang likod sa backrest. Bakit ba umasa siyang tutuparin ni Clay ang sinabi nitong babalikan siya kung may Cristel na pala ito?

Naihilamos niya ang palad sa mukha. Mabuti na lang at natauhan na siya bago pa man mahuli ang lahat. Natawa siya sa sarili. Ilang beses na ba niyang naisiulat ang mga tulad ni Clay na sikat ng personalidad? Kaya bakit umasa pa siya na tutuparin nito ang pangako na babalik ito?

Tumayo siya at nagtungo sa kuwarto niya. Nakuha ng pag-iingay ng cellphone niya ang atensiyon niya. Kunot-noong sinagot niya iyon ng makitang si Andrei ang caller.

"Drei, napatawag ka?" bungad kaagad niya dito.

"Kara..."

Biglang sinalakay ng kaba ang dibdib niya sa tono ng boses nito. May nangyari bang masama dito?

"Nasaan ka? Pupuntahan kita diyan."

Nagmamadali niyang kinuha ang wallet at isinara ang pinto. Mabuti na lang at saktong may dumaang taxi kaya kaagad niya iyong pinara.

Kailangan niya ng distraction para hindi niya maisip si Clay.

ILANG BESES nang kumatok si Clay sa pinto ng bahay ni Kara pero walang sumasagot. Idinikit niya ang noo sa nakasarang pinto.

Nang wala pa ding sumasagot ay umupo siya sa may baitang ng hagdan nito. Nasapo niya ang noo. Hindi siya kaagad nakapunta doon dahil biglaan ang pag-attend nila sa birthday party ni Hubert Manuel na isang sikat na OPM singer. Hindi kaagad siya nakaalis sa event kahit na ilang minuto pa lang siyang nandoon ay gusto na niyang umalis.

Lumingon siya sa paligid. Isang hinala ang nabuo sa isip niya nang makita ang isang paso ng halaman malapit sa may pinto. Tumayo siya at inangat ang paso. Tama nga ang hinala niya, may isang susi na nakatago doon.

Indulgence (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon