Chapter 5

21.7K 596 34
                                    

"She's like a siren, luring me to sail into dangerous water."

-Clay


"HOY!"

Napapitlag si Kara nang may biglang sumigaw sa gilid niya. Matalim niyang tiningnan si Andrei na todo ang pagkakangisi. "Papatayin mo ba ako sa gulat, Drei?"

Inilapag nito sa harap niya ang isang platito ng chocolate cake. "Kanina ka pa kasi tulala diyan. Nag-aalala na ako na baka nahipan ka na ng masamang hangin o baka naman nalipasan ka ng gutom kaya ka nagkakaganyan. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na masama sa katawan ang puro instant noodles at chichirya ang ipinanlalaman mo diyan sa tiyan mo?" sermon nito sa kanya.

Mabuti na lang at hindi niya sinabi dito ang tungkol sa pagkaka-ospital niya, dahil malamang na doble pa sa sermon na ginagawa nito ngayon ang aabutin niya. Andrei always acts like her big brother. Dahil pareho silang nag-iisang anak ay sila na lang daw ang magkapatid. Lagi nga niya itong binibiro na malamang na magkapatid sila sa past life niya.

"Umayos ka, Drei. Hindi bagay sa iyo ang mag-ala mother hen. Kung makapagsalita ka parang hindi ka umiiyak noong isang linggo dahil sa ginawa ni Virginia sa iyo," nakasimangot na ganti niya dito.

Umupo ito sa tabi niya at inakbayan siya. "Alam mo, bestfriend, ganyan talaga ang buhay. May mga tao talaga na darating at aalis sa buhay mo. Ang mahalaga may natutunan ka sa mga iyon. Kapag hinayaan mo ang sarili mo na magmukmok sa isang tabi dahil lang nasaktan ka, wala ng mangyayari sa iyo. Patuloy ka pa din sa pagmamahal sa isang tao na wala ng pag-asang bumalik. Kaya move on-move on din kapag may time."

Matalim niya itong tiningnan dahil parang siya ang pinatatamaan nito sa sinabi. "Sige ipagdikdikan mo pa, Drei."

Ginulo nito ang buhok niya. "Ikaw naman hindi na mabiro. Seriously, kailangan mo na ng kaunting adventure at thrill sa buhay mo, Kara. Hindi iyong puro na lang ang computer mo at pader ang lagi mong kaharap. Ang ilan sa mga kaklase natin may mga asawa't anak na. Yung iba nga ilang beses ng annulled. Samantalang ikaw, may latak pa din na nararamdaman sa naudlot mong pag-ibig. Bakit hindi ka gumaya sa mga kaklase at kakilala natin?"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. "Gusto mong magpakasal ako at magpa-annul din ng ilang beses?" mahinang asik niya dito. Kahit naman may mangilan-ngilang customers doon ay ayaw niyang i-broadcast ang pinag-uusapan nila ni Andrei.

Mahina siyang napamura ng pisilin nito ang pisngin niya. "No, silly. Ang gusto kong sabihin sa iyo ay enjoy life. Take all the risks. Mahirap na na kung kailan ka tumanda, tsaka ka magsisisi at hindi mo nagawa ang maraming bagay dahil natatakot ka lang na masaktan."

"Kahit alam mong mali ang ginagawa mo at masasaktan ka lang sa bandang huli?"

"Walang permanente sa mundong ito, Kara. Sabi nga nila, okay lang na madapa ka. Ang mahalaga natuto kang tumayo sa bawat pagbagsak mo."

Ilang beses siyang napakurap habang nakatingin dito. Pagkatapos ay mahinang pumalakpak. "Kailan ka pa nagkaroon ng sense ang mga advice mo?" manghang sabi niya dito.

Bumalik ang pagkakangisi nito. "One hour ago lang." Napangiwi ito ng pitikin niya ito sa ilong. "Aray naman, Kara. Pag na-deform ang ilong ko sisingilin kita sa pagpaparetoke." Tumayo ito at muling tinapik ang tuktok ng ulo niya na para bang isa siyang alagang aso. "Sige, kailangan na ako ng business ko. By the way, three hundred pesos ang babayaran mo."

"Three hundred pesos?" gulat na bulalas niya. "Para lang sa isang slice ng cake?"

"One hundred fifty para sa cake. At yung another one hundred fifty, para sa professional fee ko." Kinindatan pa siya nito bago bumalik sa counter.

Indulgence (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon