Chapter 36: Behind

185 19 2
                                    

Chapter 36: Behind
Adellaide's POV

"Not my wife! Not my daughter!" muli niyang sigaw at sinugod ng suntok si BJ.

Hindi umiwas si BJ sa suntok bagkus ay malugod niya itong tinanggap. Bumagsak siya sa lupa, hawak hawak ang pisngi niyang tinamaan ni Xiron.

"Balak ko sanang tumigil na sa paghihiganti pero binigyan mo na naman ako ng raso para huwag tumigil."

"Alam kong dadating ang panahon na malalaman mo ang tungkol sa bagay na iyun. Pero hindi ko inaasahan na ganito katagal bago mo malaman."

"At naitago niyo iyun sa akin ng sobrang haba ng panahon?!"

"Hindi ba dapat si Shin ang tinatanong mo niyan?"

Shin? Sino si Shin?

"Ang lakas ng loob niyo na gumawa ng kapangahasan tulad noon."

"Ang akala ko nga nung una ay iniutos mo lang iyun Xiron. Pero hindi ko inaakala na seryoso si Shin sa sinabi niya."

Naiyukom ko ang palad ko at unti unting namuo ang galit sa dibdib ko. Unti unti kong napagtatagpi ang katotohanan na pinag uusapan niya.

"Papatayin kita!" sigaw ni Xiron at sinugod muli si BJ. Sa ngayon ay isang itim na aura ang nakapaligid sa kamao niya.

"Patawarin mo ako."

"Patawad?! Bakit ba kayong mga Heteo, ang dali niyong nakukuha ang mga pinaghihirapan naming mga Reynes?!"

"BJ! Xiron!" sabay na napalingon ang dalawa ng biglang may babaeng sumigaw, nakatayo ito sa may kalayuan. Maganda siya. Chinita at mukhang koreana. Pero kitang kita mo sa mukha niya na pagod na pagod siya at wala pa siyang pahinga.

"Tumigil na kayo."

"Ngayon pa ba Shin kung kelan huli na ang lahat?" masama na tingin ang ipinukol ni BJ sa babae na ang ngalan ay Shin

"Xiron," nagulat ako ng bigla itong lumuhod at nag umpisang lumuha "Ako na lang ang patayin mo. Tigilan mo na ito. Ayokong lamunin ka ng galit mo."

"Sa tingin mo sapat ang buhay mo kung ikaw ang pinag umpisahan ng lahat ng ito?"

"Oo. Ako ang dapat mamatay dahil ako ang ugat ng lahat ng ito. Kaya please tumigil ka na."

"Shin," malungkot na bulong ni Xiron sa pangalan ng dalaga, "minahal mo ba ako?"

"Oo Xiron. Ikaw lang ang mahal ko. At ikaw lang ang minahal ko."

"Pero bakit mo nagawang makipagtalik sa ibang lalaki?! And worst kay BJ pa?!"

Parang tumigil ang ikot ng mundo ko ng marinig ko ang mga salitang iyun. Pilit kong pinapasok sa isip ko na hindi totoo ang mga iyun. Na hindi ko narinig ang mga sinabi niya pero iba ang tinatakbo ng isip ko. Sapat na ang narinig ko at nalaman ko at hindi ko na kailangan pang saktan pa ang sarili ko.

"Xiron. Sinabi ko naman sayo na hindi ko sinasadya."

"Hindi sinasadya at ano? Aksidente ang nangyari? Aksidente na lumapat ang --" hindi na natuloy ni Xiron ang sasabihin niya, mabilis na nawala sa pwesto niya si Shin at mabilis na lumitaw sa harap ni Xiron. Isang malutong na sampal ang binigay niya dito.

"Tignan mo," isang ngiting malungkot ang sumulay sa labi ng lalaki, "Ikaw pa ang may ganang manakit."

"Hindi Xiron. Xiron." paulit ulit na binigkas niya ang pangalan ni xiron habang naiyak at saka niyakap ang lalaki. Hindi kumibo ang binata sa pagkakatayo niya. At hindi rin tumugon sa yakap.

"Too late Shin. I already made up my decision."

Naging mabilis ang lahat. Biglang naglabas ng punyal si Xiron galing sa loob ng coat na suot niya. Hinagis niya ito sa direksyon ni BJ. Bumaon ito sa dibdib ng asawa ko.

Napatakip ako ng bibig sa nakita ko. Oo, galit ako kay BJ dahil sa ginawa niyang kasalanan. Pero asawa ko siya. At mahal na mahal ko siya.

Mula sa kinatatayuan ko ay nagteleport ako papunta sa pwesto ng asawa ko. Sariwang dugo ang umaagos palabas ng bibig niya, dahan dahan siyang lumingon sa akin at nginitian ako.

Bumagsak siya na agad ko namang nasalo.

"Adellaide. I am very sorry." itinaas niya ang kamay at nilapat ito sa pisngi ko. Nag unahan umagos ang luha ko at halos di ko na maaninag ang mukha ng asawa ko dahil sa panlalabo nito.

"BJ. Hold on. Please." umiiyak sa sabi ko, at hinawakan ang dibdib niya.

Unti unti nang bumabagal ang tibok ng puso niya.

"H-hindi ko si-sinasadya. But i am very sorry."

"No BJ. Please don't speak."

"I'm sorry for hurting you."

"BJ."

"I'm sorry for lying."

"BJ please. I'm begging you don't speak."

"I'm sorry because i came to your life."

"No BJ, ikaw ang pinakamagandang bagay na dumating sa buhay ko. Next to our children. So please don't give up."

"I already know that this day will come." kapos hininga niyang sabi, dahan dahan siyang pumikit at masayang ngumiti. "Please take care of our children. I love you."

Nalaglag ang kamay na nakahawak sa pisngi ko. Nanlaki ang mata ko at muling nag unahan ang luha ko.

"No BJ! Don't die! I'm already forgiving you! Please just don't die! Di ba sabi mo sa akin. Sabay tayo mamamatay? Hanggang sa maitama natin ang lahat? Perp bakit ang unfair mo? Bakit di mo sinabi sa akin ito? Naiinis ako sayo dahil nagtago ka ng sikreto, at talagang nag ka affair ka pa sa iba?! Pero ganun pa man please. Pinapatawad na kita. Just. Just." hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

Sobrang sakit ng puso ko at sibrang sikip ng dibdib ko na halos di na ako makahinga sa nararamdaman ko.

"Just wake up please." bulong ko at idinilat ang mata ko. Hinawi ko ang buhok na nakahara sa noo niya upang makita ng maaliwalas ang mukha niya, umaasang didilat siya o igagalaw niya ang mata niya pero nagkamali ako.

Wala. Pero walang nangyari.

Para siyang batang mahimbing na natutulog sa bisig nang kanyang ina.

This is not happening.

Tinanggal ko muna ang punyal na natusok sa dibdib niya at saka siya niyakap. Wala akong pakielam kung mapuno ako dugo basta ang mahalaga ay mayakap ko ang asawa ko.

"Pagbabayaran mo ito?!" sigaw ko ng maalala ko ang gumawa nito sa asawa ko

Lumingon ako sa direksyon nila Xiron na nakatayo lamang sa may kalayuan at nakatingin ang dalawa sa akin.

Galit akong tumayo at sumugod sa kanila.

"Pinaghandaan ko na ito Adellaide. I don't want to kill you that's why I already decided what to do." bigla siyang nagcast ng spell at isang portal ang pumagitna sa amin
Malakas ang pwersa nito dahilan para mahigop ako nito unti unti

"Please rest in peace the rest of your life Queen Adellaide."










To be continued .........

The Vampire's SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon