30th Tattoo (FIN)

119 7 6
                                    

8 years later…

Naglalaro kami ni Tinon nung bumakas ang pinto ng kwarto at pumasok ang napakagwapong nilalang…

“Honey, I’m home…”

“Daddy!” sabay takbo nya sa Dad nya na agad naman syang kinalong at hinalikan.

Tumayo na ko para batiin din sya.

“Hello honey” at hinalikan ko sya sa lips. Pero mabilis lang. May bata eh.

“I miss you” sabay wink nya.

Natatawa talaga ko sa kanya. Di pa rin nagbabago, ang sweet na medyo makulit. Para syang hindi 28 year old guy, and take note, having 2 children of age 4.

“Ilang oras mo pa lang kaming hindi nakikita, miss na talaga?” pang-aasar ko sa kanya

“Baby, sinusungitan ako ni Mommy oh?” at nagsumbong talaga sya kay Anie.

“Pupuntahan ko lang si Dad sa baba” paalam ko sa kanila.

Naabutan kong paakyat ng hagdan si Dad (Daddy Neon) and I kissed him.

“Napagod ka Dad?”

“No. I’m perfectly fine. Where are the kids?”

“Nasa Dad nya si Tinon… Ura is in his room, with a friend”

“Oh I see.”

“Wanted some coffee, Dad?”

“Yes please, take it to my room”

“Ok”

Dumiretso ko sa kusina para ipagtimpla si Dad ng kape. Meron kaming mga katulong syempre, hindi ko kaya kayang linisin tong buong bahay namin ng mag-isa. Kaya lang, mas gusto kong ako ang nagtitimpla ng kape ni Dad. Buong middle school at college life ko kaya, hiwalay kami ni Dad kaya naman bumabawi ako ngayon sa kanya.

Iniisip ko palang yung 8 taon na nakalipas, napapangiti na ko. Ang dami dami kasing bagay na nangyari… ang bilis ng panahon…

Tulad ng pangako ni Yuya 8 years ago, nagtrabaho sya sa Artemis Philippines bilang IT Lead na napromote kaagad bilang Manager. After a year and a half, sinundan nya kami ni Daddy Neon dito sa Singapore. He became a Director after another year of hard work.

Nagpakasal kami, and now, he and Dad where handling the main branch together with other Directors and higher management team. Tigil muna kasi ako sa pagtatrabaho dahil sa makukulit pero super loving and sweet twins namin – Sina Uranium ‘Ura’ Chaze Tranzes and Antimony ‘Tinon’ Chaze Tranzes. Babalik nalang ako sa Artemis kapag medyo malaki na sila.

[that should be pronounce as Yura and Teenon]

Marami ring balita sa Pilipinas tuwing magbabakasyon kami don.

Nagretired na sa Artemis si Daddy Harold. Ngayon nila inne-enjoy ang buhay nila ni Mommy Rosary. Palagi silang naga-out of town para mag bakasyon. At busy din sila sa pag-aalaga sa 10 years old nilang apo kay Kuya Kuya Pray at Ate Shelly.

Si Kuya Pray naman ang pumalit kay Dad sa pagiging Director. At si Ate Shelly as a Manager.

Wala ng single sa mga bestfriends ko. Geline has 3 children. … Rose was married to Isaiah a year before I got married to Yuya. Now, she had 2 cute little boys. … Hindi ko rin inexpect na si Katelyn at si Jonathan pala ang magkakatuluyan. Ang kulit nga nung story nila. May love triangle kasi between them and Robert (the playboy) ahahaha. Sumakit talaga ang ulo nila Hallelujah sa away ng mga kaibigan nila. Pero buti ngayon ok ng lahat. May asawa na din lahat ng friends nya. … At ang aking first bestfriend na si Nhel ay married na din sa all time boyfriend nyang si Lexuz. … I’m very happy for all of them.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TATTOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon