7th Tattoo

96 4 1
                                    

Xenon’s POV

Tanghali na kong gumigising kapag Monday at Wednesday. Wala naman kasi kong pasok eh. Tsaka, napuyat ako sa pag-rerender nung skeleton ko. Ang cute kasi kaya di ko tinigilan pag-uwi ko kahapon.

Pag tingin ko sa phone ko…

5 missed calls from Geline

3 missed calls from Yuya

1 message from Geline

5 message from Yuya

Grabe pala, tulog mantika ata ako … nakageneral phone ko pero di ko namalayan tong daming to…

Read…

From: Geline

‘Mareng Bestfriend, punta ka sa birthday ng baby ko ah! Wag mong kalimutan ha! Hehe. Muah’

Ma-reply-an nga… ui… nagtext ako…?. hehe… syempre bestfriend ko yan eh…

 To: Geline

‘Sure Mareng bestfriend! Sabi mo eh! Mwuah’

Mare dahil kinuha nya kong ninang sa binyag ng baby nya. Maaga syang nainlove kaya ganyan… pero happy naman sya…

From: Yuya

‘ang boring sa room. Wala ka kasi. Walang kong baliw na kausap. tss’

Ngek. Di sya marunong magtext? Buo talaga lahat ng words eh… tsk tsk.

From: Yuya

‘ui? Gising ka na ba? Text mo ko, wala akong makausap eh.’

From: Yuya

‘buti nalang patay na yung mga tao sa History nyo, kung hindi… ako papatay sa kanila. KAASAR! Ang papanget pa ng pangalan! Hirap tandaan!’

Ahahahaha. Si Yuya talaga… badtrip kaagad? Pati mga tauhan sa Philippine History pinagdidiskitahan. Ahahaha

From: Yuya

‘naman to oh, HOY BALIW!!! Gising na!... text mo ko!’

From: Yuya

‘ANG TAMAD MO TALAGANG MAGTEXT! TSS! KAASAR KA!’

Ahahahah. Galit na agad? Nakakatawa sya. Ahahaha

“Xenon? May gusto kang kainin?” – si Yaya Odi, nakasilip sa may pinto ng kwarto ko.

“Kayo na po bahala. Ligo lang ako”

“ok. Sunod ka na ah”… sinara nya ulit yung pinto at umalis

Anong oras na ba? … … … hmmm?... … … 11:30!!!! Hala! Tanghali na talaga!... liligo na ko. Mamaya ko na to itetext. hehe

Yuya’s POV

Ang aga ng pasok ko ngayon. 8am. Tss.

“good morning kuya Hale!” tss kuya? …sarap sagutin ng ‘kapatid ba kita?’

“hi -_-”… pwede na sigurong greet back yan.

“eee. Ang gwapo talaga nya no?”

“oo. May girl friend na kaya sya?”

“siguro, eh ang gwapo eh”

Bulungan in a loud speak na naman. Tss.

May History class ako ngayon. Di ko kilala yung mga classmates ko. Mga lower years kasi. 2nd year.

Nagstart si Ma’am…

Ang boring talaga pag di mo ka-close mga classmate mo no? Paano kaya nabuhay yun si Xenon ng 3 taon sa school ng walang kausap? …

TATTOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon