"ANO ANG nangyari bakit nagtatago ka sa opisina ko? Akala ko busy ka sa pag-aasikaso ng kasal mo?"
Hindi natinag sa pagkakahiga sa sofa si Kara. Nanatili siyang nakatitig sa kisame.
"Ayaw kong magstay sa labas dahil baka may makakilala na nama sa akin."
She heard him chuckle. "So kumusta ang maging sikat?"
Ipinikit niya ang mga mata at ipinatong sa noo ang braso. "Alam mo na hindi ito ang buhay na gusto ko, Drei. Kuntento na akong magtago sa lungga ko. Ang gusto ko lang naman ay makasal sa taong mahal ko pero hindi ko akalain na ganito kastressful ang haharapin ko."
Naramdaman niya ang pag-upo ni Andrei sa may paanan niya.
"Wedding jitters?"
Nagmulat siya at umayos ng upo. Marahas niya sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. "Feeling ko mababaliw na ako, Drei. Kahit anong gawin ko laging may matang nakasunod sa akin. Kailangan kong magbawas ng timbang dahil mataba ang tingin sa akin ng mga tao. Hindi na ako makakain ng Chicken Joy sa Jollibee dahil magiging issue na naman 'Yon kapag may nakakilala sa akin. Madadagdagan na nama ang listahan nila kung bakit hindi kami bagay ni Clay."
Tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. Nagpakawala nang malalim na hininga si Andrei bago iabot ang tissue sa kanya.
"Sinabi mo.na ba kay Clay ang nararamdaman mo?"
Umiling siya. "Busy siya sa album nila. Ayaw ko siyang guluhin." Naiinis siya dahil ayaw tumigil ng mga luha niya. "Gusto kong umalis saglit, Drei."
"Magbakasyon ka, Kara. Masyado ka na sigurong stressed at kailangan mong sariwang hangin."
Mapasinghot siya. "Hindi ba ako.magmumukhang selfish kapag tumakas ako sa saglit?"
Umiling ito at bahagyang tinapik ang ulo niya. "Minsan kailangan mong huminto saglit para pag-isipan ang mga bagay-bagay. Sabihin mo kay Clay ang balak mo."
"Thank you, Drei." Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya.
"May naisip ka na bang puntahan?"
Tumango siya. "Balak kong magpunta sa lugar na malapit sa dagat."
Pag-uwi ni Kara ay mabilis siyang nag-empake. Pagkatapos magtext kay Clay ay nagpunta siya sa bus station papuntang Batangas.
PAGOD NA ibinagsak ni Clay ang katawan sa sofa sa labas ng studio. Pakiramdam niya ay nadrain ang energy niya nang matapos ang recording nila para sa araw na iyon. He just want to be with Kara.
Kung puwede nga lang na hindi na ito mawala sa paningin niya. Bigla niyang naalala na hindi pa pala niya ito nakakausap simula noong umalis siya kanina. At base sa wrist watch niya ay pasado alas siyete na ng gabi.
Kinuha niya ang cellphone. Mahina siyang napamura ng malamang naka-off iyon. Nakalimutan niya iyong i-charge.
Ang text ni Kara ang unang bumungad sa kanya. Napangiti siya. Pero kaagad din iyong nabura ng mabasa niya ang message nito.
Dearest Clay,
Pasensiya ka na kung naistorbo kita. Ayaw kong madistract ka sa recording ninyo. Gusto ko lang sabihin na aalis ako saglit. Huwag kang mag-alala, babalik din ako. I promise. So please don't look for me okay?
I may sound a little selfish pero kailangan ko itonh gawin. Masyado lang siguro akong napepressure. Babalik din ako kaagad. I love you.
Pakiramdam ni Clay ay may sumipa sa dibdib niya. Kahit ilang beses niya iyong basahin ay hindi pa rin iyon nagbabago. Sa nanginginig na mga kamay ay tinawagan niya ang number nito. Napamura siya ng operator ang sumagot.
What happened?
Isa lang ang alam niyang nakakaalam ng kinaroroonan ni Kara. Mabilis siyang nagpaalam sa mga kasama at nagpunta sa coffee shop ni Andrei.
Wala ng masyadong tao ng makarating siya sa shop. Naabutan niya si Andrei sa likod ng counter.
"Where is she?"
"Hindi niya sinabi kung saan siya nagpunta."
Naikuyom niya ang mga palad. Nakumpirma niyang galing doon si Kara. "May sinabi ba siya bakit siya umalis?"
Saglit siyang tiningnan ni Andrei. "Doon tayo mag-usap." Sinundan niya ito papunta sa may dulong table. "Masyado siyang stressed sa mga nakalipas na araw. Hayaan mo muna siya."
Naihampas niya ang kamao sa lamesa. "Hindi ako mapalagay hanggat hindi ko alam kung nasaan siya at kung bakit siya umalis."
"Well, I'm going to tell you why. Alam ko na kay Kara dapat manggaling to pero gusto kitang tulungan. Medyo matigas kasi ang ulo ng isang yon. Gaya ng sabi ko kanina, Kara's stressed, Clay. Simula noong naging punlic ang relasyon ninyo hindi na siya mapalagay. Maraming masasamang bagay siyang nababasa patungkol sa kanya. Sinabi ko sa kanya na huwag ng basahin ang mga negative comments tungkol sa.kanya pero matigasang ulo niya. Mukha lang siyang astig pero ang totoo, marami siyang insecurities." Inabot sa kanya ni Andrei ang cellphone nito.
Mabilis niyang binasa ang mga comments tungkol sa isang article na may kinalaman sa kanila ni Kara.
Hindi sila bagay ni Clay.
So siya ang ipinalit ni Clay kay Serenity?
Tinigilan niya ang pagbabasa dahil nagsimulang umusbong ang galit sa dibdib niya. Sino ang mga ito para sabihin ang masasakit na salitang iyon kay Kara?
Kaya ba may mga pagkakataon na parang may malalim itong iniisip.
Naihilamos niya ang palad sa mukha
"Bakit hindi niya sinabi sa akin?""Dahil ayaw niyang madistract ka, Clay. She knows how you love your music."
"But I love her more. Paano kung may mangyaring masama sa kanya?"
Tinapik siya ni Andrei sa balikat. "Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon pero may nabanggit siya na pupunta siya malapit sa dagat. Huwag kang mag-alala babalik din siya."
Sa mga oras na iyon ay walang ibang gustong gawin si Clay kundi ang makita ulit si Kara.
BINABASA MO ANG
Indulgence (Incomplete)
RomanceNagpunta si Kara sa kasal ng first love niya para patunayan sa sarili at sa mga taong nakakakilala sa kanya na nakapagmove on na siya sa feelings niya kay Randall. Kung masaya ang mga tao sa event ay para namang pinapatay ang puso niya habang pinapa...