Chapter 5

281 9 0
                                    

Third Person Point of View

Ito yung time na pinakilala si Joyce ng kapatid ni Joseph sa parents nila.

Joyce

Exciting naman parati ng araw ko, palagi ko siyang kasama. Akala ko hanggang pangarap nalang 'to. Salamat talaga kay Amethyst at pinakilala niya ako sa kuya niya. God's will talaga eh, sa hindi inaasahan naging magkaibigan kami. May kahawig daw kasi ako, hindi nga lang niya sinabi kung sino, basta kamukha ko daw eh, hayaan na nga natin ang importante close kami hahaha.

Ang saya-saya talaga ngayon, inimbitahan ako ni Amethyst na pumunta sa bahay nila, ipapakilala niya daw ako sa parents nila, bilang "GIRLFRIEND" ng kuya niya pero joke lang hahaha. Sabi nga ng mga kaibigan ko ang feeler ko na daw pero sabi ko naman. Ako? Feeler? Hindi kaya, nagmamahal lang. Oh diba? Ganyan ako eh.

Oh Krung krung nandito kana pala 'di ka man lang nagtext.

Nagulat ako ng agad bumukas yung gate at may nagsalita. Ang "FOREVER" ko lang pala pero hindi ko alam kung endearment niya ba sa akin yung salitang "Krung Krung" kasi 'yon yung tawag niya sa akin o talagang baliw lang ako sa paningin niya?

Ah. Eh. Ah.

Ano' yon? A-E-I-O-U?haha - Tanong niya sabay tawa.

Hindi ah. Kasi?

Kasi?

Kasi wala akong number mo. Oo wala akong number mo kaya hindi ako nakapagtext. 'Yon yun wala akong number mo.

Paulit-ulit? At may number ka naman ni Aj ha, pwede ka namang magtext sa kanya kaya hindi mo na kailangan pa ng number ko.

Oo nga naman. (Supalpal, hindi ko talaga makuha to noh!)

Pumasok na tayo.

Oh sige. halina tayo.

Pumasok kami sa bahay nila na parang palasyo, as in ang laki at ang ganda. Sa tingin ko nga mga kalahati lang nito bahay namin eh haha. Ito na ito na talaga. Makikilala ko na ang mga magulang niya whaaaaaaaah...

Ate Joyce - tawag sa akin ni Amethyst sabay yakap.

Sana ganyan din kuya mo. Sana kasing sweet mo char. haha

Oh Amethyst, ang ganda naman ng kapatid ko manang-mana sa ate haha. - Kapal ko noh?-

Ate Joyce talaga ho, syempre naman.

Hi po! Madam, Sir? -bati ko sabay bow na parang Korean.

Hello Eja! Masaya kami at nakilala ka na namin. Ang daming kwento ni Aj tungkol sayo.

Ah, talaga ho. Ito talaga -pagkatapos ay niyakap si Amethyst.

Ang bait bait ng parents nila at ang mom and dad nila parang hari at reyna ang ganda at ang gwapo. Nag-enjoy talaga ako sa naging araw ko sa bahay nila, kaya lang di ako pinapansin ni Joseph(kahit naman noon ah). Akala ko kasi kapag naging okay ako sa family niya ituturing na niya akong kaibigan pero okay lang, hindi ako susuko, gagawin ko lahat para maging close kami. Aja! kaya ini.

shaeirajhein22 Thanks for the cover :-*

The Indenial and The Assuming (On Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon