Chapter 10: Coronation (part 3)

376 29 2
                                    


Chapter 10: Coronation (part 3)
Hell's POV

Biglang dumilim ang paligid ko. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa. Maliban sa hintuturo ko na naigalaw ko ng kaunti.

Sa pag galaw ng aking dàliri parang naging hudyat eto para magising ako sa pagkakatulog. Idinilat ko ang aking mata dahan dahan at hindi na ako nagtaka ng makitang ganuon din ang ginagawa ng iba.

Tumingin ako sa malaking espasyo na ginawa ng hari. Nandun pa din ang dalawa. Ang babae ay nakalutang sa hangin at walang malay. Samantala si Cyprus naman ay naglalaro ng basketball na hindi ko malaman kung saan nanggaling.

"Kung ganuon ilusyon laman iyon?" gulat na tanong ko. Nasa isip ko lamang ito at nagulat ako ng maisalita ko ito.

"Oo. Isang ilusyon master si Cyprus. Hindi ko alam kung saan nya natutunan iyan." sagot sa akin ni Cyrene at tumigil sa paglalakad nang magkahilera na kami. Galing sya sa likod kanina. Marahil ay hindi sya naapektuhan ng kapangyarihan ng kapatid nya. At hindi na bago sa kanya ito.

Di ko sya kinibo kaya inirapan nya ako. Walang sali-salita ay dumiretso sya ng lakad papunta sa ginawang tournament area ni Tito BJ. Nagkasalubong pa silang magkapatid. Nagdidribble si Cyprus ng bolang bitbit nya. Tinignan sya ng masama ng ate nya.

"What? Ang boring ate eh."

"Tss. Kaya panay kalokohan ang ginagawa mo!" sigaw sa kanya ni Cyrene "At ano ang balak mo sa babaeng yun?!" dugtong pa nya sabay turo sa babaeng nakalutang

Pumitik ng isang beses si Cyprus at kusang nalaglag ang babae. Pawang naalimpungatan ito sa pagkakatulog at napabalikwas sa pagkakahiga ng lumapat ang katawan nya sa lupa.

"There. Happy?" tanong nya sa Ate nya at nagtuloy tuloy na sa paglalakad

"Tss. Kelan kaya magiging gentleman ito?! Ughh." at pumasok na sya sa loob ng malaking espasyo

Nagpamalas din ng angking kakayahan si Cyrene gaya ng ginawa ng kapatid nya. Ang kapangyarihan nya ay ang makapagpatunaw ng kahit na anong klaseng metal. May lumalabas na kulay berdeng likido sa kamay nya. Maging ang makapal na salamin na lumabas sa harap nya katulad ng sa kapatid nya kanina ay natunaw ng asido ni Cyrene.

Sunod namang nagpamalas ay si Cyrus. Ang kapangyarihan naman nya ay ang makontrol ang kahit na anong bakal sa paligid.

Itinaas nya sa shoulder level ang braso nya. Nag emit ito ng isang puting aura. Makalipas ng ilang saglit ay nag angatan ang mga lahat ng bakal na nasa ilalim ng lupa dumikit ito sa kamay nya na para bang may magnet.

Nang dumikit na ang sapat na dami ng bakal sa kamao nya ay iwinasiwas nya ang kamay nya. Habang iwinawasiwas nya ito ay unti unti itong nagkaroon ng korte.

Bumuo ito ng isang ulo ng tigre.

"Wuuhh! Go Cyrus!"

"Waahh! Papa Cyrus ang galing mo!"

Umikot ang mata ko sa narinig ko sa mga babae na nangchecheer kay Cyrus. Tss. Ang lalandi.

"Ikaw na." bulong sa akin ni Charles. Hindi ko namalayan ang pagpunta nya sa tabi ko.

"A-ah. O-Oo." nauutal na sabi ko. Napakalapit nya sa akin. At ramdam ko ang init ng hininga nya sa leeg ko.

Inis akong lumakad papasok. Tss! Ano naman kayang gagawin ko?!

Nilibot ko ng paningin ang buong area at naghanap ng pwedeng gamitin. Napako ang paningin ko kay kuyang nakashades. Itinuro ko sya at sa isang iglap ay nasa harap ko na sya.

Gulat syang napatingin sa akin at nagtataka marahil kung paano sya napunta sa pwesto nya.

Sinubukan kong hulihin ang paningin nya pero masyadong malikot ang mata nya

Sa inis ko ay hinawakan ko ang ulo nya at tinitigan syang muli sa mata nya. Nang mahuli ko ang paningin nya ay ginawa ko na ang dapat kong gawin.

Nagputi ang buong mata nya at nawala ang itim nito.

Kusang naglaway ang lalaki. At sinugod ako.

"Hindi maari!"

"Paano?"

Narinig ko ang sari saring protesta ng mga bampira sa paligid ko.

Maging ang ama ko ay napatayo sa kinauupuan nya.

Walang nakaaalam sa kapangyarihan kong ito. Maski ako ay nagulat ng aksidente kong nagamit ito sa alaga kong aso.

Kaya kong tanggalin ang sanity ng isang tao. Dalawa ang maaring maging kahinatnan kapag naranasan mong mapasakamay ng kapangyarihan ko. It's either. Offensive or defensive.

Defensive where you are targeting everything you see. Magiging wild ka. Kakain ka ng lamang loob.

Offensive naman kung saan magiging estawa ka na zombie. Mawawalhan ka din ng sanity. May dalawabg klase din kapag naging offensive type ka. It's either takot ka sa liwanag or takot ka sa dilim. Dipende sa gusto kong gawin sayo

Nung una ay hindi ko makontrol ang kapangyarihan ko. Ang mga ibon, pusa, aso na pinag eeksperementuhan ko ay iba iba ang nagiging resulta. Pinag igi ko ang pag aaral sa kapangyarihan ko hanggang sa kama kaylan ay nakontrol ko na ito ng lubusan.

Tapos kamakaylan lang din ay natutunan ko na ding tanggalin ang insanity.

Sinugod ako ng baliw na ito at sinubukang patayin ako pero mas mabilis ako sa kanya.

Di ko naman sya papatayin. Paglalaruan ko lang muna. Nagkaroon na din akong subject na bampira din. Lihim akong pumuslit sa exodus room. Itong room na ito ay ginawang kulungan ng mga presong bampira.

Susugod na dapat syang muli ng mapako sya sa kinatatayuan nya. Tumingin ako sa paligid at hinanap kung sino ang mapangahas na nilalang ang gumulo sa paglalaro ko.

"Nakakahanga!" sabi ni Tito Bale habang napalakpak. Sa tabi nya nakasunod si Tita Yam.

"Waah. Babes sorry kung late kami!" sumugod si tito bale sa hari at yumakap dito samantala si tita yam naman ay nakayukod lamang.

"Tss. Babes wala ka talagang galang."

"Babes naman? Syempre meron." pagkatapos noon ay yumukod din sya

Nang tumango ang hari ay sabay na tumayo ang magkapatid.

"Bastos ka talaga!" binatukan ni Tita Yam si Tito Bale

"Ouch naman Ate. Di porket na close na tayo pwede mo na akong ganyanin."

"Wow naman nahiya naman ako sayo."

"Tanggalin mo yan Bale."

"Mahal na haring babes ko. Di ako ang may gawa nyan. Si Ate."

Lumingon si Tito BJ kay Ate Yam. As if on cue biglang gumalaw na muli ang lalaking tinanggalan ko ng katinuan. Sinugod ako nito. Hindi agad ako naka iwas kaya dumaplis ang ngipin nya sa braso ko ng tangkain nyang kagatin ako.

Umagos ang masaganang dugo sa braso ko na dahilan para mas maging wild ang nilalang na nilikha ko.

"Itigil nyo na to." cold na sabi ni Dad pero hindi ko sya pinansin. Tumakbo ako papalapit sa lalaki. Fuck! Kailangan maibalik ko sya sa dati.

"Sinabing itigil mo na yan Hellartemis!" sigaw ni Dad bigla akong di makagalaw sa kinatatayuan ko. Pinilit kong tumingin sa gawi ng tatay ko. Galit syang nakatingin sa akin sa tabi nya nakatayo ang kapatid ko na pula ang mata.

Damn. Pinakanakakainis na tao talaga sa mundo ang kapatid ko at ang kapangyarihan nya.

Napakasama sa pakiramdam kapag naparalyse ka nya. Hindi mo mararamdaman ang kahit na anong parte ng katawan mo.

Dahil sa mali ang pagkakatayo ng katawan ko kaya nawalhan ako ng panimbang.

(A/N: Cyprus on the top. Dont forget to vote and comment)

The Vampire's SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon