"I am the type of guy who never fuck the same woman twice. But with her it was entirely different. One night is not enough. Because after tasting her, I became addicted to her and I am craving for more "
-Clay
NAALIMPUNGATAN SI Kara dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa katawan niya. Ilang beses niyang ikinurap ang mata nang magising. Nasaan na ba siya? Muli niyang ipinikit ang mata ng maramdaman ang pagpitik sa sentido idagdag pa ang sakit ng katawan niya. Damn hangover. Isinusumpa niya ang kung sino man ang umimbento ng alak.
Marahas niyang naimulat ang mata nang gumalaw ang mabigat na bagay na nakadagan sa kanya at mas humigpit pa ang pagkakakapit nito sa baywang niya. Nanlaki ang mata niya ng makitang may brasong nakayakap sa baywang niya. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin. Napasinghap siya ng makita ang isang lalaki na payapang natutulog sa tabi niya.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata para kalmahin ang sarili. Tsaka naman tila pelikula na nag-rewind sa utak niya ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Pakiramdam niya ay umakyat ang dugo niya sa mukha nang maalala ang mga nangyari noong nakaraang gabi. How this stranger worshiped her body using his hands and mouth.
Kailangan niyang makaalis kaagad sa lugar na iyon. Ayon sa liwanag na nangagaling sa labas ng cottage ay malapit ng sumikat ang araw. Hindi niya ito kayang harapin.
Daha-dahan niyang inalis ang braso nito sa baywang niya at pinalitan ng unan ang puwesto niya. Dali-dali niyang pinulot ang mga nagkalat na damit sa sahig. Damn she couldn't find her underwear.
Pakiramdam niya ay nasa lalamunan niya ang puso nang maingat niyang buksan ang pinto. Sa huling beses ay tiningnan niya ang lalaking payapang natutulog sa gitna ng kama. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang lumabas.
Ipinagpasalamat niya na walang tao sa paligid. May kadiliman pa ng lumabas siya. Dahan –dahan siyang umakyat sa hagdan papunta sa cottage kung saan siya tumutuloy. Mabuti na lang at solo niya ang cottage dahil hindi natuloy ang bestfriend niyang si Celine na siya dapat na kasama niya doon.
Kaagad niyang isinara ang pinto at sumandal doon. Sa nanghihinang mga tuhod ay dumausdos siya paupo sa sahig. Bakit wala siyang makapang pagsisisi sa puso niya na ibinigay niya ang sarili sa isang estranghero?
Maybe because you enjoyed it too much..
Napatingin siya sa wallclock. Ayon doon ay alas singko pa lang ng umaga.
Dumeretso siya sa banyo at deretsong hinubad ang mga damit at tumapat sa mainit na tubig. She bit her lower lip when she felt sore between her legs. Nang matapos ay humarap siya sa salamin at tiningnan ang repleksiyon niya.
Bahagyang namamaga ang labi niya at namumula ang mukha. Alam niyang hindi iyon dahil sa hot shower kundi dahil sa isang lalaki na iniwan niyang natutulog sa kama nito.
Nanlaki ang mata niya ng makita ang mga pulang marka sa leeg at dibdib niya. Sana lang ay hindi iyon mapansin ng mga kasama. Alas siyete ang alis nila sa resort dahil may pasok ang ilan sa kanila kinabukasan.
Mariin niyang ipinilig ang ulo para maalis sa isip ang mga maiinit na tagpo noong nakaraang gabi. Kailangan na niya itong alisin sa isip niya dahil alam niyang hindi na ulit sila magkikita pa. One night stand lang ang nangyari sa pagitan nilang dalawa kaya wala ng saysay ang guluhin niya ang isip sa isang lalaking hindi na ulit niya makikita.
Sumapit ang oras ng pag-alis nila. Nakarinig siya ng sunud-sunod na katok sa pintuan niya at napangiti siya ng makita si Andrei. Mukhang hindi ito nakatulog ng maayos base sa hitsura nito.
"Saan ka nanggaling kagabi? Bakit bigla ka na lang nawala?" sunud-sunod na tanong nito sa kanya nang abutin nito ang dala niyang back pack.
"Good morning din sa iyo," nakangiting bati niya dito. "Bigla lang sumama ang pakiramdam ko kagabi kaya bumalik agad ako dito," sagot niya dito habang isinasara ng pinto ng cottage niya.
BINABASA MO ANG
Indulgence (Incomplete)
RomanceNagpunta si Kara sa kasal ng first love niya para patunayan sa sarili at sa mga taong nakakakilala sa kanya na nakapagmove on na siya sa feelings niya kay Randall. Kung masaya ang mga tao sa event ay para namang pinapatay ang puso niya habang pinapa...