Chapter 15

151 3 2
                                    

Joyce

Hahaha natatawa ako sa reaksyon ni Joseph, inis na inis sya lalong lalo na pag pinupuri ni Amethyst si Edward.

Ang batang 'to dalaga na ha. Nagkakagusto na eh, pero 'tong kuya niya, oh my talagang ang over eh. Bawal pa daw mag boyfriend dahil baby pa daw kapatid niya, eh ang tanda na nito eh, 17 na 'to last month lang eh hahaha. Iba talaga ang Kevieee ko eh, kaya mahal ko 'to eh.

Mahal?

Ay, opo di nyo ba alam?

Mahal ko 'yan ♡

Back to the scene na nga tayo...

Nandito nga pala kami ngayon sa canteen. Alam niyo na naman siguro kung anong ginagawa sa canteen diba? Kaya no need to kwento na. Ang ikukwento ko nalang sa inyo ay kung paano kami naging CLOSE ni Joseph.

Hindi ko pa sinisimulan kinikilig na ko yay!

Last month no'n, September 3, araw ng birthday ni Amethyst. Inimbitahan ako ng parents nila magdinner kasi ayaw daw magpaparty ng baby nila, gusto niya daw kasi sa birthday niya ay ang buong oras lang naman ng mommy at daddy niya. What a sweet girl diba? Namimiss ko tuloy little sister ko huhu pero char lang hindi ako umiiyak medyo nalungkot lang.

So ayon, pagkatapos ng dinner nanuod kami ng movie sa entertainment room nila, grabe may ganoon, ang yaman talaga nila diba. Then kwento there, kwento here, kwento kwento everywhere hahaha ang saya para akong part ng family nila.

Yes! Parang ako 'yung sister-in-law ng birthday girl kasi ako lang 'yung imbitado. My G! I think may chance ako eh, from .0000001 % noon, ngayon sa tingin ko tumaas na, nasa 1% na nga ngayon eh. Wow I'm so happy my dear haha.

Pag naging KAMI, magpapaparty talaga ako, imbitahin ko pa kayo eh. Basta pag nangyari 'yun punta kayo ha, kamsahamnida.

So, naniniwala ba kayong my chance ako? Hahaha
Okay lang kahit hindi nyo sagutin. Alam ko narin naman 'yung sagot eh haha.

Psst? Nababaliw ka na naman ba? -siko nito sakin

A-ako? My G! Kev- ay este Joseph. Kailan man hindi ako naging baliw no. Sa ganda kong 'to baliw lang para sa'yo. Naku, sayang naman kung gano'n. - sagot ko with confidence

Kung makangiti ka kasi, akala mo comedy yung pinapanuod natin, eh horror 'to eh.

Hahah, ay sorry may iniisip lang. -depensa ko sa sarili

Sus naman ho. Horror nga pala pinapanuod namin tapos parang baliw ako na nanunuod habang hinahabol ng momo ang bida.

Sorry po ganito talaga ako eh, wrong timing mag isip. Pacensya na talaga, si Joyce lang. Hahahah

Waaaaaah! KUYAAAA... KUya patayin mo na 'yan. Haaaaaaaaa!
- nakakalokang sigaw ni Amethyst sa takot.

Amethyst Jane! Tumigil ka nga. Hindi naman nakakatakot eh. -pagsaway nito sa kapatid.

Ay hindi ba? Hahahaha sorry po!
-natatawang sagot ni Amethyst sa kuya niya.

Nakakatuwang pagmasdan ang dalawang 'to. Ang saya siguro pagkasama mo sila dito sa bahay. Parang mga batang nagkukulitan.

Natapos na ang horror movie na pinapanuod naman nang hindi naman kami natakot ni Joseph dahil sa presensya ni Amethyst. Hindi kasi kami makaconcentrate sa panunuod dahil sigaw siya nang sigaw kahit wala pa sa scene na nakakatakot.

Pinagpaalam nga pala ako ng parents nila na mag overnight dito, wala naman daw kasing pasok bukas dahil may pupuntahan daw ang teacher namin at wala ring pasok si Amethyst dahil saturday naman kaya pwedeng pwede kaming magpuyat.

Naisip ko lang. Ako kaya ang unang taong nag overnight dito sa bahay nila? Balita ko kasi hindi sila mahilig magpaparty, kung magpaparty man hindi sa mansion ang venue. Hindi katulad ng family ko gustong gusto ng party parang ang yaman eh, kung si dad siguro oo pero si mama, hindi ko lang talaga alam.

Ano na namang iniisip mo krung krung? - tanong ni Joseph na bigla nalang sumulpot kung saan.

Wala. -simpleng sagot para wala nang maraming tanong.

Hindi tayo close kaya hindi kita gaano ka kilala pero nakakafeel kasi ako kung may mali sa isang tao eh. You can tell me what is it, to make you feel better. -sincere na sabi ni Joseph

Okay lang kayang magshare ako tungkol sa family ko? Parang... para kasing ang hirap mag open up sa isa taong may perfect na family, baka hindi niya ako maintindihan.

Hindi ako nagsalita. Tiningnan ko nalang siya bilang sagot.
Hindi naman siya nagpumilit pero hindi din siya tumahimik.

I understand!I am also like that before, 2 years and months ago actually. For the first time in my life I failed and I can't tell anyone about it because I'm afraid.

Tuloy tuloy lang siya sa pagsasalita. Ni hindi nga nya ako tinitignan kung nakikinig ba ako o wala.

When I was fourth-year highschool, I fell inlove with a girl. Napakataas niya kahit transferee palang siya sa school sikat siya kahit sa dati niyang school...

He paused for a minute then nagpatuloy na naman siya habang ako tinitignan lang siya na parang hindi maintindihan kung bakit niya sinasabi sa akin ang lahat ng 'to.

Habang ako nasa isang sulok lang hawak hawak ang mga libro ko at palihim siyang tinitingnan. I once been someone else, someone who was a stalker, a fanboy of a girl who I really admired.

Hindi ako makapaniwala.
Umiiyak siya, umiiyak siya sa harapan ko.

B-but then, the re-relationship---

The relationship that you think will last forever and the girl
.
the girl that you think will be with you forever

I paused then look at him, nagulat ako nang pagtingin ko nakatingin pala siya sakin, umiwas ako ng tingin.

Isang malaking PAASA tama ba? -pagdudugtong ko sa mga salitang nabitawan ko kanina.

Yeah! I was so broken. And in that moment I promised myself that no one will ever hurt me the way I was hurt before. -seryoso niyang sagot habang nakatingin sa kawalan.

Ang drama rin pala ng buhay mo no? -I ask him with a smile on my face to cut the drama baka mapakwento rin ako, hindi pa ako ready. Maybe next time.

Lahat naman ng tao may drama ang buhay eh. -sagot naman nito.

Sabagay! -'yun na lang ang nasabi ko. Pero siya...

You know, okay lang maging mahina sa harap ng ibang tao and I know I can trust you that's why sinasabi ko sayo ang mga bagay na 'to. I wanna be your friend Joyce, I want to make my sister and my parents happy kaya gusto kong subukan.

Tumingin siya sakin pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yon. Kung alam mo lang sana kung gaano ako kasaya sa mga sinabi mo Joseph kahit na gusto mo lang maging masaya family mo kaya gusto mong subukang makipag kaibigan sakin, okay lang.

Ngumiti ako bilang response sa mga sinabi niya. Nasespeechless ako eh, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nang muli siyang magsalita...

Friends -kasabay nito ang pag alok niya ng kamay.

A/N

Mga ka-TIATA nagustuhan niyo ba ang update for today? Sana naman oo, I'm doing my best po talaga para ma satisfied at mapasaya ang mga nagbabasa at opo, kayo po ang tinutukoy ko.

Marami po talagang salamat sa patuloy na pagbabasa at paghihintay kahit na madalang lang akong mag update busy po kasi ako sa studies.
God bless :-*

Love,
AuthorEuni

The Indenial and The Assuming (On Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon