Chapter 17

45 0 0
                                    

Joyce

Nakakaloka! Ano ang hindi ko alam? Ano ang parti ng nakaraan ko na hindi ko pa pwedeng malaman at bakit? I know, it's been 2 years since I'd lost my memories because of her but then I know I can recover. Naalala ko nga na may gusto ako kay Joseph eh pero hindi ko maalala ang connection nila ni ate Ja. Parang may mali talaga eh!

*I LOVE YOU*

From: My Future :-*

*Thank you!

Hmmmp! Anong trip nito? Kevieee talaga ho :-)

Pero ano nga ba talaga Kev? Siya ba yung naaalala mo pagnakikita mo ko? Kaya ba hindi ako makapasok sa puso mo ha?

Hinayaan ko nalang ang text ni Joseph, hindi na ako nagreply, ang daming tumatakbo sa isip ko, nakakapagod na! Pwede bang time first muna? Magpapahingi lang ako uh...

*I LOVE YOU*

From: My Future:-*

*My problema ba Joyieee? Ba't walang reply? Usap tayo? uso ang share-share.

Kev, 'wag ngayon please!

Hindi ako open sa pagshare sayo ng mga bagay na maaaring may kinalaman ka. Siguro nga ang liit talaga ng mundo, sa kasamaang palad maaring ang kapatid ko ang tinutukoy mo na gusto mung kalimutan sa nakaraan dahil sa paggamit at pananakit sa'yo.

Kailangan ko na talagang makarecover ng husto, as in yung lahat ng alaalang nawala kailangan kong maalala. Ang daming tanong na gusto kung masagot pero hindi pwede kasi alam kong walang sasagot.

tok tok tok . . .

*Unnie? Pwedeng pumasok? -Tanong ni Edward

*Why? Anything? - Matipid ko naming sagot sa kanya.

*Just want to talk. - sagot naman nito.

*Okay!

Agad bumukas ang pintuan nang pindutin ko ang remote na nagkokontrol dito at agad siyang binungad ng tanong.

*Amethyst na naman?

Gulat niyang tingin sa akin habang nakanganga ang bibig na parang magsasalita na sana ngunit naunahan.

*Ay gan'un agad? Di ba pwedeng iba si Kuya Joseph muna? -pambabara naman nito sakin.

*Indenial ang mokong hahaha! - matawa-tawa kong sabi sa kanya. halata naman kasi na magtatanong na naman yan tungkol kay Amethyst eh, parati nalang bukang bibig ay Amethyst, Amethyst, Amethyst. Naloka na siya kay Amethyst.

Kung hindi ko kilala 'to sasabihin ko talagang maloko to, sa gwapo ba naman at matalino sinong hindi maghahabol? Pero seryoso sya eh, Nakita ko kung gaano siya tinititigan si Amethyst sa araw-araw,

Yes po! tama, as in ARAW-ARAW!!!

Pero alam niyo kung saan ako nakakasiguro?

Ito ay sa katotohanan na hanggang tingin lang siya kasi TORPE at MAHIYAIN.

*Isabelle ano na namang iniisip mo? -Naiinis na nitong tanong.

*Maka- Isabelle ka siguraduhin mong matanda ka sakin. Ate mo parin ako ha. Sumbong kita kay Daddy gusto mo? - Seryoso kong sabi pero sa totoo lang ay parang matatawa na ako dahil sa reaksyon niya na parang maiiyak. Naku! iyakin parin ang baby brother ko haha.

*Eh bakit ka nagagalit? -Ay wala na, umiyak na ang loko hahaha.

I turned an evil smile on him sabay halagpak nang tawa samantalang siya naman ay naiiyak parin. Kung si Daddy ay okay lang na tinatawag siyang Tito nito, pwes ako hindi. Kasi kahit saan niyo man tignan magkapatid kami sa dugo, sa papel lang hindi.

*H-hind-di ka kash-si su.mashagot eh! - Medyo slang na nitong sabi dahil sa pag iyak.

*May iniisip kasi ako kaya 'wag kang ano d'yan. - pagpapaliwanag ko rito. Habang siya ay unti-unti nang tumahan habang sinasabi ang mga katagang

*Mahal mo at mahal ko! Magkapatid sila, magkapatid tayo! Pwede ba 'yun? Pwede bang gan'un? Diba hindi? Diba panget 'yon? Ate okay lang ba 'yon?

Ang mga tanong sa isip niya na hindi ko rin kayang sagutin kasi sa tingin ko parang hindi pwede pero possible naman eh. Pwedeng mangyari as long as the both love each other. Pero ang hirap lang isipin kasi alam kong may tututol rin dito.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala si Edward sa higaan ko.

Ang batang 'to. Namiss ko 'to, mabuti naman at pinayagan siya ni Tita na magtransfer sa school ko. Sana nandito rin si Mommy at Daddy, pero imposible na kapag gan'un. Matagal na silang hiwalay bata palang ako, kami. Ang gulo ng buhay namin, parati silang nag-aaway, walang araw na walang sigawan, naaawa narin ako kay mommy kasi minsan napagbubuhatan na siya ng kamay ni daddy. Kaya minabuti nalang ni Mommy na tapusin na at maghiwalay na sila ni Daddy ng tuluyan. At dahil sa hindi kami kayang buhayin ni Mommy ng mag-isa ay pinagpasyahan ni Tita na kupkupin si Edward para mapag-aral ito at dahil wala rin naman siyang anak. Kaya kahit gan'un ang nangyari ay close parin si Mommy sa pamilya ni Daddy compare sa bagong pamilya nito.

Kamusta na kaya siya? Namimiss ko na siya, namimiss na namin siya. Ilang taon na ng umalis ako para makapag aral at dahil narin sa kagustuhan nila Daddy, wala rin magawa si Mommy dahil hindi niya kayang tustusan ang pagkokolehiyo ko. Kaya for the sake of my future ay pumayag siyang manatili ako kay Lolo pero kinalaunan ay kinuha rin ako ni Daddy at pinatira together with his new family, sila ni ate Jha at Mama Rose.

Mahirap manirahan sa isang bahay na hindi ka naman talaga welcome simula pa n'ung una. Mahirap makisama sa mga taong hindi naman talaga bukas na maging parti ka nang buhay nila. Malungkot man pero wala tayong magagawa.

Kevin

'Ni isang reply wala akong natanggap. Ano kayang nangyari sa kanya? May problema ba siya o sadyang wala lang gana? hmmmp!

*Kuya bili mo kong chocolates please! - pagmamakaawa ni AJ saakin

*Hindi pwede, tataba ka n'yan. - pag aasar ko sa kanya na nagpapahiwatig ng aking pagtutul

Nagpout nalang siya bilang sagot sabay alis .

Ayaw niya talagang sinasabihan siyang tataba, eh ang cute cute niya nga noon eh haha.

Bago ako tuluyang umalis sa tindahan ay binili ko muna ang pinabibili ni AJ, hindi ko matiis eh.

Habang naglalakad ay napapisip ako ng mga bagay bagay tulad ng bakit nga ba ako naglalakad?

Oo nga eh, tama kasi eh, bakit nga ba ako naglalakad eh may sasakyan naman kami.

Beep..Beep..BEEEPPP.

Nagulat ako ng may bumusina sa likuran ko, hindi ko namalayan na kanina pa pala ako sinusundan ng sasakyan naming na minamaneho ni Mang Ron at sakay sakay ang kapatid kong kabute na mamatay-matay sa kakatawa.

Agad akong tumungo sa sasakyan at binuksan ang pinto sabay kurot sa kapatid kong haliparot pero joke lang ang bait kaya nito, hindi niya nga siguro alam kung ano 'yon eh hahah.

Tahimik naman ang aming paglalakbay hanggang sa makarating na kami sa Bahay. pagkababa ay agad na akong umakyat sa kwarto ko at matutulog nalang dahil wala naman akong gagawin. Hindi naman nagrereply si Joyieee eh, kainis!

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Secong update for this year!

follow me @AuthorEuni in Twitter

follow me @imeunnygirl in Instagram

THANK YOU Ka-TIATA :-*

The Indenial and The Assuming (On Hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon