Chapter 11

163 3 0
                                    

Joseph

Bakit ka umiiyak? -nag aalala kong tanong pero hindi parin niya ako sinasagot.

Sorry! Natakot siguro kita. Actually, it's okay. Diba tumawa naman ako pero ito ikaw umiiyak hahaha.- tumawa ako para naman matanggal ang takot niya.

Hindi ako galit okay ayaw mo kasi akong tignan eh, 'yan tuloy. -pag eexplain ko habang nasa magkabilang balikat niya ang mga kamay ko.

Hindi siya umimik kay tumahimik nalang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hanggang ngayon umiiyak parin siya, ano ba 'tong ginawa ko?

Lumipas ang ilang minuto, hindi parin siya tumatahan sa kakaiyak. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Parang nakikita ko na naman si Janine sa kanya.

Bakit ba kasi may hawig sila?
Hindi naman sila magkapatid diba?
Magkaiba naman surname nila diba? Diba?

Janine is an Hernandez while Joyce is a Castro kaya napaka impossible na magkapatid sila.

Pero bakit?

Ang mga mata niya,
Ang mga matang kahit kailan hinding hindi ko makakalimutan.

Bakit sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya, naaalala ko ang babaeng 'yun? Bakit parehong pareho sila ng mga mata?

Baka nga siguro namimiss ko lang siya kaya nakikita ko siya sa babaeng 'to.

Oo, inaamin ko naman na hanggang ngayon hindi parin siya mawala sa isip ko, siguro nga hanggang ngayon nagmomove on parin ako.

Tumigil na siya sa kakaiyak kaya tinanggal ko na ang mga kamay ko sa mga balikat niya.

Nagtaka ako sa mga tingin niya sa akin, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

Ahmmmp! Ahmmmp! - pagpapawi ko nang katahimikan.

Oh? Makati ba lalamunan mo? - pag aalala niyang tanong.

Ha-ah. Hindi. -agad ko namang sagot sa kanya.

Ah akala ko kung ano na.
.
.
Teka lang Joseph ha? Anong iniisip mo kanina?

Ha? Kanina? -pagtataka kong tanong.

Ito siguro ang gusto niyang itanong kanina pa. Napansin niya pala ako. Hay naku!

Ay hindi kahapon siguro, kahapon. So Joseph, anong iniisip mo kahapon?
Naku..
Naku..

Haha, ito naman. -tinutupak na naman 'to ho.

Loading...
Loading...
Loading...
Si Joseph...
Loading...
Hahahahahaha...

Ningitian ko nalang siya. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na naaalala ko ex ko sa kanya diba? Baka kasi nalungkot siya, kasi nga diba crush niya ko.

Alam mo Joseph, may mga bagay na dapat shinishare din natin sa iba, wag lang puro tago sa sarili. Paano gagaan ang pakiramdam mo kung hindi mo nilalabas 'yang sakit na nararamdaman mo.

Kung tatanugin mo kung bakit ko sinasabi 'to? Kasi naman po naikwento sa akin ng kapatid mo ang nangyari sa'yo at sa ex mo.

Alam mo kasi, once na nagmamahal tayo kailangan ay ready din tayong masaktan. Sabi nga diba, no pain no gain. Sa bawat sakit na nararamdaman mo, darating at darating ang panahon na ang sakit na 'yan ay may katumbas na kasiyahan kaya dapat wag kang sumuko, as in go lang ng go.

Sino nagsabi sayo na sumusuko na ko? Keep going kaya 'to kahit ano pa 'yan. -pagmamalaki kong sabi.

Ay ganoon. Hahah
Wala 'yon pampalubag loob lang. -saad niya naman.

Napag isipan na naming umuwi dahil nga gabi na. Habang naglalakad kami, wala na talagang imikan. Tahimik lang siyang naglalakad sa tabi habang ako patingin tingin lang sa kanya na naglalakad din sa kabilang tabi.

Bakit may space sa pagitan namin?

Ewan ko rin eh, siguro baka natatakot kaming mafall? Hahaha. Joke lang po ha. Nagmomove on pa nga po ako kaya iwas munang mafall.

Malapit na kami sa gate ng school. Wala paring kibuan, nakakairita na ang katahimikan ha. Mabasag nga.

Okay ka na ba? - curious kong tanong.

Ah. Oo naman. Sorry nga pala ulit ha. Ang sarap mo kasing pagtripan kanina eh. Yung utak mo kasi out of nowhere. - pang-aasar niya pa sakin.

Out of nowhere talaga? Hahah. - natatawa kong tanong.

Oo kaya. Palagi kasing iniisip si ex. 'Yan tuloy napagtitripan.

Hindi ko kaya siya iniisip. -pagtatanggol ko sa sarili.

Sus! Dili gyud.

Ha? Ano raw? Anong dialect 'yun? Hala muka yata ang baliw na'to naging alien na ha.

Anong isasagot ko dun? Eh hindi ko nga maintindihan eh. Buhay naman ho. Matanong nga si mommy kung anong ibig sabihin n'on pagdating ko sa bahay.

Hindi nalang ako nagsalita kasi wala naman akong isasagot d'on eh.
Ahay!

Nang nasa labas na kami ng school ay agad naman siyang nagsalita...

Sige babay(with matching kaway-kaway)

Bye! - bati ko habang kumakaway din sa kanya.

Magkatalikod na kami ng muli siyang magsalita...

Ay nga pala.

Bakit? - tanong ko sabay harap sa kanya.

Maayong gabii sad nimo Joseph. - nakangiti niyang bati at umalis pagkatapos. Ni hindi man lang hinintay ang response ko.

Maayong gabii is good evening.
Ano ngang dialect to? Bisaya? Hawig diba? Hmmmmp?

Nagpasundo ako sa driver namin kasi wala ako sa mood magdrive. Yup, iniwan ko sa parking lot ng school ang kotse ko. Hindi naman mapapano 'yun eh.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad kong inisip kung anong dialect nga ba talaga ang mga salitang 'yun.

"Maayong...
Gabii...
Sad...
Nimo..."

Sir marunong kang mag Cebuano? - manghang tanong ng driver namin.

Cebuano. Yes, that's right. Cebuano. Thank you manong. - tuwang tuwa kong sambit at ngiting ngiting nagpasalamat kay manong.

S'an n'yo po natutuhan 'yan sir? -may pagkatsismosong tanong ni manong.

Ah, may bumati kasi sakin kanina n'yan. -sagot ko naman dito.

Ah. Siguro sir, siya 'yun special someone n'yo nuh? Kilig much po ako ha hahaha. - pag aasar pa ni manong sakin.

Ikaw talaga manong ho. -wala nalang akong maisagot haha.

A/N:

Dear Readers;

Sorry if ngayon lang naka update, super busy lang kasi sa studies. I hope maintindihan niyo at sana nagustuhan nyo ang bagong update pinahaba ko talaga yan para pambawi. God bless :-*

The Indenial and The Assuming (On Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon