Epilogue

306 20 11
                                    

[Don't expect to this to be so long. Nabura yung draft ko. Talagang pinagtyagaan ko lang siyang itype ulit sa abot ng makakaya ko para matapos ko na siya today dahil busy ako sa pagluluksa. Team bahay again. Nasa MOA sila Charles, Cyprus, Cyrus at Hope. Este BTS pala. So yun. Enjoy]


Chapter 37: Epilogue
Charles's POV

Mabilis kami nakarating ng Royal's Hall dahil sa pagteleport namin. Pero hindi ko inaasahan na ganito kagulo ang dadatnan ko.

"Kuya!" napalingon ako ng kanan ng biglang may tumawag sa akin, papalapit na natakbo si Cyrus sa akin at saka mabilis ako na niyakap

"Namiss kita." naluluha niyang sabi ng mag angat siya ng tingin matapos niya akong yakapin. Ngumiti ako ng malungkot at tinap ang ulo niya

"Kuya may problema tayo." biglang sumulpot si Cyprus na seryosong nakatingin sa akin

"Bakit?"

"Walang makalabas ng Royal's Hall." gulat aking tumingin sa kanya at nilibot ko ang tingin ko.

Halos lahat na ata ng bampirang nakatira sa syudad ay nandito sa loob ng Hall. Ang iba ay ina-assist ng ibang valencer at pinapainom ng dugo. Ang ilang sugatan ay ginagamot ng mga mang gagamot na ipinagtaka ko.

"May nakasagupa daw silang bampira kanina na may kakaibang kapangyarihan kung saan kapag natamaan ka ng tubig na kapangyarihan niya ay malulusaw ang balat mo. At hindi naging mabilis ang pagregenerate ng tissue ng katawan natin sa ginawa niya. Kaya ganyan ang kinalabasan ng nangyari."

"Nasaan si Papa?"

"Walang nakakaalam."

Saglit akong natahimik at nag isip. Asan siya ng ganitong sitwasyon?

Biglang dumating sina John at Leticima na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Pero bago pa sila tuluyan na makalapit ay isang humahangos na lalaki ang nakapagpahiwalay sa kanila since magkatabi silang naglalakad.

"Prince Charles!" sigaw niya

Tinignan ko siya ng masama kaya agad siyang napatigil sa pagtakbo.

"Biglang may portal na lumabas sa may pintuan!"

Agad akong napatakbo sa main door dahil sa sinabi niya. Katulad ng sinabi niya ay isang portal ang nakabukas dito.

"What the heck?" bulong ni John, di ko namalayan na sumunod pala siya sa akin.

"Hindi ito totoo di ba?" tanong naman ni Leticima

"B-bakit? Anong nangyari?" bigla akong nakaramdam ng hini maganda at bigla akong kinabahan

"Bigla namin hindi maramdaman ang koneksyon namin ng hari." bigla akong nanlamig sa kinatatayuan ko. Tumingin muna ako sa portal bago nagsalita

"Ano ang ibig niyong sabihin?"

"Konektado kaming tatlo. Ako ang hari at si John." paliwanag ni Leticima, "At nararamdaman namin ang koneksyon namin sa isa't isa since inialay namin ang buhay namin sa kanya?"

"Inialay?"

"Matagal na kaming nabubuhay. At ang papel namin sa mundong ito ay protektahan ang nasa propesiya na matatalaga bilang hari. Kailangan naming iaalay ang buhay namin sa hari na pag aalayan namin ng buhay namin. Kailangan namin ialay ang sarili, kahit ang kapalit ay ang buhay namin. Pero siguro di pa namin panahon dahil lahat ng pinag aalayan namin ay namamatay."

"Ano ang ibig mong sabihin?! Patay na ang hari?!" sigaw ko na nakaagaw ng atensyon ng lahat

"Anong ibig niyong sabihin?" tanong ni Cyrene. Dahan dahan siyang naglakad papalapit habang nakatingin sa dalawa

The Vampire's SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon