Chapter 13: Transferee

440 23 7
                                    

Chapter 13: Transferee
Abegàil's POV

Mabilis akong lumabas sa loob ng kwarto na yun. Nakakasakal. Nakakairita.

Nakakapagtaka rin kung bakit may ganyang mga tao na ubod ng sama.

"Hoy Abegail!! WTF?! Bumalik ka dito! Di pa tayo tapos!" sigaw sa akin ng kaklase kong malandi. Well.

Di ko sya pinansin at umiling na lang na parang yun na ang kasagutan ko sa sinabi nya. Naglakad ako ng mabilis at tumuloy palabas ng skwelahan. Nang makakita ako ng jeep na papuntang ********** ay sumakay agad ako.

Pagkasakay na pagkasakay ko ay nagbayad ako at umayos ng pagkakaupo. Nilingon ko ang pinanggalingan ko na naaninag ko pa ang malandi kong kaklase na kakalabas lang ng school at panay talak na akala mo wala ng bukas.

Sumimangot ako sa naisip kong yun at umiling. Mag transfer na lang kaya ako ng school? Nakakairita ang mga tao sa school na yun.

Tumingin ako sa palagid ko at napansin ko na walang gaanong sakay ang jeep kundi mga limang tao kasama ako.

Umayos ako mg pagkakaupo at kinuha ang cellphone at headset ko sa bag ko at saka isinuot. Di ko na muling pinansin ang mga matang mapanlait na nakatingin sa akin.

Iniplay ko kaagad ang unang kantang nakita ko at pumikit bumilang ako hinintay na maka 70. At nang maka70 nga ako ay dumilat ako tinignan kung nasan na ako. Napangiti naman ako at tama na naman ang kalkulasyon ko.

"Para po!" sigaw ko sa driver. Itinabi naman nya ang jeep. Hinintay ko munang huminto talaga ito bago bumaba.

Pagkababa ko ay dumiretso ako sa unang bahay at pumasok.

"Oh anak? Ang aga mo naman ata?" tanong sakin ng nanay ko ng makapasok ako.

Tinignan ko muna sya at nilapag sa upuan ang bag ko bago sumagot.

"Napaaga eh. Bakit di ka pa nagbubukas?"

"Nako. Natraffic ako kaya ayan. Nako. Mabuti at maaga ka at ng ako'y iyong matulungan. Magbihis ka na at ilabas mo na yung mga ulam." sagot sakin ni mama at pumasok sa loob ng kusina. Wala na rin naman akong naggawa kaya tumayo na ako bitbit bitbit ang bag ko at umakyat.

Ako si Abegail Alonzo. 17 years old. Nakatira sa kung saan at wag nyo ng alamin kung saan eksakto dahil hindi naman na mahalaga yun.

Isa akong Grade 12 student. At hindi ko na rin sasabihin ang skwelahan dahil di naman kailangan pa.

May tindahan kami ng ulam at ang kausap ko kanina ay mama ko. Hindi literal na nanay. Inampon lang nya ako dahil maaga akong naiwan ng mga totoong magulang ko ng bata pa ako.

Nang matapos akong makapagbihis ay bumaba na ako at katulad nga ng sinabi kanina ni mama ay tumulong ako sa paglabas ng mga tindang ulam.

Nang matapos naming ilabas ang lahat ay umupo ako dahil medyo nakaramdam ako ng pagod. Napatingin naman ako sa orasan at saktong alas dyes na. Mukhang napaaga nga talaga ang uwi ko.

"Ma." tawag ko sa kanya ng walang gaanong costumers

"Oh?"

"Lilipat ako ng school." sabi ko habang nakatingin sa kuko ko. Nang hindi sya nagsasalita ay tumingin ako sa kanya at ganun na lang ang panlalambot ko ng magtama ang mga mata namin.

"Lilipat?" tanong nya ulit sakin. Tumango ako at nangalumbaba. Pinatong ko ang siko ko sa katabing lamesa nitong inuupuan ko.

"Ano ba naman yan Gail? Di ko na alam ang gagawin ko sayo."

"Ma naman."

"Hindi ka lilipat o sa Pure blood academy ka?" natahimik ako. Kung sa PBA ako, ano na lang ang mangyayari. Baka lalo ako lumala.

The Vampire's SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon