17th Tattoo

65 4 0
                                    

Xenon’s POV

Masyado kong naging busy pagkatapos ng Prelims namin. Kasi naman, inaayos ko yung Capstone ko. Nag-aaral pa ko ng Business Administration. Laking tulong sakin nung course na yon. Mas madali kong napo-point yung weaknesses nung client ko. Malapit na rin yung deadline nung bagong projects namin sa Multimedia and Graphics. …

Kung ako nga busyng  busy na, pano pa kaya si Yuya… kaya naman minsan, tinutulungan ko sya sa mga subjects nya… Kawawa nga ang man-friend ko, hirap na nga sa 4 majors nya, nadagdagan pa ng 3 minors na first time nyang malaman. Luging lugi sya sa mga classmates nya. Wala kasi syang alam sa Philippine Studies. Double effort tuloy sya sa pag-aaral.

Di ko na nga napupuntahan si Geline. MInsan na lang din kaming magkabonding ni Nhel. Kaya nadadalas ang paggamit ko ng phone ko. Tinatawagan ko nalang yung mga bestfriends ko. Si Dad naman, almost 1 month naring naka alis.

Malapit na namang mag examination week for Midterms naman… tapos after a month, Finals na.

“Kumain na muna kayo. Kanina pa kayo tutok na tutok dyan sa laptops nyo ah?” si Tita, nasa may pinto ng kwarto ni Yuya

Sanay na sanay na si Titang magtagalog. Pero Swedish accent parin sya. Hehehe. Ang cute nga sobra!

“Gutom ka na?” malambing nyang tanong sakin

“No. I’m fine”

“Mamaya na Mom. Tapusin lang namin to.”

Napabuntong hininga si Tita… Maalalahanin talaga sya.

“Sige na nga. Basta wag kayong magpalipas ng gutom ah. At wag kayong masyadong magpuyat ok?”

“Ok Tita”

“Opo Mom”

“hmm..(nod). Matutulog na din ako. Goodnight to the 2 of you”

Lumabas na nga si Tita sa kwarto. Naiwan kaming tinatapos yung Graphics presentations namin. Nakaupo kami sa carpet sa paligid ng kama nya habang yung laptop at yung mga gamit namin yung nasa higaan.

Ilang araw narin kaming nagpupuyat para tapusin tong Graphics at Multimedia. Kailangan kasi naming makakuha ng bestscores para maexempted kami sa Finals. Malaking bagay yun. Buti nga may ganon eh… Malaking tulong yon sa mga graduating students…

“Yuya, paayos nga nito…”

“Patingin nga…”

Magaling si Yuya sa Graphics. Second choice kasi nya sa college courses ang Civil Engineering pero IT parin ang first choice.

“Gusto mong iadjust ko to?” tanong nya tungkol dun sa structure nung dome na ginagawa ko.

“Sige please, pataasan pa ng konti pati pamove nito”

Tinuro ko yung part na nagulo ko kanina. Ang dami kasing loops nung ginagawa ko. Nagugulo na sa utak ko. Buti pa sya, kahit ang hirap hirap nung structure na ginagawa nya, di sya naguguluhan sa dami ng edges non.

“wag kang masyadong seryoso dyan, papanget ka sige” inaayos nya parin yung Graphics ko kaya di sya makatingin sakin…

Sino ba naman kasing hindi kukunot ang noo, imbis na mabuo ko yung Dome ko, mas nasisira pa ata. Kaninang umaga ko pa kaya yan ginagawa dito habang sya naman nasa school para sa minor subjects nya…

Natapos nya sa wakas…

“thank you” I kissed his cheek

“^u^.. welcome” he kissed my hand too

Mas napapamahal sakin si Yuya ko dahil sa pagiging gentle friend nya sakin. Kung minsan nga, basta basta ko nalang syang nahahalikan… bumibilis kasi yung tibok ng puso ko… parang nagkakaroon pa ng sariling utak…

TATTOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon