Chapter 10.5

202 4 0
                                    

Sarah Geronimo as Joyce Isabelle Castro ♡

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sarah Geronimo as Joyce Isabelle Castro ♡

Joyce

Pagkatapos magsalita ng prof ay agad niyang dinismiss ang klase kasi nagpatawag daw ng faculty meeting ang dean about sa upcoming Intramural. Pagkaalis na pagkaalis niya ay agad akong tumingin tingin sa mga kaklase ko at hinanap si Joseph.

Nilibot ko ang paningin sa paligid ng bigla akong napahinto ng may sumalubong saking mga tingin. Parang huminto ang mundo ko, kami lang dalawa ang nakikita ko, nawala na ang mga kaklase namin. Hindi ko maialis ang mga tingin ko sa pagkakadikit sa mga tingin niya, para akong nasa langit sa mga ngiti niya at ngayon tinatawag niya ako pero hindi ko magawang sumagot, nakaka speechless ang mga tingin niya, pakong pako na ako. Bumalik lang ako sa realidad ng may kumalabit sakin sa balikat.

Baka mafall ka nangtuluyan, sige ka. -sambit ni Bianca pagkatingin ko.

Tsk! Ano ba yan Biancz! -iritado kong sagot.

Binabalaan lang kita. Si Joseph, heartthrob yan, mayaman yan, matalino yan, top 1 panga diba? -Bianca

Eh ano naman ngayon kung heartthrob siya? Eh maganda naman ako, Wala rin akong paki kung mayaman siya kasi mayaman rin naman kami at higit sa lahat, oo matalino siya, kaya mag-aaaral akong mabuti at oo top 1 nga siya pati nga sa puso ko eh. -Sabi ko ng nakangiti na abot tenga.

Ay bahala ka na nga Joy. -sabi niya sabay alis.

Inayos ko ang mga gamit ko sa bag pero napahinto ako nang....

Tinatawag kita. Ba't di ka sumasagot? - napalunok ako sa mga sinabi niya,parang hindi lang ako makapaniwala na kinakausap niya ako.

Ah.Eh. Talaga? H-hindi k-ko kasi n-narinig eh. -Oh My nauutal na ako sa kaba!

May pag-uusapan tayo. - Ma awtoridad niyang sabi.

Hala! Baka nakita niya na yung mga nilagay ko sa bag niya. Whaaaaaa! Lagot na lagot ako nito. Kinakabahan na talaga ako. Lord, help me please!

Pagkalabas ko ay agad akong hinila ni Joseph papuntang field, huminto kami sa harap ng isang malaking puno kung saan siya parating tumatambay.

Lakas ng trip mo ha? Hahaha - nakatawa niyang sabi. Ako naman itong si kinakabahan.

Ah! So-sorry Jo-joseph.- ako

Tinignan niya ako ng masama sabay sabing.

Ikaw palang ang nakagawa ulit sa akin ng ganito.

Napayuko ako sa sobrang hiya ko sa kanya hindi ko alam ang gagawin ko. Nakakatakot ang aura niya. Tahimik lang niya akong tiningnan pagkatapos niya sabihin 'yon. Naiiyak na ako huhu, ni hindi ko nga napakinggan ng mabuti ang mga sinabi niya.

Joyce? -tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko pinansin.

Joyce Isabelle Castro? - ngayon tinatawag niya ako sa complete name ko, hindi parin ako tumitingin sa kanya. Sabi kasi nila pagganon galit na galit na siya huhu. Di ko na talaga napigilan umiyak na talaga ako. Nakakatakot na kasi boses niya.

Naramdaman kong papalapit siya sa akin. Hindi ko magalaw ang mga paa ko parang napako ako sa kinatatayuan ko.

Tinaas niya ang ulo ko,

nanlaki ang mga mata niya nga makita niya akong umiiyak.

Bakit ka umiiyak? -nag aalala niyang tanong pero hindi ko parin siya sinagot.

Sorry! Natakot siguro kita. Actually, it's okay. Diba tumawa naman ako pero ito ikaw umiiyak hahaha.- tumawa pa talaga siya.

Hindi ako galit okay ayaw mo kasi akong tignan eh, 'yan tuloy. -pag eexplain niya habang nasa magkabilang balikat ko ang mga kamay niya.

Hindi na ako nag respond sa mga sinabi niya di ko kasi mapigilan iyak ko eh. Ang epal nga ng mga luha ko eh, nakakainis moment na 'yon eh.

A/N

Sorry ngayon lang naka update. May pasok na kasi kami eh. Matatagalan pa next update ko kay on-hold muna ang TIATA .....

God bless Popsters. God bless everyone :-)

Love,

AuthorEuni

The Indenial and The Assuming (On Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon