RECAP: Naitala na bilang hari at reyna ang mag-asawang Heteo. Naiangat na bilang mga prinsepe at prinsesa ang mga anak nila. Matapos ang ritwal na pagtatalaga ay nagbigay ng pagkakataon para ilang katanungan ang hari, pero isang mapangahas na bampira ang nagtanong ng isang nakakamatay na tanong.
Chapter 9: Coronation (Part 2)
Hell's POVIsang masamang tingin ang ipinukol sa kanya ng ama nya.
"Maupo ka Cyprus. Huwag mong painitin ang ulo ko." nagbabantang sabi ni Tito BJ
Inis na bumalik sa pagkakaupo si Cyprus.
"Sige bukas ako sa lahat ng klaseng tanong ngayong araw na ito. Binibigyan ko kayo ng isang oras para malinawan ang mga katanungan niyo."
"Pero mahal na hari."
"Uhuh?" malamig lamang ang tingin ng ipinupukol ni tito BJ sa lahat "Sasagutin ko ang tinanong mo. Pero may katanungan ako, ako na ang hari di ba?"
"Oo kamahalan."
"Kung ganun." tumayo ang hari bago nagsalita "Itinataas ko si Charles Cartridge Heteo bilang unang prinsipe, siya ang magmama ng titolo sa susunod na anim na pung taon."
Umingay ang buong hall dahil sa bulungan ng mga bampira.
"At itinataas ko si Hellartemis Demevril Secher sa ikaunang pwesto sa pagkaprinsesa." lalong umingay ang bulungan. Sari saring protesta ang naririnig ko mula sa aking kinauupuan.
Gulat akong tumingin kay Tito BJ. Pero hindi sya nakatingin sa akin.
"Ano ang binabalak nya?" bulong ni Dad bagamat narinig ko ito
"Hindi ko alam. Pero ano ang natakbo sa utak nya?" sagot naman ni Mom sa kanya
May lumapit sa aking tauhan at iginaya ako papunta sa stage. Lutang ako naglakad paakyat hanggang sa makita ko na lang ang sarili ko katabi si Charles.
"Mahal na hari?" pag alma ko pero hindi nya akong hinayaang makapag salita
"Samantala itinataas kong ikalawang prinsesa si Cyrene Laide Heteo, ikatlong prinsesa ang magiging bunso kong anak."
Gulat ang sumalubong sa ilang bampira na nasa hall. Hindi nila kasi alam na buntis at nagdadalang tao ang reyna ngayon.
"Itinataas ko naman ang rango ni Cyrus Heteo para sa ikalawang prinsepe. At ikatlong prinsepe naman ang bunso kong lalaki."
Tito BJ? Ano ang binabalak mo?
"Hindi ibig sabihin na nasa pwesto ng ikaunang prinsepe at prinsesa sina Charles at Hellartemis ay sila ang magiging mag-asawa balang araw. Binibigyan ko ng pagkakataon ang dalawa upang hanapin ang gusto nilang maging kabiyak. Pero kung ang susunod na koronàsyoñ makalipas ang anim na pung taon ay dumating na. Silang dalawa ay nangañgailangang magpakasal sà isa't isa."
"Pero mahal na hari, ang itinalaga ninyong unang prinsepe--"
Tumayo ang hari at itinaas ang braso hanggang sa lebel ng kanyang dibdib. Nagliwanag ang kamay nya at unti unting nagkaroon ng napakalaking espasyo sa tapat ng stage!
Ang mga dating malapit ang upuan sa unahan ay napalayo. Nagkaroon din ng napaka kapal na sàlamin sa palibot ng ginawang espasyo ng mahal na hari.
Kahanga hanga ang ginawa nya at para sa akin nararapat lang na gawin siyang hari dahil napakamakapangyarihan niya.
Tumayo ang lahat ng anak ng hari at naglakad papunta sa napakalaking espasyo. Nakita ko ang sarili ko na sumunod sà kanila.
"Ginawa ko ang espasyo na yan upang ipakita sa inyo ang kapangyarihan ng mga itinala kong tao. Kung may makikita kayong mas malakas sa kanila ay iharap ninyo siya sakin."
![](https://img.wattpad.com/cover/51243893-288-k589512.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire's Sacrifice
VampirHighest rank achieved #88 in vampire Book 2 of He's dating the vampire girl. All rights reserved 2015