PART 2

4.8K 83 3
                                    

Hi, guys!!! Ito pala ang special chapters ng INDULGENCE. ^_^
Sana magustuhan ninyo. :)

-----------------------------

"SO, congratulations! Ilang months na ang tiyan mo, hija?"

Ilang beses na napakurap si Kara. Alanganin siyang ngumiti. "I'm not pregnant, maam."

Natutop nito ang bibig. "Oh, I'm sorry. I don't mean to offend you." To her credit, really looked sincere

"You know hija, I know a personal trainer. I can give you his number."
Pakiramdam ni Kara ay may sumipa sa sikmura niya sa sinabi ng kaibigan ng mama ni Clay. Pero hindi niya iyon pinakita sa mga kaharap. She pasted her sweetest smile.

Bigla siyang nawala ng ganang kumain.

Nangawit ang panga ni Kara sa pagngiti. Ito na yata ang pinakamatagal  na isang oras ng buhay niya. Nasaan na ba si Clay?
Hanggang pag-uwi ay hindi pa rin maalis sa isip ni Kara.

Siguro ay hindi na dapat siya nagpunta sa party na iyon. Pilit niyang binalewala ang tingin sa kanya ng ibang mga tao. Napaalam siya na pupunta ng banyo. Dumiretso siya sa isa cubicle at nagkulong doon. Ipinikit niya ang mata at tumingala. Narinig niya ang pagpasok sa loob.

"Nakita nyo ba ang girlfriend ni Clay?" Tanong ng boses ng isang babae.

Napamulat siKara at pinigilan ang sarili na huwag gumawa ng ingay.
"Yeah. Hanggang ngayon nga hindi ko.maintindihan kung ano ang nakita sa kanya ni Clay. I mean Serenity was waaaay better than that girl. My God! Did you see her body? She needed to stay fit and sexy para hindi siya iwan ni Clay."

Other girls murmured their agreement. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi para pigilan ang sarili sa pag-iyak. How can they be so cruel?

Pagkalabas ng mga ito ay lumabas na rin siya. Laglag ang mga balikat na tumingin siya sa salamin. Kung kanina ay confident siya, ngayon ay gusto niyang umalis sa lugar na iyon. Gusto niyang magtago sa mundo.

Nang masigurong kontrolado na niya ang emosyon ay lumabas siya ng banyo. Nakita niya si Clay. Lumapad ang ngiti nito ng makita siya.
"Hey, are you okay?" Nag-aalalang tanong nito.

"Medyo sumasakit lang ang ulo ko."

"Then, umuwi na tayo para makapagpahinga ka."

Habang nasa biyahe ay nakapikit si Kara. Naramdaman niya ang paghawak ni Clay sa kamay niya. Nagmulat siya at sinalubong ang mata nito.

"Masakit pa ba ang ulo mo?"

Tumango siya. "Medyo lang."

Pagdating sa unit nito ay hinalikan niya si Clay. "Make love to me, Clay."
She needed him. She wanted to feel loved.

"Are you sure?"

Tumango siya. Hindi na nagdalawang isip si Clay at binuhat siya papunta sa kuwarto.

Pinigilan niya ang kamay ni Clay ng tangkain nitong buksan ang ilaw.
"Hayaan mong patay ang ilaw, Clay," anas niya at siniil ito ng halik.

That night they made love with the lights off.

PAKIRAMDAM ni Kara ay sasabog ang ulo niya. Katatapos lang niyang makipagkita sa mama ni Clay para sa ilang detalye ng kasal nila. Tanghali na ng matapos sila sa pinuntahan nilang florist.

Nagkaroon ng biglaang lakad ang mama ni Clay kaya naman nagdesisyon siyang kumain muna sa isang fastfood chain.

Excited na um-order si Kara ng 2pcs. Na fried chicken at sundae.
Nasa kalagitnaan siya ng pagkain ng mapansin niya ang dalawang babae na nasa tapat na table. Pasulyap sulyap ang mga ito sa kanya.

"Siya yung girlfriend ni Clay," narinig niyang bulong ng babae.

"Nakita mo ba ang order niya?"

Nawalan ng ganang kumain si Kara. She looked at her unfinished food longingly. Umalis siya at nagpunta sa shop ni Andrei. Dumaan siya sa may backdoor papunta sa opisina nito.

Pasalampak na umupo siya sa couch hanggang sa tuluyan siyang humiga.

Indulgence (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon