A/n: it's been a long time. Midterms sucks. 😂 anyway enjoy!
Chapter 32: Aeon
Charles's POVIsang taon.
Isang taon na ang nakalipas magmula ng araw na iyun.
At ang isang taon na iyun ay isang napakaiksing panahon lamang. Madami ang nagbago. Madami ang nangyari.
Bumuntong hininga ako. Bago humakbang. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng hardin. Madami na nga ang nagbago.
Sa loob ng isang taon na iyun ay madami akong nagawa para sa sarili ko. Nakokontrol ko na ang kapangyarihan ko bagamat hindi ko pa rin alam ang limitasyon nito. Para itong kalawakan na sobrang laki at sobrang lakas.
Napapadalas na rin ang pagpunta ko sa hardin na ito sa loob ng isipan ko. Kung dati ay nakasara ito. Ngayon ay bukas na ito. Nawala na din ang hindi makita na pader na nakahara sa pinakagitnang bahagi ng hardin.
"Hinahanap ka na ng kapatid mo." napalingon ako sa likof ko ng biglang may nagsalita. Nakatayo doon si Bea habang nakahalukipkip.
Napakunot ako ng noo at saglit syang sinamaan ng tingin.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Di ba sinabing huwag na huwag kang pupunta dito?"
"Oh! Galit na galit ka na naman." saglit siyang nagpout sabay pinagtapat nya ang dalawang hintuturo nya habang nakatingin dito. "hinahanap ka kasi ng kapatid mo tapos nakita ka nya sa gazebo nyo na natutulog ayun nagwawala na. Hehe."
Muli akong napabuntong hininga. Pumikit ako at nagconcentrate. Sa muli kong pagdilat ay nasa totoong mundo na ulit ako. Nakahiga sa isang sofa, sa tapat nito ay nakatayo si Bea.
Di ko na siya pinansin at dumiretso na ng lakad paalis dito. Wala akong panahon makipag usap sa mga isip bata.
Pumasok ako sa mansyon. Lumiko ako pakaliwa hanggang sa makarating ako sa sala kung saan ko naririnig ang ingay na iyak ng isang bata.
"Nwo! I want kuya!" narinig kong atungal nya, lihim akong napangiti hanggang sa makalabas ako ng sala
"Cyrill." pagtawag ko sa kanya. Luha luha pa syang lumingon sa akin, malungkot ang mga maga nya, pero agad din itong napalitan ng saya ng makita nya ako
"Kuya!" sigaw nya sabay takbo sa akin at saka ako niyakap
Nanganak na si mama. At isang malusog na babae ito. Pinangalanan nila ito Cyrill Laide. I don't know why my parents like letter C.
[ Add niyo sa fb si Cyrill. Cyrill Laide Heteo ng name. ;) ]
"Kuya, Kuya Cyprus is making fun of me!"
Saglit kong tinignan ang kapatid kong lalaki, bigla na lamang siya hindi mapakali at tumingin na para bang nangangailangan ng tulong.
Lumuhod ako at ipinatong ang kamay ko sa noo niya.
"Cyrill is already a big girl." nangingiti kong sabi, bigla naman humagulgol sa isang gilid si Cyprus pero hindi ko na ito pinansin, tinignan ko na lamang ang bunso kong kapatid ng may buong pagmamahal.
"Yes! Cyrill is a big girl!" masaya niyang sabi sabay halik sa pisngi ko
"Madaya! Pinagtutulungan niyo ko!" pag iinarte niya, pinanliitan ko ng mata si Cyprus kaya napapout siya
"Huhuhuhu. Unfair!"
"Sige na nga." humagikgik si Cyrill sabay lakad papunta sa kuya niya "dahil nagpout si Kuya at mana siya na sobrang cute katulad ko may kiss din siya kay Cyrill." tumingkayad siya na para bang ma aabot niya ang kuya niya pag ginawa niya ito, masayang yumuko ang kapatid ko na lalaki at sinalubong ang halik ng bunso namin.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Sacrifice
Про вампировHighest rank achieved #88 in vampire Book 2 of He's dating the vampire girl. All rights reserved 2015