PART 2 (CHAPTER 3)

3.2K 68 13
                                    

M_A: hi, guys! Finally nahanap ko rin yunh notebook na pinagsulatan ko nito. :) namiss nyo na ba sina Kara at Clay? 😁😁😁
--------------

NAGPAKAWALA nang malalim na hininga si Kara. Dalawang araw na mula noong 'magbakasyon' siya at sa dalawang araw na 'yon ay ilang beses siyang na-tempt na buksan ang cellphone at tawagan si Clay. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi. Sa mga araw na naroon siya ay nakapag-isip si Kara. Sana lang ay hindi galit sa kanya si Clay sa kanya dahil hindi siya nakapagpaalam ng personal.
Hindi niya mapigilang mapangiti nang maalala ang unang beses na nagkita sila ni Clayton sa lugar na iyon.

How he made her feel so beautiful and wanted. Sa pag-iisa niya ay narealize niya na hindi importante kung ano man ang sabihin sa kanya ng ibang tao, dahil ang mahalaga lang sa kanya ay si Clayton. Hindi na niya hahayaang matalo siya ng insecurities at takot. She wanted to be happy and spend the rest of her life with him.

Muli siyang bumalik sa cottage nang tuluyan nang dumilim. Hindi na siya nakatagal at kinuha ang laptop para magbukas ng facebook. Nagulat pa siya nang makita ang notifications sa account niya. Parang tinatambol ang dibdib niya nang makita ang isang link ng video na pinost ng account ni Clay sa wall niya. Sa nanginginig na kamay ay binuksan niya ang link.

Napasinghap si Kara nang bumungad sa kanya ang video mula sa official youtube channel ng Polaris. Nangilid ang mga luha niya na mabasang My Beautiful Melody ang title ng video. It was posted five hours ago pero umabot na ng Five Million ang views.

Napasinghap siya ng imbes na si Vance ay mukha ni Clay ang umpisa ng video. Pinahid niya ang mga luhang nag-uunahan sa pagtulo nang makita ang mukha nito.

"So, this song is dedicated to my amazing future wife, Kara. I am planning on singing this song on our wedding day but I decided to do it now to let you know how much I love you. I know that you've been through a lot because of me and I would be forever in your debt for never giving up on me... on us. I love you, siren, this one os for you."

Tuluyan nang napahagulgol si Kara nang matapos ang message ni Clay. Parang dam ang mata niya na walang tigil sa pag-iyak nang magsimulang lumitaw na parang slide show ang pictures nilang dalawa habang kumakanta sa background si Clay.

"The first time that I saw you, I thought you were a nymph. Appearing in front of me to take me to the dangerous water."
Kuha ang picture sa isang rehearsal ng Polaris kung saan magkatabi sila sa couch. Nakasandal ang ulo niya sa balikat nito habang nakaakbay ito sa kanya at hinahalikan siya sa gilid ng ulo. Hindi niya alam ang picture na iyon.

"Everything about you hooked me. Your face, your body, your voice, and you heart."
Sa Pagkakataong iyon, nakaupo sila sa magkabilang gilid ng sofa. Busy siya sa pagsusulat sa laptop, habang si Clay ay nakatingin sa kanya. Damn! Bakit ngayon lang niya nakita ang mga pictures na iyon?

"I will love you forever as long as I live. You are my everything. You are my Beautiful Melody."
Hindi na masyadong nakita ni Kara ang iba pang pictures dahil nasa kalagitnaan pa lang siya ay tinawagan na niya si Clayton habang hindi pa rin
tumitigil sa pag-iyak.

"Siren..."

"Clay, sorry," she sobbed.

"Hey, why are you crying? Okay ka lang ba? Are you hurt?" Parang may pumiga sa puso niya sa pag-aalala sa boses nito.

Umiling siya kahit alam niyang hindi siya nito nakikita. Pinilit niyang kalmahin ang sarili. "No. Napanuod ko lang yung video. I'm really really sorry na umalis ako ng walang paalam. I'm sorry for being selfish. I'm sorry, Clay."

"Shhh.... It's okay, siren. Don't worry your pretty little head because I'm nit mad, okay? Where are you?"

"Sa resort nina Stephen sa Batangas."

"Okay. I'm on my way."

"I love you, Clay."

"I love you more, siren."
Ipinikit niya ang mga mata at idinikit sa dibdib ang cellphone. Hindi na siya makapaghintay na makita ulit si Clay.

Pakiramdam ni Kara ay napakabagal ng oras, kaya naman halos tumalon siya sa kama nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ng cottage.

Kahit alam niyang darating si Clay ay parang lumukso pa rin ang puso niya nang makita ang lalaki. Dinamba niya ito at mahigpit na niyakap.

"Damn, I missed you, siren," bulong ni Clay habang nakasubsob ang mukha sa buhok niya.

"I'm sorry, Clay."

Binitawan siya nito at sinapo ang magkabila niyang pisngi. Pinahid nito ang luha niya. "Ang mahalaga kasama na kita ngayon. Are you sure you're okay?"

Tumango siya. "I missed you!"

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "Please don't leave me again."

Tumango siya. "I promise."

Hinalikan siya nito sa noo. "Good. Dahil kapag iniwan mo ako ulit, I will spank you."

Natatawang tumango siya. Impit siyang napatili nang buhatin siya nito. Her legs automatically wrapped around his waist. Ibinagsak siya nito sa kama. Nanatili itong nakadapa sa ibabaw niya. Itinukod nito ang magkabilang kamay sa gilid ng ulo niya.

"Alam ko na ang tungkol sa mga negative comments na natataggap mo, siren. Is that the reason why you left?"

Her lower lip trembled. Naramdaman na naman niya ang pangingilid ng mga luha. "Medyo stressed lang siguro ako sa preparation ng kasal. Tapos sumabay pa yung mga negative comments. Alam ko na hindi dapat ako maapektuhan sa mga nababasa ko dahil hindi naman nila ako kilala. I'm sorry for being weak, Clay."

"You're not weak, siren. You're just human. Nagtampo lang ako ng kaunti dahil kay Andrei ko pa nalaman ang tungkol sa dahilan ng pag-alis mo. But at the end of the day, naintindihan ko na ginawa mo kung ano sa tingin mo ang tama. And I knew in my heart that you're coming back when you're ready. Next time, if something is bothering you, I mean anything., don't hesitate to tell me. Always remember that no matter how busy I am, you will always be my top priority."

"Hindi ko alam kung paano ako naging masuwerte na nakilala kita."

"Ako ang masuwerte sa iyo, siren." Hinalikan nito ang noo niya.

"Clay, puwede mo bang kantahin ulit ang bago mong kanta?"

"With pleasure."

Ipinikit ni Kara ang mga mata at isinapuso ang lyrics ng kanta.

Alam ni Kara na hindi lahat ay nagkakaroon ng happily ever after.at alam din niyang darating ang mga pagkakataon na susubukin ulit ng tadhana ang relasyon nila ni Clayton. At kapag dumating ang araw na iyon, alam niyang malalampasan nila iyong dalawa dahil mahal nila ang isa't isa.

Indulgence (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon