Chapter 9

143 4 5
                                    

Dinedidicate ko 'tong chapter na 'to sa walang sawa sa pagsuporta sa story ko. Salamat sa pagcomment dahil sa'yo naiexcite akong magsulat. Salamat pops :-)

Joseph

Nagising ako ng maaga at agad inayos ang higaan ko, tinuruan ako ni mommy mag-ayos ng kwarto no'ng nasa elementarya pa lamang ako kaya nakasanayan ko na.

Nakagawa na ako ng ilang hakbang nang maaninag ko ang isang bagay sa ibabaw nang study table ko.

Maalala ko, binigay sa akin to ni mommy kagabi, naiwan daw ni Joyce sa pagmamadali niyang makauwi dahil dumidilim na.

Pumunta na ako ng banyo at naligo, matapos maligo ay nagbihis na ako ng uniform at agad bumaba para makapag agahan.

Matapos kumain ay agad na akong lumabas at sumakay sa kotse ko para pumasok. Parati akong maaga pumasok ayaw ko kasi nang nalilate.

Nakarating na ako sa parking lot ng Asher University kong saan ako nag-aaral. Dali-dali akong humanap ng pwestong paparkingan, nang makakita na ako ay agad kong pinwesto ang kotse ko at agad din umalis dahil hahanapin ko pa si Joyce.

Agad ko naman siyang nakita at...

Joyce! - tawag ko sa kanya at agad inabot ang panyo niyang naiwan sa bahay.

Ah salamat, naiwan ko pala sa inyo. - sabi niya sabay kuha.

Sige alis na'ko bye -sabi ko habang kumakaway at nakangiti sa kanya.

Oo nakangiti ko siyang kinawayan. First time nga eh, kasi naman kapag naaalala ko yung design ng panyo niya natatawa ako. Hindi ko alam mahilig pala siya sa barbie. Akala ko baliw lang, isip bata rin pala.

Hindi pa ako gaanong nakakalayo ng tumalikod ako at tingnan siya, napangiti naman ako ng makita kong tumatalon talon siya at sobrang lawak ng ngiti. Hindi ko akalain na gano'n ang epekto ng isang ngiti ko sa kanya. Nakakaoverwhelm .

Masaya nga sigurong maging kaibigan si Joyce kasi kahit hindi pa kami talaga magkaibigan natatawa na ako sa kanya, parati ko kasi siyang nakikitang kinakausap ang sarili kaya ko siya tinawag na krung krung, remember?

Pareho kaming second year college habang si Aj naman first year, isang taon lng ang agwat namin nasipagan sila ni mommy't daddy eh hahaha pero joke lang dalawa lang naman kaming magkapatid eh 'yun nga lang magkasunod, 1 year lang ang gap. Gusto ko sana 'yung 3 or 4 years yung agwat namin para nabantayan ko ng sobra hahaha.

Pre ano 'yan? - biglaang tanong nang bestfriend kong si Alec.

Ano ba naman n'yan pre! Papatayin mo ba ako sa gulat ha? -sabi ko habang nakahawak sa dibdib.

Sus! Ang OA. Ano na? -ano ba 'tong tinatanong niya? At ako pa talaga OA ha, sa pagkakaalam ko sa aming dalawa siya eh.

Anong ano? -magulo ba? Hahaha pasensya.

'Yang ngiti mo. -sabi niya sabay kamot ng ulo.

May koto ka ba? -natatawa kong tanong sa kanya.

Pre naman. Ako? May koto? No way! - depensa naman niya sa sarili.
Wait lang pre ha. Ikaw ba may tinatago sa akin? Bakit di mo sinasagot tanong ko? Ano 'yan ha? Ano yang meron sa ngiting 'yan? Kakaiba eh. - sa dami nang tanong niya, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong sagutin. Napaisip nga ako eh " Ano nga bang meron sa ngiti ko ngayon?".

Tinignan ko nalang siya at ngumiti. Bahala siya kasi kahit ako di ko alam. Basta alam ko masaya ang araw ko, wala nang tanong tanong basta masaya ako.

The Indenial and The Assuming (On Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon