margarette ace: Hi, guys! Naka-private po ang Chapters 6 & 7 ng Indulgence. ;) pa-follow na lang po ako at patingin na lang po ang Indulgence sa profile ko para po mabasa ninyo. Maraming salamat po,! :*
Chapter 8
"I told myself not to expect too much from him because I know that someday, I will end up hoping for something that will never happen."
-Kara
NAGISING SI Clay nang may tumulak sa kanya. Napailing na lang siya ng makitang si Kara ang may gawa noon na himbing na himbing sa pagtulog. Naaliw siyang panuorin ito sa pagtulog. Kinapa nito ang tabi na tila may hinahanap.
Inilapit niya dito ang gamit niyang unan na kaagad nitong niyakap. Napangiti na lang siya ng isubsob doon ni Kara ang mukha at humugot ng malalim na hininga. Dinampot niya ang cellphone at ayon doon ay alas kuwatro na ng madaling araw. Napagdesisyunan niyang mag-jogging dahil hindi na siya makakatulog.
Matapos makapagpalit ng damit ay muli siyang lumapit sa natutulog na si Kara at magaan itong hinalikan sa mga labi. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa dalaga pero may tila magnet ito na humihila sa kanya palapit.
"Clay," may kung mainit na bagay siyang naramdaman sa dibdib ng marinig ang pangalan niya sa mga labi nito.
Pinigilan niya ang sarili na gisingin ito sa mga halik niya and have morning sex. He knew she's still sore because of last night.
Naabutan niya ang ilang kasambahay na abala sa paglilinis. Sandaling tumigil ang mga ito sa ginagawa ng makita siya. "Magandang umaga, Sir Clay," anang mga ito.
"Good morning," nakangiting bati niya sa mga ito.
Lumapit sa kanya si Manang Linda na siyang nagsisilbing mayordoma sa villa. Ito din ang naging yaya niya noong bata pa siya. "Magandang umaga, Clay." bati nito sa kanya. "Nakahanda na ang almusal ninyo at malapit na kaming matapos maglinis."
"Maraming salamat, Manang Linda."
Kinausap niya ang matanda na hanggat maaari ay hindi makikita ni Kara ang mga ito. Ayaw niyang dagdagan ang pagkailang na nararamdaman ng dalaga dahil sa setup nila.
Isinuot niya ang hood ng suot na jacket at inilagay sa tainga ang magkabilang earphones. Kasabay ng pagtugtog ng drums ay nag-umpisa siyang tumakbo.
KATATAPOS LANG maligo ni Kara ng marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Nang magising siya ay pasado alas sais pa lang ng umaga at wala na din si Clay sa tabi niya.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya nang makitang si Andrei ang caller. "Drei!" masiglang bati niya dito.
"Good morning! Puwede bang pakibuksan ng pinto ng bahay mo? Kanina pa ako nandito pero mukhang hindi mo ako naririnig."
Lumabas siya sa verandah kung saan kitang-kita ang luntiang paligid. Sinalubong din siya ng malamig na hangin.
"Ahm, Drei, sorry hindi ko nasabi sa iyo pero wala ako sa bahay ngayon eh. Nasa bakasyon ako."
Nakagat niya ang hintuturo dahil sa pagsisinungaling niya. Sana lang ay hindi nito mahalatang nagsisinungaling siya. Iyon ang unang pagkakataon na nagsinungaling siya kay Andrei.
"Ganoon ba? Kailan ka babalik?" Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakakunot ang noo nito.
"H-hindi pa ako sigurado e."
"Saan ka naman nagbakasyon?"
Nagsimula siyang maglakad ng paroo't parito habang nag-iisip. "Ahm, sa bahay ng isang kaibigan ko. Kailangan ko kasing mag-concentrate sa sinusulat ko kaya kailangan ko ng tahimik na kapaligiran." Ipinagdasal niyang sana ay hindi siya tamaan ng kidlat sa kasinungalingang sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Indulgence (Incomplete)
RomanceNagpunta si Kara sa kasal ng first love niya para patunayan sa sarili at sa mga taong nakakakilala sa kanya na nakapagmove on na siya sa feelings niya kay Randall. Kung masaya ang mga tao sa event ay para namang pinapatay ang puso niya habang pinapa...