Matteo Guidicelli as Joseph Kevin Avellano
Joseph
Bumaba na ako ng sasakyan pagkapark ni manong ng kotse. Agad naman akong sinalubong ng kapatid kong kabote ng napakalawak na ngiti. Nakakaloka, nahawa na nga talaga siya kay Joyce. Papasok na sana ako sa loob nang humarang siya sa daanan.
Amethyst? -maawtoridad kong banggit sa pangalan niya.
Kuya nakita ko kayo kanina. - naka smile parin niyang sabi.
Nakita? Eh hanggang 3 o'clock ka lang sa school ha. Pinagloloko mo ba ako Aj?
May make-up class kaya kami kanina. Bakit umiiyak si ate Joyce kuya? Sinungitan mo siya no?
Hindi ha. -depensa ko sa sarili.
Kung hindi bakit siya umiyak? Ha? kuya ha? -makulit na tanong nito.
Natakot ko siya, pinagtripan niya kasi ako.
Ha? Pinagtripan ka? Hahaha.
AJ??? -pasigaw kong sabi
Haha peace kuya love you mwaah. - sabi nito sabay halik sa pisngi ko tapos pasok sa loob ng bahay.
Itong kapatid ko talaga parang bata parin. Kaya siguro sila nagkasundo, isang isip bata at isang parang baliw. Match na match ha. Hahaha.
Pumasok na ako sa loob. Nadatnan ko naman si Aj na nanunuod na ng Popstar Diaries sa Viva channel, ang batang 'to idol na idol si Sarah G.
Tumuloy ako sa paglalakad at nahagilap ko si mommy na busy sa mga paper works niya at si daddy naman busy rin sa mga business calls niya.
Mabuti nalang talaga umuuwi pa sila dito hindi tulad ng dati. Atleast kahit busy sila nagkikita-kita parin kami.
Kumatok ako sa pintuan ng mini office ni daddy kung saan nandoon din si mommy para malaman nila na nakarating na ako. Pumasok ako sa loob at hinalikan si mommy at nagmano gayon din kay daddy. Pagkatapos ay lumabas na ako para pumunta sa kwarto kong nasa second floor ng bahay. Nang makapasok ako ay agad kong ni lock ang pinto at humiga sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number ni Joyce para malaman kung nakauwi siya nang maayos pero hindi niya sinasagot kaya pinatay ko nalang yung call at nagbihis ng pambahay.
Maya-maya ay may kumatok sa pintuan...
Kuya? - pag-aalinlangan tawag ni Aj.
Bakit? - matipid ko namang sagot.
Pakibukas please!
Ayoko nga! -pagsusungit kong sabi.
Kuya naman eh. Please?
Sige na kuya.
Please buksan mo na. - pagmamakaawa ng kapatid kong makulit.Bakit ba kasi? - tanong ko pero hindi parin siya binubuksan.
Buksan mo muna.
Naku Aj. Sinasalisi mo ko ha.
Sige ka kuya. Hindi kita kakausapin sige ka. - mautak na sabi ni Aj.
'Yan na naman tayo.
Agad naman akong tumayo at tinungo ang pinto para pagbuksan siya. Pagbukas ko ay agad kumaripas nang takbo papasok ang kapatid ko at tumalon talon sa kama.
Madumihan 'yong bedsheet ko, lagot ka sakin. - babala ko sa kanya.
Edi palabhan mo. Problema ba 'yon? - pagmamarunong na sagot nito.
Aba ang batang 'to.
Hahaha. Pero kuya bakit nga ba talaga umiyak si ate Joyce kanina? - tanong na naman niya.
Ay! paulit ulit na Amethyst ha! - medyo galit kong pagkakasabi.
Huhuhu eh bakit nagagalit? -mangiyak ngiyak niyang sabi.
Itong batang 'to. Halika nga rito.
Ikaw, kahit makulit ka, alam mo naman na mahal na mahal ka ni kuya diba? (Tumangu-tango naman siya) Kaya kahit sinusungitan kita, kahit natataasan kita ng boses, kahit paminsan-minsan hindi kita pinapansin Amethyst Jane tandaan mo 'tong mabuti ha, hinding-hindi kita pababayaan, hinding-hindi kita iiwanan dahil kahit na anong mangyari kapatid kita at mahal na mahal kita.Alam ko, alam ko. Thank you kuya kasi kahit sumusobra na 'yong kulit ko, kahit wala na sa lugar paminsan-minsan 'yong pangungusisa ko at kahit naaapakan ko na 'yong privacy mo andyan ka parin, pinapatawad mo parin ako. Thank you so much kuya.
Niyakap ko ng mahigpit si Aj sabay din nang pagyakap niya ng mahigpit sakin. Alam kong may probema siya pero handa akong maghintay na siya mismo ang magsabi sakin.
Ang madaldal na batang 'to, matapang sa labas pero marupok sa loob. Parang si Joyce. Baliw baliwan sa labas pero ewan ko sa loob, pacensya na po di ko pa siya gaanong kilala eh, next time pag-alam ko na.
Speaking of Joyce. Kinuha ko ang cellphone ko sa table katabi ng kama ko habang yakap yakap ko parin si Aj. Mukhang na ka tulog na nga yata eh. Mabilis talagang matulog ang isang 'to.
Dialling Joyce number...
Calling 09485955***
Ay ring na naman ng ring. Tulog na kaya siya bakit hindi niya sinasagot.
Sabi ko sa isip habang ring parin ng ring.Bakit hindi niya sinasagot?
Hindi ko namalayan na nasabi ko na pala 'to nang malakas at narinig pa ni Aj.
Malamang kuya hindi niya talaga sasagutin 'yan. Magtext kasi at magpakilala. Hindi siya sumasagot ng unknown number. Kuha mo kuya? Kaya kung ako sayo kung gusto mo talagang sumagot si ate Joyce magpakilala ka.
Nagulat naman ako ng magsalita ang kapatid ko na akala ko naman ay nakatulog na. At teka, paano niya nalaman na si Joyce ang tinatawagan ko? Eh number lang naman at hindi ko naman sinave ang number ni Joyce.
Hindi kaya 'to si Joyce! Assuming ka ha. - paggigiit ko naman sa kanya.
Anong hindi ka dyan. Kabisado ko kaya number niya kaya DON'T ME kuya. - pagdepensa niya naman sa mga salita niya.
Okay! Just keep quiet. May itatanong lang kasi ako sa kanya.
Ha? Anong itatanong mo? - pasisimulang tanong na naman nito.
Kung paano tuluyang magmove on? - agad ko naman sagot.
Kung paano tuluyang magmove on? Hmmmp?
Para tuluyang magmove on para sakin, you need to love again para ma divert mo 'yong attention mo sa iba, para makalimutan mo na talaga ang babaeng 'yon ng tuluyan.Hindi ko inaasahan ang mga salitang 'yon na lalabas sa bibig ng kapatid ko. Bakit siya may alam sa ganyan? Eh ako nga walang maisip, ang alam ko lang gusto ko siyang kalimutan, gusto kong mawala na siya ng buo sa buhay ko. Bahala na.
BINABASA MO ANG
The Indenial and The Assuming (On Hiatus)
Genç KurguPaminsan minsan ang mga lalaki hindi sinasabi ang kanilang tunay na nararamdaman, dinideny nila ang katotohanan na mahal nila ang taong akala nila hindi nila kayang mahalin pero paano kung ang babaeng iniibig mo ay may malaking kuneksyon sa isang ta...