16th Tattoo

75 5 0
                                    

Yuya’s POV

Nagbibihis ako ngayon. Nakaharap sa salamin. Kailangan kong maging gwapo ngayon… hehe. Ipapakilala ko kasi ang sarili ko sa Dad ni Xenon. Ahaha para lang akong manliligaw nito! Nakacoat pa ko! Ang gara ng suot ko! Nyakzz naman! Ang gwapo ko na talaga! Sabi kasi ni Xenon, magformal wear nga daw ako dahil nga may pupuntahan kami, syempre sinunod ko.

“Kapatid, saan ang kasalan?” si Kuya Pray, kalalabas lang ng banyo nya.

“wag kang loko kuya! Ang gwapo ko kaya!”

“Tss. ikaw lang may sabi nyan. Magkasama kayo ni Xenon?”

“Oo. May dinner kami ng Dad nya ngayon. Mukhang formal ang theme kaya eto ko”

“Syempre formal yon. Ikaw talaga.”

“Dad, Mom, Alis na po ako!” Sigaw ko kina sa kwarto nila.

May pupuntahan din sila ngayon. Sinasama nga ako, pero di naman ako pwede no.

Maayos na kami ni Dad. Simula naman nung maging kaibigan ko si Xenon, bihira na kaming magtalo ni Dad. Good influence sakin yung babaeng yon eh. Lalo na nung isang araw, nung pinakilala ko sya kay Dad, palagay ko natuwa talaga non si Dad parang nawala sa isip nyang mga BI nanaman ang kinakaibigan ko.

Nakarating ako sa bahay nila. Inabot ko yung susi nung kotse ko sa guard nila para sya ang magpark. Nakakahiya nga eh pero nagpumilit sya kaya binigay ko na. Ang gara talaga, may ganong service pa sila…

Pinatuloy ako nung matandang babaeng katulong sa loob. Nasa sala na yung Dad nya. Nagbabasa ng newspaper. …

“Sir, nandito na po sya…” sabi nung katulong

Binaba nya yung hawak nyang dyaryo. Tumayo. Nakasuot din sya ng formal. Matangkad na lalake. Mas bata siguro sya kay Dad ng ilang taon. Masculine na masculine ang dating. Gandang lalake siguro nito nung kabataan nya. Baka nga mas gwapo sa sakin eh. Tss. buti nalang di kami magkapareho ng era. Hehe.

“Good to see you. Hallelujah Tranzes”

Woah, kilala na nya ko...

“It’s my pleasure to meet you Mr. Chaze.”

“Please sit down.”

Umupo naman ako, Magkatapat kami ng upuan. Small table lang ang pagitan.

“Nagbibihis lang si Xenon.”

“Ok po.”

Napansin kong hindi itim ang kulay ng mata ng Dad ni Xenon kahit nakasalamin. Gray ata yon. Maputi din sya at talagang respectable ng dating. Ganito ba kapag sa main branch nagtatrabaho? …

Tinitingnan nya din ako. Pero hindi naman masamang tingin kaya hindi ako naiilang.

Binigyan din ako nung katulong ng isang basong juice.

 “About me and your daughter, Sir”

“Go on”

“Gusto ko po sanang hayaan nyong maging magkaibigan kami ng ni Xenon. I know I’m not good enough to be one of her friends but she meant a lot to me.”

Seryoso ang tinginan namin ng Dad nya na parang sinasabi nyang “continue…”

“Aamin po ako. May mga vises po ako dati. Girls. Beers. And even try to smoke. But I’m serious here, Sir. Simula nung makilala ko sya, nawala lahat ng yon. I don’t know how and why pero di ko na po yun ginagawa simula non. At kahit na bumalik pa ko sa ganon, hinding hindi ko po hahayaang mahawa si Xenon. I rather leave than becoming a bad influence to her.”

TATTOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon