Joyce
Nandito ako ngayon sa canteen at ano pa ba, ito kumakain na naman. Ako lang mag-isa, yung mga kaibigan ko kasi busy. Opo busy sila, sa lovelife.
*Magbebreak din kayo. WALANG FOREVER!
Ako nga po pala si Joyce Isabelle Castro, and I am a certified bitter pero noon assuming lang ako ngayon dalawa na. Hindi naman po dahil sa wala akong lovelife kung 'di dahil po wala naman talagang forever. (Maniwala po kayo please)Tanga lang ang naniniwala do'n.
Napasimangot ako nang nakita ko ang mga kaibigan kong pumasok sa canteen. Sabi kasi nila no'ng niyaya ko sila busog daw sila, at ngayon makikita ko nalang pumasok sa canteen with matching holding hands pa sa mga boyfriends nila.
*Eww! PDA? Bawal kaya yan. May CCTV pa naman. Hello Guidance kayo mga friends n'yan eh. hahaha
Gano'n po ako ka bitter pati mga kaibigan ko walang exception. Wala po tayong magagawa, gano'n ako eh. BITTER. Marami nga ang nagtatanong kung bakit ako naging ganito. Noon kasi kapag may nakikita akong couple sobrang saya ko, 'yong iniimagine ko na ako 'yon at ang forever ko. Oo, naniniwala ako noon sa forever kasi hindi naman bawal maniwala eh at kasi naman ang ganda ng Forevermore at syempre 'yong AshMatt kasi may forever eh.
Pero dahil sa isang tao, I became a nonbeliever of forever. Dahil sa kanya, nasira ang imagination ko tungkol sa forever ko. Siya, siya ang dahilan kung bakit ako naging ganito. And because of that I super duper hate him.
Sino siya?
Siya lang naman ang walang iba kung 'di si Joseph Kevin Avellano. Ang campus hearthrob, ang walang pusong dumurog sa puso ng isang tulad kung tapat kung magmahal (charr). Napaka playboy nang mokong akala mo kung sino. And correction, never ko po siya naging boyfriend, NBSB kaya ako. Crush ko lang siya, crush lang.
Oo na, sige na, siya 'yong forever na iniisip ko, kaya walang kwenta ang forever na 'yan.
Hoy friend. Ano na namang iniemote mo dyan? Kasi naman ikaw naging close lang kayo feeling mo boyfriend mo na.
Tigilan mo nga ako Jen ha. May kasalanan pa kayo sakin.
Sorry na Joyce. Sige usap nalang tayo mamaya. Bye!
Ang hirap talaga ng buhay lalong lalo na kng assumera ka. Bakit kasi ako assuming. Hays...
BINABASA MO ANG
The Indenial and The Assuming (On Hiatus)
Teen FictionPaminsan minsan ang mga lalaki hindi sinasabi ang kanilang tunay na nararamdaman, dinideny nila ang katotohanan na mahal nila ang taong akala nila hindi nila kayang mahalin pero paano kung ang babaeng iniibig mo ay may malaking kuneksyon sa isang ta...