Chapter 5.5

224 10 0
                                    

Joyce

Nga pala Joyce. Thank you!

T-thank you po para saan Madam? -Pagtataka niyang tanong kay Mrs. Avellano

Ano kaba Joyce? Tita. Tita ang itawag mo sa akin at tito naman sa asawa ko. -Kinuha ang dalawang kamay ni Joyce at sabay sabing- Gusto ko lang magpasalamat sa mga panahong nandyan ka para kay Amethyst, alam mo namang nag-aadjust pa siya sa college life.

Wala po yun Ti-ta! Am, masaya nga po ako dahil nakilala ko yang anak niyo eh, para ko na siyang kapatid.

Baka nakukulitan kana? Alam mo naman 'yan.

Actually, gusto ko nga po yung kakulitan niya eh. Nakakatuwa po.

Mabuti naman kung ganun. Let's go now to the dining area to have our lunch.

Sige po salamat.

Habang kumakain tahimik parin si Joseph, ni isang salita wala siyang binibigkas. Ganito ba talaga siya? Sobrang tahimik?

Matapos naming kumain ay agad naman kaming pumunta sa sala para magkwentuhan maliban kay Joseph na agad din umakyat papunta sa kanyang kwarto na nasa second floor.

Ha? Bakit alam ko?

Dahil lang naman po sa madaldal at makulit niyang kapatid *with matching ngiting nagpapacute*

Masayang kasama ang pamilya nila ha, parang magbabarkada lang. Hindi naman kasi halata sa parents nila eh kasi parang nasa 20's lang sila. I really had some fun. Wish ko nga dito nalang ako araw-araw eh, kaya lang baka magalit si mommy di pa naman ko favorite n'on hahaha.

Third Person Point of View

Lumipas ang mga oras at puro halaghak at tawa ang maririnig sa pamamahay ng mga Avellano habang sa isang sulok ng bahay ay makikita ang isang binata na malungkot na tinitignan ang isang larawan. Larawan niya kasama ang isang babae. Sino kaya ang babaeng ito sa buhay ni Joseph? At bakit parang ayaw niya kay Joyce?

Alamin sa mga susunod na updates...

Special thanks nga po pala sa mga nag add ng story ko sa reading list nila at sa mga nagvote. Maraming salamat po talaga.

Love,

Eunilove

The Indenial and The Assuming (On Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon