"Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito. Na gusto kong makasama ang isang lalaki na ngayon ko lang nakilala."
-Kara
ABALA SA pagsusulat ng manuscript is Kara nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa front door. Pagtingin niya sa oras na nasa laptop ay pasado alas kuwatro pa lang ng umaga. Awtomatikong kumunot ang noo niya. Sino kaya ang nasa labas ng ganitong oras?
Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa pinto ng maisip na baka si Andrei ang bisita niya. May mga pagkakataon kasi na bigla na lang itong sumusulpot sa labas ng bahay niya dahil kailangan nito ng kausap.
Natutop niya ang bibig sa gulat nang makita si Clay na nakatayo sa labas ng pinto niya. Ilang beses pa siyang napakurap para lang masigurong hindi siya pinaglalaruan ng mata niya dahil imposibleng si Clay ang nasa harap niya. Halos apat na araw pa lang ang nakararaan nang umalis ito papuntang Canada.
"Anong ginagawa mo dito?" hindi makapaniwalang tanong niya dito.
Nawala ang ngiti nito. "Ayaw mo akong makita?"
Umiling siya. "No! I mean yes! I mean," mariin niyang ipinikit ang mata para hawiin ang agiw na mukha yatang nagpapalabo sa takbo ng utak niya. "Hindi ko lang in-expect na makikita kita ngayon. Ang sabi mo one week ka sa Canada?"
Bumalik ang pagkakangiti nito. "Pwede bang sa loob na tayo mag-usap? Malamig kasi dito sa labas e."
Tsaka lang niya naalala na pareho pa din silang nakatayo sa may pinto. Marahan niyang natampal ang noo. "Sorry. Halika, pumasok ka na." Deretso itong umupo sa sofa niya. Bakas ang pagod sa mukha ng binata. "Gusto mo ba ng kape?" tanong niya dito.
Nagmulat ito at tumingin sa kanya. Gusto niyang tumakbo papunta sa kuwarto at mag-ayos. Hapon na siyang nag-umpisang magsulat. Alam niyang magulo ang buhok niya na basta lang niyang inipit kanina, oily na ang mukha niya at nakasuot siya ng oversize shirt at shorts. Kapag kasi tinamaan siya ng kasipagan, hindi na niya pinapansin pa kung ano ang hitsura niya.
Papunta na siya ng kusina ng hilahin nito ang kamay niya kaya na-out of balance siya at bumagsak siya sa kandungan nito. Umikot ang braso ni Clay sa tiyan niya. Napalunok siya nang maramdaman ang init ng hininga nito sa leeg niya. She can also feel the heat coming from his body.
Aalis sana siya pero mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Come with me."
"Ha?"
"Gusto kitang isama sa farm ko sa Batangas. Magstay tayo doon ng ilang araw."
Isang malalim na hininga ng pinakawalan niya. "Kinakabahan ako, Clay."
Inabot nito ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri nila. Sa ginawa nito ay nabawasan ang kabang nararamdaman niya. "Don't worry, siren ako ang bahala sa iyo."
"P-pero-" she was not able to finish her sentence when he starts to nibble her earlobe. Biglang uminit ang pakiramdam niya.
"No more buts," bulong nito sa tainga niya. "Please say yes."
Wala sa sariling tumango siya. Pagdating kay Clay ay biglang humihina ang kakayahan niyang mag-isip. Sa mga oras na iyon, tanging dito lang naka-focus ang atensiyon niya.
"Okay," she said breathlessly.
Muli nitong kinagat ang puno ng tainga niya bago siya nito pakawalan. "Mag-empake ka na ng damit mo."
"Ngayon na?"
"Yes." Inilabas nito ang cellphone at may pinindot. "I'm giving you thirty minutes to pack everything you need."
![](https://img.wattpad.com/cover/62000789-288-k818630.jpg)
BINABASA MO ANG
Indulgence (Incomplete)
RomanceNagpunta si Kara sa kasal ng first love niya para patunayan sa sarili at sa mga taong nakakakilala sa kanya na nakapagmove on na siya sa feelings niya kay Randall. Kung masaya ang mga tao sa event ay para namang pinapatay ang puso niya habang pinapa...