Chapter 8

179 7 1
                                    

Joseph

Iniisip niyo siguro kung bakit gusto kong kalimutan ang nakaraan, siguro iniisip niyo dahil nabubully ako noon pero hindi lang 'yan.

Ang akala kong pangmatagalan ay panandalian lang pala.

Ang babaeng mahal na mahal ko, ang babaeng una kong minahal at iniisip kong huling babaeng mamahalin ko ay sinaktan ako, sinaktan ako ng sobra na sa loob ng mga taong nagdaan ay hindi ako nagmahal ng iba dahil sa sakit nang pagkabigo ko. Sa mga panahon nagkarelasyon ako pero panandalian lang kasi hindi ko naman talaga mahal at laru-laro lang talaga ang nasa isip ko dahil natatakot ako na ba ka sa pangalawang pagkakataon ay masaktan na naman ako.

Sabi ng iba napakaperfect nang relationship namin. Perfect match daw kasi talaga, isang poging prinsipe at isang napakagandang dyosa, hulog ng langit kumbaga.

Pero isang araw nagbago ang lahat.

Seph!

Bakit? Anong nangyari? May problema ba? May masakit ba sa'yo?

TUMIGIL KA NGA!

Nagulat ako sa pagsigaw niya. Ito ang unang beses na nangyari ito.

Bakit ka ba nagagalit? Nagtatanong lang naman ako.

Tapusin na natin to. - Mahinahon niyang sabi.

Tapusin? Pero bakit? - Pagtataka kong tanong.

Bakit ba tinatapos ang relasyon Seph ha? Diba matalino ka? Tama nga sila, sa pag-ibig walang matalino, lahat puro tanga.

Pwede ba Janine, bigyan mo nalang ako nang reason kung bakit? - parang maiiyak na ako habang sinasabi ang mga katagang 'to.

Gusto mo talagang malaman ha. Hindi na kita mahal, ay hindi pala 'yan 'yong tama. - sabay ngiti- Hindi kita minahal Seph! Ginamit lang kita para makausad at ngayon na tapos na, hindi na kita kailangan. Wala ka ng pakinabang kaya tyupi na.

Hindi ko na kinaya. Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Hindi ko parin inaalis ang mga tingin ko sa kanya.

Alam mo, porma mo lang naman ang nagbago, hindi 'yang pagiging iyakin mo, naging malala pa nga yata eh.- mangiti-ngiti n'yang sabi- Nakakaawa ka Seph, naniwala ka talaga na mahal kita? Haler? Sino kaba? Si Oliver kaba para mahalin ko? Haha

Hindi na ako nakapagsalita. Sobrang durog na ang puso ko. Ang sakit sakit, hindi ko na talaga kaya huhuhu ...

Sa mga taong nakalipas, wala paring nagbabago. Mahal ko parin siya, too, siguro, tanga ako, pero tanga na kung tanga pero wala eh, mahal ko talaga eh.

Knock...knock...knock...

Natauhan ako sa kasalukuyan ng may kumatok sa pintuan. Agad akong tumayo at dali-daling binuksan ang pinto.

Oh Mom, why? -tanong ko kay Mommy na nasa harapan ko.

Son, are you okay? -pag-aalala niyang tanong sa'kin.

Ofcourse! -agad kong sagot.

Sorry! Nag-aalala lang si Mommy. Hindi kana kasi lumabas pagkatapos nating kumain at tiyaka gabi na.

Mom, don't worry I'm okay.

Sigurado ka okay kalang talaga? Son! Hindi ka nagsasalita mula pa no'ng dumating si Joyce, nagkulong ka pa sa kwarto. Ba ka kasi naalala mo si "ano" sa kanya. Alam mo na....

Mom, I'm really okay. Joyce is not her, may hawig pero magkaiba sila. Joyce is better than her.

So, mas gusto mo na si Joyce kaysa sa kanya? -naeexcite na tanong ni Mommy.

Hay naku Mom! Umalis na nga kayo. Mamaya na ako bababa. Bye Mom! -hinalikan ko si Mommy sa pisngi habang paatras siyang lumalakad palabas at sinira ko ang pinto.

Napangiti naman ako nang maalala ko ang tanong ni Mom. Gusto niya talaga si Joyce, kasi kung hindi, hindi niya itatanong 'yon. Pustahan araw araw bukam bibig n'ya si Joyce at araw araw itatanong n'ya 'yan haha.

Pero gabi na pala, hindi ko man lang namalayan. Nagflashback flashback pa kasi sa utak ko eh, sinasaktan ko lang ang sarili ko kakaisip.

The Indenial and The Assuming (On Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon