WARNING: SPG AHEAD
Chapter 27: Unknown
Hell's POVSinadya kong putulin ang sasabihin ko sa kanya. Bahagya akong napatingin sa pintuan at pumasok mula dito si Lynyx.
Dahil siguro sa tama ng alak i talagang dinalaw lang ako ngayon ng kabaliwan ko ay unti unti kong pinagala ang kamay ko.
Lumapat ito sa pisngi nya. Dahan dahan, pababa papunta sa baba nya. Samantala ang tingin ko ay itinuon ko sa mata nya, ang mga tingin nya ay nakakalamon ng sistema kaya inialis ko ang tingin ko dito at sa kilay nya ako tumingin. Mas matangkad sya sakin kahit nakaupo kami kaya nakatingala ako sa kanya. Hinawi ko ang buhok nya na nakalaylay sa noo nya papuntang likod.
Unti unti kong ipinikit ang mata ko at dahan dahang ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pagala ng mga kamay nya sa likod ko kaya muli akong napadilat. Ang isa nyang kamay ay nakahawak sa kanang balikat ko samantala ang isa ay hinahagod ang likod ko.
Napaigtad ako bigla ng tumuloy ang gapang ng kamay nya sa bandang baba ng likod ko. Since napaigtad ako ay mas lumapit ang mukha ko sa mukha nya.
Nakapikit na din pala sya. At hindi ko inaasahan na ganun na pala kami kalapit. Saglit syang dumilat at tumingin sa akin. Ang mga tingin nya ay nang-aakit, tinanggal nya ang kamay nya sa balikat ko at inilagay ito sa batok.
Hindi ko apam ang gagawin ko ng oras na iyun. Nakita ko na lamang ang sarili ko na gabay gabay ng kamay nya papunta sa mukha nya hanggang sa magkalapat ang mga labi namin.
My first kiss ...
Napapikit ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Nanigas ang buong katawan ko at maging ang mga labi ko ay hindi ko ginagalaw. Sya lang. Sya lang ang gumagalaw. Ang labi labi jya lang ang gumagalaw.
Isang minuto. Isang minuto din ata iyun ng mamalayan ko ang sarili ko na iginalaw ko ang labi ko. Napansin ko ng sumagot ak sa halik ay muling lumikot ang mga kamay ni Charles at dumiin ang bawat halik nya sa akin. Ang kamay nya ay bumaba sa hita ko na nagdulot ng kakaibang pakiramdam at sensasyon sa buong katawan ko.
Ipinulupot nya ang dalawang binti ko sa bewang nya at saka ako binuhat. And with out breaking our kiss, inilipat nya ako ng higa sa mas malaking kama. Maraming kama dito sa loob ng kwarto pero sa pinakamalaki nya ako dinala.
Sa gilid ng mata ko nakita kong lumabas ng kwarto ang pinsan ko, dahan dahan lamang nya sinara ang pinto siguro hindi kami maabala.
That makes me back to my senses.
Napatayo ako bigla pero since nasa ibabaw ko sya ay nagkauntugan kami. Tumama ang noo ko sa kanya at ang noo nya sa akin.
"Ouch." angal nya habang himas himas ang noo nya, maging ako ay ganun ang ginagawa ko
"Ang sakit." nagulat ako ng pabagsak nya ako dinambahan. Ang dalawa nyang kamay ay nakadagan sa balikat ko ang tingin nya ay galit na galit sa akin
"You must be kidding right?" galit na tanong nya, kinunutan ko sya ng noo bago sumagot
"Anong ibig mong sabihin?"
"That. What we do a while a go is just nothing with you?" galit pa rin na tanong nya, saglit akong nangunot ng noo at tumingin sa ibang direksyon and the something came up to my mind
I'm screwed!!
Nakalimutan ko na by physical contact kaya nyang basahin ang nasa isip ng isang tao o bampira.
I-ibig sabihin. Ibig sabihin matagal na nyang alam ang nararamdaman ko para sa kanya?
Agad akong napatakip sa mukha ko at hiyang hiya ako sa kalagayan ki. Maliban sa kahihiyan ko na nalaman nya ang nararamdaman ko ay ang pwesto namin na nakaupo sya sa baba ko at nakaibabaw sa akin.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Sacrifice
VampirosHighest rank achieved #88 in vampire Book 2 of He's dating the vampire girl. All rights reserved 2015