6th Tattoo

93 5 1
                                    

Xenon’s POV

Kinabukasan. Linggo. Ang tahimik sa bahay. 4 lang kasi kaming nandito ngayon. Ako. Si Manong Erwin na guard / gardener namin. Magaling yang mag-gardening. Grabe hangga talaga ko. Napunta din dito yung asawa at 2 nyang anak pero minsan lang. Si Manang Felly naman na di pa ata ako pinapanganak eh nagsisilbi na samin. Baka nga dahil sa akin kaya di na sya nakapag-asawa eh. At si Yaya Odilyn na 3 taon na din samin. Dalaga pa sya actually. Tinuturing nila kong pamilya nila since ako lang talaga ang totoong nakatira dito. Pero every 2 or 3 months naman, umuuwi din si Dad. Minsan pati si Lola at si Lolo. Pero kadalasan ako lang talaga dito.

Malaki yung bahay namin. Sabi nila Nhel para na daw mansion. Pero OA na siguro yun. Dati, madalas nandito sila Nhel, Rose, Katrine at Geline. Sila yung friends ko. Pero nung nag college na kami, bihira na lang din.

Mag-a-advance study nalang ako sa Multimedia.

Tumunog yung celphone kung kelan naman napapasarap na ko sa paggawa ng 3D na skeleton. Ang cute. Hehehe. Fan nga pala ko ng Nightmare before Christmas at Skelanimals. Baka trip nyo kong regaluhan ng kahit anong collectable items non. hihihihi… Hindi ko na pinansin yung call. Kung emergency yan, tatawag ulit yan. Hehe. Tamad ko talagang gumamit ng phone no?

Maya maya nga, tumunog na naman. … HangKUlettt! Sino ba to?... Tiningnan ko… O_o? hmmm? Si Yuya pala…

Calling Yuya…

“baket?” - ako

“tss. bat ngayon mo lang sinagot?” ba naasar na sya kaagad?

“ganda pa ng bati mo ah” dagdag pa nya.. bah? May topak si Yuya? Eh bat tumawag? Balak atang sakin ibuntong… loko talaga.

“oh sige na, ‘hello Yuya!’, oh. Bakit nga?” inulit ko na greetings ko ha.

“anong ginagawa mo?”

“naglalaro ng kalansay”. Totoo naman diba? Nirorotate ko kasi yung kamay na kalansay, galing ko kasing gumawa. Hehe. I’m proud of myself!...

“what trip is that!? Tigilan mo yan!” hala? Anong akala nya totoong kalansay ang nilalaro ko? Ngek. Eh takot nga ako sa bangkay eh. Totoong kalansay pa kaya?

“sira ka. Never heard of Multimedia and 3D graphics?... tss”

“ah. ok”

“so bakit ka nga tumawag?”

“sama ka sakin sa National Bookstore”

“Why?”

“Syempre may bibilhin ako, malamang.” Ay pilosopo? Tuktukan ko kaya ng isa to.

“ok”

“sasamahan mo na ko?!” wow? Di naman sya excited pumunta sa Bookstore no? hyper sya eh.

“yap. Hintayin mo ko dun sa… hmm.. sa Old Spag. House nalang ulit after 2 hours”

“ok! Bilisan mo ah! Ingat!” (toooooot)… end of call… nukayahyun? Excited talaga? Sya na bookish.

Yuya’s POV

Nasa bahay sina Dad. Linggo kasi. Pero as usual, di kami nagpapansinan ni Dad. Nakakaasar kasi sya. … Pero kahit naman lately hindi kami nagkakasundo nyan, I love him ‘coz he’s my dad. Nakakaasar lang talaga. ay bahala nga sya!

“Mom, I’ll go out”

“Where are you going?” Dad said in a cold tone

“Need to buy book regarding 1 one of my subjects - Political Science, Dad”

TATTOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon