Chapter 7

230 7 4
                                    

Joseph

Nakakatuwa rin pala 'tong si Joyce, may lahi siguro talagang 'tong baliw. Kinakausap na naman ang sarili, nakasmile pa ha. Ano kaya iniisip nito?hahaha

Madisturbo nga.............

Oh Krung krung nandito kana pala 'di ka man lang nagtext

Tanong ko sa kanya na parang close kami at may number ng isa't isa.

Ah. Eh. Ah. - sagot niya na parang hindi alam ang sasabihin.

Ano' yon? A-E-I-O-U?haha - patawa kong tanong

Hindi ah. Kasi?

Kasi? - naghahanap siya ng dahilan haha

Kasi wala akong number mo. Oo wala akong number mo kaya hindi ako nakapagtext. 'Yon yun wala akong number mo.

Paulit-ulit? At may number ka naman ni Aj ha, pwede ka namang magtext sa kanya kaya hindi mo na kailangan pa ng number ko.

Oo nga naman. - pagsang ayon naman niya sa sinabi ko.


Tama nga siguro ang mga naririnig ko, CRUSH nga talaga niya ako.

Bakit?

Kasi naman ho kung makangiti sa akin wagas abot hanggang tenga.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at kung nakikita niyo lang ang mukha niya, talagang matatawa kayo hahaha. Super ngiti siya sa mga nakikita niya, sobrang ganda ba talaga ng bahay namin?

Ate Joyce - tawag sa kanya ni Aj sabay yakap pagkapasok na pagkapasok namin.

Ano na naman iniisip nito? Ang lawak na naman ng ngiti eh.

Oh Amethyst, ang ganda naman ng kapatid ko manang-mana sa ate haha. - Feelingera talaga

Ate Joyce talaga ho, syempre naman. - Sumang ayon pa talaga ang isang to ha.

Hi po! Madam, Sir? -Ibang klase. Ano siya Korean?

Hello Eja! Masaya kami at nakilala ka na namin. Ang daming kwento ni Aj tungkol sayo.

Ah, talaga ho. Ito talaga - Huh? ang sweet niya naman sa kapatid ko. Payakap yakap pa.

Makaalis na nga! Napupuno ng sweetness sang bahay namin eh.

Umakyat ako sa kwarto ko para mapag-isa, masyadong maingay ang bahay dahil sa pagbisita ni Joyce.

Pumwesto ako sa malapit sa bintana, napakaganda ng tanawin mula dito. Nakita ko ang isang box na kung saan nakatago ang nakaraang pilit kong kinakalimutan. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang larawan, ako at si Janine.

Paano ko makakalimutan ang babaeng to kung sa araw araw na ginawa ng Diyos nakikita ko ang mga mata niya.

Ang mga mata....

Ang mga mata ni....

Ang mga mata ni Joyce.
(Hindi ko namamalayan, may mga luha na palang pumapatak mula sa aking mga mata.)

Ang mga alaala ng nakaraan, kung saan ko naranasan ang pang aapi at sakit ng isang naiwan.

Hindi ko kayang alalahanin ang mga pangyayari pero hindi ko magawa...

3 years ago.....
(4th year highschool)

Hoy Nerdy boy?
Ikaw umalis alis ka sa dinadaanan ko dahil hindi ako magdadalawang isip na lampasuhin ka.

At nga pala. Huwag na wag mong lalapitan o kakausapin man lang si Janine, ayokong mahawaan siya ng kapangitan mo. Inchindes?

Tumango na lamang ako sa takot ng...

Kayong mga halimaw kayo, wag niyo ngang tinatakot 'tong si Joseph.

Ayos kalang ba Seph?
Tumayo ka nga dyan.

Kayo! Ito na ang huling beses na makikita ko kayong ginaganito si Joseph ha. Kung sino man ang gumalaw sa inyo sa kanya makakatikim ng ganti sa'kin.

SUMAGOT KAYO!!!

O..oooo..oo na....

Ng mga oras na'yon nakatingin lang ako sa kanya. Sobrang tapang niya. Kaya gustong gusto ko siya eh. Lahat gagawin ko, ang totoo lahat ginagawa ko mapansin niya lang ako.

Baka matunaw ako ni'yan? -nakangiti niyang sabi.

Ahh..so.sorr..sorry....

Hahahahaha...alam mo nakakatuwa 'yang mukha mo.

Napangiti na lamang ako. Ngayon ko lang siya nakitang gano'n. Usually nakasmile lang siya, ngayon tawang tawa siya sobra.

Simula ng araw na'yon nagsimula ang lahat. Lahat ng pinangarap ko lang dati.

Niligawan ko siya. Sinagot niya ako at naging kami officially. Pinakilala ko siya sa family ko. Pinakilala niya rin ako sa mga kaibigan niya, nasa states daw kasi family niya at nakatira lang siya sa tita niya.

Nasa ibang school palang siya gusto ko na talaga siya. Kaya no'ng nagtransfer siya, nagpapansin talaga ako ng todo kaya lang nabubully ako dahil sa looks ko.

Binago niya ako. Nagshopping kami, binilhan niya ako ng mga mapopormang damit. Pumunta kami sa optical clinic para pacheck ang mga mata ko then nagdecide siya na ipalaser ito para bumalik ang linaw, nasa 200 narin kasi ang grade ng dalawa kong mata. Good thing mayaman ako para maafford ang laser haha.

'Yan! Ang pogi pogi mo na Seph. Bagay sayo 'tong mga pinamili natin.

Salamat

Ano kaba? Lahat gagawin ko, hindi ka lang maapi. Sigurado ako pagpasok mo bukas, pagtitinginan ka ng mga tao. I'm so excited. - with matching palakpak pa.

Kinabukasan sa school

Nagulat ang lahat sa transformation ko.

Si Joseph ba 'yan?

Ang gwapo niya. My G!

Whaaaaaa... JOSEPH!!!

Sino ba naman ang hindi dahil ang campus nerdy boy ay naging campus heartthrob.

The Indenial and The Assuming (On Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon