24th Tattoo

63 4 0
                                    

Yuya’s POV

Nakakaasar!

Nakakaasar!

Nakakaasar!

Naman! Sa dinami dami ng lalake bakit naman yun pang isang yon ang naging EX ni Xenon ko!?

Bwiset! Sya yung kumuha ng first kiss ng babaeng mahal ko! Arrrggghhh! Gusto ko syang BUGBUGIN! Tingnan ko lang kung makilala pa sya ng modeling industry! Arrrgghhh!!!

Nagpapahangin ako sa beach nung may kumalabit sakin. Syempre tiningnan ko kung sino…

“sabi ko na nga ba ikaw yan!”

“anong ginagawa mo dito?”

“ahahaha. bakit? Ikaw lang ba pwedeng magbakasyon?”

Si Christian kasama yung girlfriend nya.

“Tss. san kayo nakacheck in?” tanong ko sa kanya.

“dun” sabay turo nya nung medyo malayong hotel.

Buti naman at hindi sila dun sa hotel na tinutuluyan namin. Mas gugulo ang paligid ko.

“Kasama mo si Xenon?”

“Hindi pa sya nadating”

“ah”

Tinabihan nya ko. Tas katabi nya yung girlfriend nya. Tss. sila na magkaholding hands. Buti na rin siguro yan para naman nawawalan ako ng kaagaw kay Xenon. Tss. Kung di lang alam na crush nya si Xenon ko hanggang ngayon… pasalamat sya kaibigan ko sya…

Arrrgghh! Naalala ko na naman yung bwisit na Jesse na yun!

“oh? Bat ganyan mukha mo? Ahahaha. para kang serial killer ah?” loko talaga tong si Christian kahit kailan

“nandito yung ex ni Xenon.”

“ah… yung model?” tss. kilala nya pala.

“oo. Model ng Zoo. Mukhang unggoy eh. ah hindi mas mukhang hippo”

“woah! Selos ka pare! Ahahah! Sabi ko na INLOVE ka kay Xenon! Denial ka pa! ahahaha”

“ang gulo mo. Umalis ka na nga.”

“ahahaha. Insecure ka lang pare. Mas gwapo yung EX. ahahaha”

“sige tawa ka lang. tss” Kabadtrip talaga…

Bakit naman ako maiinsecure sa isang yun?. NO WAY! Bulag ba sila!? Mas gwapo ko dun!

“tara sama ka samin sa club. Nandito din sina Jonathan. Tara na!”

Ano pa nga bang magagawa ko. tss. sige na nga…

Rose’s POV

Ang sweet naman ng boyfriend ko! eeee… kinikilig ako!

Pumunta kami kanina sa tabing dagat para panoorin yung sunset…

“ang ganda talaga dito” sabi ko habang nakaupo sa sand at nakatingin sa langit

“pero mas maganda ka” hinawakan pa nya yung kamay ko

Eeee. ang sweet sweet talaga. kulang nalang matunaw ako sa tingin nya… dagdagan pa ng killer smile. Eee… … siguro ang pula pula na ng pisngi ko ngayon…

Hindi ako kinilig ng ganito sa Ex ko…

“Madalas ka ba dito?” tanong nya sakin

“medyo. Tuwing bakasyon or sem break napunta kami dito nila bestfriends”

“ah… kaya pala komportableng komportable kayo ng mga kaibigan mo”

At never kong inexpect na mamahalin ako ng ganito ng rebounder na to…

TATTOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon