18th Tattoo

61 3 0
                                    

Xenon’s POV

“Ako na nga magdadrive sabe!”

Ayaw nya kasing ibigay yung susi, tinaas pa nya. Kaasar! Ang tangkad kaya nya! Di ko abot yung kamay nya…

“kaya ko naman. Ako na. pumasok ka na sa kotse. Bilis na”

“kaya mo nga pero ayoko. Please Yuya, akin na yan”

“babae ka. Ako nalang”

“Eh ano naman? Please naman oh. Akin na kasi yan”

“Sige na nga. Ang kulit mo eh”

Binigay na nga nya sakin yung susi. YES!!!

Napansin kong ang laki laki ng nagbago sakin dahil sa kanya. Dati madali akong kausap, di ko kasi hilig ang makipagtalo. Pero ngayon, kapag ayoko, ayoko talaga at pinaninindigan ko yun. … Lalo na kung para kay Yuya…

Madami na rin akong nagiging kausap sa room dahil sa kanya. Hindi na sila ilang sakin. Ang saya nga eh.

Pumasok kami ng kotse nya at pinaandar ko na. May klase kami ngayon sa Operations Research at sa lectures sa Multimedia at Graphics na nauuwi lang naman sa laboratory. Wala na kasing ilelecture yung mga prof. kaya hands-on nalang talaga.

“Matulog ka lang dyan. Gigisingin nalang kita mamaya.”

“Kaya ayaw mo kong magdrive?”

Halata naman kasing hindi sya nakatulog ng ayos kagabi. Kahit kaninang nakain kami, inaantok sya.

“Oo. Kulang ka sa tulog. Halata. Sige na. Close your eyes my Yuya.”

“I love you Xenon. Babawi ako”

“ok”

Ang sarap ng feeling kapag sinasabi nyang mahal nya ko. Para na rin syang si Dad at sina bestfriend Nhel ko. … speaking of bestfriend ko. Nung isang araw ko pa sila huling tinawagan. Di ko naman mareplayan yung text nila. Sige sige, mamayang lunch, tatawagan ko silang lahat…

Ang gwapo nyang matulog. … lalo tuloy nabilis yung tibok ng puso ko… no ba naman to? Baka may sakit na ko sa puso? Hindi naman siguro. Di naman nasakit eh.

Namimiss ko yung kotse ko. Minsan ko nalang magamit yun. Palagi kasi kong hinahatid sundo ni Yuya kaya ayun, sa bahay na nila nakapark yung kotse ko. May gamit ako sa bahay nila. Meron pa sa loob ng kotse ko. Para na nga akong naglayas sa bahay. Pero nauwi naman ako kapag linggo minsan pati Sabado. Dipende sa degree of demand ng acads namin. 

Yuya’s POV

“Yuya… gising na… yuya…”

Ang sarap gumising kapag ganitong si Xenon ang makikita ko… ang ganda ganda nya…

Nakatulog talaga ko sa kotse. Paggising ko nasa school na kami. 5 minutes before the bell nalang din.

Naglakad kami papunta sa building namin.

Pagdating namin sa room, ayun, ang daming nag-uusap. Puro tungkol sa mga subjects namin.

“Nasimulan nyo na yung Graphics at Multimedia nyo?” – classmate1

“Kaunti palang” – classmate2

“Ako, Multimedia palang. Wala pang Graphics”

“Ako din.”

“Eh yung Capstone nyo kumusta?”

“Bad”

“Ok naman”

“Nagstart na ko ng chapter 1”

Buti nalang kami ni Xenon, nakapag-ayos na ng milestones. Hectic ang sched namin dahil dun. Ang usapan kasi. Uunahin naming tapusin ang Graphics na ok na dahil tapos na namin kagabi. Next week. Midterms na. Kaya malabong makagawa pa kami ng Multimedia. Nakaset narin sa milestones na mag-aaral kami ng minors ko. Ang swerte ko nga talaga. Kung wala sya, malamang bagsak na ko sa minor subjects ko.

TATTOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon