Chapter 24: New
Hell's POVTatlong araw na ang nakalipas magmula ng mangyari ang aksidente sa skwelahan at ng kanila Cyprus.
Hindi ko na natapos ang pagpupulong noong isang araw dahil pagkatapos ko lumabas sa rest room ay nagkakagulo na ang mga bampira. Maraming nagsisigawan, ang karamihan pa ay nagsasakitan na.
Naalerto lahat ng guwardiya na nakadestino sa Hall dahil sa kaguluhan kaya inilabasa nila kaming mga mataas ang katungkulan. Kaming mga prinsipe at prinsesa. Ganun pa man nasama na din ang mga pinsan namin dahil inutos na din daw ng reyna.
Nabalitaan ko na lang na lahat ng sinabi ng hari ay agaran ng ipapatupad kinabukasan at ang aangal at hindi susunod sa lahat ng sinabi nito ay papatawan ng kamatayan.
"Ay ang boring!" bulalas ko sabay higa ng pabagsak sa kama ko. Galing akong study table ko at sinubukang magsulat ng kanta pero walang napasok sa isip ko.
Masyadong tahimik ang kapaligiran. Ipinaling ko ang ulo ko papuntang kanan kung nasan ang bintana at pinagmasdan ang kalangitan.
Masyadong naging mabilis ang lahat. Parang nung isang araw lang ay may mga kasama kaming tao at napakapayapa ng syudad. Pero ngayon ay napakatahimik na dito at wala kang makikitang pagala-gala sa kalsada. Mararamdaman mo din ang malamig na aura ng hangin kapag lumabas ka.
Aakalain mong nasa sementeryo ka, pagdududahan mo tuloy kung sementeryo ang napuntahan mo.
Sa bukana ng syudad. Kung saan ang daan ay papuntang Muntinlupa ay sinaraduhan na. Isang mataas na pader na din ang nakatayo sa buong syudad maliban pa sa mga barrier na ginawa ni tito BJ. Kasing taas ito ng 5 floor na building.
"Bilisan mo. May pupuntahan tayo." napabalikwas ako sa kama ng biglang pumasok si mama at walang ano anong nagsalita. Mabilis din sya sumagot at di na ako hinayaang makapagsalita kaya wala na akong nagawa kundi sumunod at magbihis
Pagkababa ko ako na lang ang kanilang iniintay. Nang makita ako ni dad ay dumiretso na sya ng lakad papuntang parking kaya sumunod na din kami. Nang magkatapat kami ng kapatid ko ay tinanguan ko sya pero isang malungkot na ngiti ang isinagot ko sa kanya kaya lalo akong napasimangot at saka sya binatukan.
Naging tahimik ang byahe namin. Wala kang makikitang naglalakad sa labas. Wala ding ibang nabyahe maliban sa amin. Marahil ang lahat ay takot. Hindi ko alam ang lahat nang nangyari noong isang araw kaya hindi ko alam ang dapat kong ikatakot.
Mas mabuti na ito. Ang walang alam kesa sa meron. Dahil kung meron kang alam gagana ang iisip mo at makakabuo ka ng iba't ibang conclusion na ikakabahala lamang ng loob mo.
Sa isang bahay may nakita pa akong isang bata na sa tingin ko ay nasa sampung taong gulang pa lang. Malungkot syang nakatunghay sa bintana. Nang dumaan ang kotse namin sa bahay nya ay napatingin sya sa amin at ng magtama ang mata namin ay mabilis sya nagsara ng bintana at hindi na muli sumilip.
"Ang creepy." sabi ng kapatid ko sabay himas sa magkabilang braso nya
Marahan akong tumango at bumuntong hininga. Napatingin ako sa front mirror at sa tingin ko ay si mama lang ang masaya ngayong panahon na ito. Samantala si Dad ay katulad pa rin na dating serysoso pero magaan ang aura nya.
Tumigil ang kotse namin sa harap ng aming skwelahan. Katulad kanina wala ring katao tao dito.
Pero pansin ko ang nga guwardiya nakapaligid dito. Sa tingin ko ay nandito ang mahal na hari kaya doble bantay sila. Bago pa kami tuluyan makapasok sa loob ay isang masusing surian ang naganap.
Dumiretso kami sa principal's office. Doon nadatnan namin ang kumpletong pamilya ng Secher, Heteo, at Wilkerson. Nakaupo sa principal's desk ang hari sa tabi nya ay nakatayo ang reyna. Ang iba naman ay nakaupo sa mga upuan na nakapalibot sa harap ng lamesa ng hari.
"I guess we're complete now, so shall we start?" malamig na sabi ng hari sabay buklat ng isang folder gayunpaman ay walang sumagot sa kanya.
"Babaguhin ko ang kurikulum ng Pure Blood Academy." naging matunog ang pagbuntong hininga nya bago nya pinagpatuloy ang pagsasalita
"Pansamantalang isasara ang skwelahan. Ngunit agaran din itong bubuksan sa oras na maging purong bampira na ang lahat ng bampirang naninirahan dito."
Great. Just great.
Right from the start, it looks like everything was planned. Why I said so? Ewan ko. Para sa akin paramg ang lahat ay itinakda.
"Ang lahat ng studyanteng papasok sa skwelahan ay tuturuan ng lahat ng kailangan nilang malaman tungkol sa bampira. Tungkol sa sarili nila. No more elementary. No more highschool. No more college. Every one will go to school for eight years. At sa eight years na yun ay kailangan nila mamaster ang lahat lahat. Spells, poisons, laws, etchetera."
"At ang batas ay babaguhin, ibabalik ang dating sistema." dagdag ng reyna
"Dating sistema? Paano naman--Teka nga ano ba ang binabalak mo BJ?!" galit na tanong ni tito bale
Nakasimangot na tumingin si tito bj kay tito bale bago sumagot.
"Prinoprotektahan ko ang syudad." tumigil sya saglit at bumuntong hininga "at ang pamilya ko."
"Bakit may kaaway ka ba? Sino?"
"Wala na kayong pakielam doon!!" malakas na ibinagsak ng hari ang kamao nya na dahilan para mahati sa gitna ang lamesa na nasa harapan nya.
Woah. Ang lakas ah.
"Ginagawa ko ang lahat ng ito para maprotektahan ang nasasakupan ko. Kaya ngayon ang magandang magagawa nyo ay pumunta na kayong na kayo ng gym at ng maumpisahan na ang convertion."
Wala na kaming nagawa at mabigat ang loob na lumabas ng opisina. Dumiretso kami ng gym doon sumalubong sa amin ang mga nakahilerang kama na pang ospital.
Kami pala ang mauunang gawing puro. Naglakad kami hanggang sa lumapit ang grupo namin sa tapat isang lamesa na may mga nakahilera na mga computer.
"Assist them." nagulat ako ng biglang magsalita ang reyna. Kasunod pala namin sya.
Tumango ang babaeng nakapink na may salamin at saka kumuha ng isang paper holder at ballpen at nilapag sa harapan namin.
"Kindly list your names then go forward there." aniya sabay turo sa kanang parte kung saan may mga nakaupo na mga bampira na nakasuot ng lab gown. "They'll assist you."
Unang naglista ng pangalan si Cyprus. Matapos ay agad at wala syang salita na nagpunta agad sa bungkos ng mga bampira na naka lab gown.
Nagtuloy tuloy ang pila hanggang sa ako na ang sumunod. Sinulat ko ang pangalan ko. Pagkalapag ko ng ballpen ay bumuntong hininga muna ako bago ako dumiretso ng lakad sa tinurong lugar.
Lumapit sa akin ang isang lalaki na may katandaan at iginiya sa isang kama.
"object number 9 ready." narinig kong bulong nung lalaki sa mouth piece na nakakabit sa damit nya, matapos ay humarap sya sa akin at ngumiti
"Hi. May name is Raegil. I'll be your doctor for the whole treatment. This will be a painful process but I hope you'll surpassed it." nakangiting sabi nya at inumpisahan talian ang mga kamay ko gamit ang mga strap na nakakabit sa mismong kama. Matapos makabit ang leather strap ay may pinindot sya na botton at isang clear na glass ang pumalibot sa magkabilang wrist ko.
Hindi ko alam ang bagay na iyun pero biglang nanghina ang katawan ko. Naramdaman kong unti unting pagsipsip nito sa kapangyarihan ko at kapaguran ng katawan ko ang naramdaman ko.
"Sleep now sweetie. Everything's going to be fine." at mabilis nya itinurok ang syringe na may lamang berde na may pagka pulang likido
BINABASA MO ANG
The Vampire's Sacrifice
VampireHighest rank achieved #88 in vampire Book 2 of He's dating the vampire girl. All rights reserved 2015