28th Tattoo

69 4 0
                                    

Yuya’s POV

Gusto ko talagang patayin yung Jesse na yun lalo na nung nakita ko syang nakaakbay kay Xenon sa may batuhan.

Lalapitan ko sana sila pero narinig ko yung usapan nila.

Nilalait ako nung g*go pero at the end, sinuko nya si Xenon. Mabuti naman natauhan na sya.

Pero kahit paano naiintindihan ko sya. Mahirap makalimutan ang first love. Lalo na kung hanggang ngayon, di mo pa sya napapalitan sa puso mo…

Nakakahanga sya. Hanggang ngayon mahal nya si Xenon ko. Kahit pa ilang taon na silang hiwalay. Ang pagkakaalam ko nga, trip trip lang yung relation nila dati eh.

Nawala tuloy yung galit ko sa lalakeng yon. tss. Hinayaan ko na lang silang mag-usap ni Xenon. Isa pa may tiwala ako sa fiancé ko.

Kaya lang! BAKIT NAMAN ANG TAGAL NILANG BUMALIK!? Walah naman oh! San ba dinala nung lokong Jesse na yun ang fiancé ko!

Alas 8 na ng gabi at nung kumain kami ng dinner nila Lexuz. Sina Lerry kasi, bumalik na din kaagad sa mga girlfriends nila. Nakita kong pumasok ng hotel sina Xenon at Jesse. Mukha namang napansin nila kami pero ni hindi sya nag-abalang harapin man lang ako at magpaliwanag kung bakit late syang nakauwi. KAYAMOT!

Tapos na kaming kumain nung bumaba ulit sya. Tss. Tampo ako. Hindi ko sya kakausapin. Ako naman ang umakyat pabalik sa kwarto namin. Mga 30 minutes din yata akong naghintay sa loob pero walang Xenon na pumasok. KAASAR TALAGA! luambas ulit ako para makita yung refectory sa baba. At ayun! Nakita ko sya, nakikipagtawanan sa mga dati nilang classmates! TSS!

Mag-aalas 11 na ng gabi nung pumasok sya sa kwarto namin. Nanonood lang ako non. Di naman kasi ako inaantok dahil 4 na kong nagising kaninang hapon.

Hindi ko pa rin sya pinapansin. Ramdam kong papalapit sya pero sa TV lang ako tumingin.

“Yuya?...” tumabi sya sakin sa couch at nilapit yung mukha nya sakin

“pagagalitan mo na ba ko? Game na.” sabi pa nya ng nakangiti.

Baliw talaga. galing nyang gumawa ng paraan para hindi ako magalit ah. tss. Unahan ba daw ako sa dapat kong gawin?

“Bakit naman kita pagagalitan? Ano ka bata?” hindi ko sya tinitingnan. Pinalipat lipat ko lang yung channel ng TV

“kasi kasama ko si Jesse kanina. Matagal kaming nag-usap. Kumain sa labas. Hindi pa ko nagpaalam sayo. … kaya sige lang, pagalitan mo na ko.”

Wow. Ayos ah. inamin nyang lahat ng kasalan nya?... Tatandaan ko tung ganitong style kapag may ginawa akong kasalanan sa kanya. Effective eh!

“Hindi ako galit sayo.” Sabay akbay ko sa kanya.

Paano ka ba naman kasi magagalit sa ganiton approach? Tss. ang talino talaga. Daya. Akala ko mapapractice ko yung galit galitan ko kanina.

“Sabi ko na nga ba, hindi ka kaagad magagalit eh! I love you Yuya! Pero mag-eexplain pa rin ako.”

Hinayaan ko lang sya. Gusto nya mag-explain eh. Di sige lang.

“Aalis na kasi si Jesse. Kaya nagpaalam na ko sa kanya. Baka kasi hindi ko na sya makita bukas. Sinulit ko lang yung kaunting time na makasama sya. Di ba sinabi ko naman sayo na kaibigan ko yun? Kaya ayun na nga ang nangyari.”

“Ok. Explanation accepted. May gusto kang panoorin?”

At ayun, hinalikan at niyakap nya ko. Paano ko naman sya mareresists kung ganito syang kasweet?

I really love this woman.

Pinagkwento ko lang sya habang nakahiga kami sa kama. Ayaw nya kasing manood. Wala naman pating magandang palabas ng hating gabi kaya sa higaan nalang kami. … Mga nangyari sa kanya nung nasa Singapore sya, yun ang mga kinukwento nya hanggang makatulog kaming dalawa.

TATTOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon