The Falling Game 10: CONDITION

20 1 0
                                        

The Falling Game 10: The Condition

Zyce's POV

"Pwedeng maki upo?"

"Sure" sagot ko without looking him/her. Basta patuloy lang ako sa pagkain ko. Nakakagutom kaya sobrang stress kakatapos lang ng exam namin last week and syempre tudo aral naman ako noh. Kaya eto ako ngayon kinakain ang favorite kong chocolate cake. Wag niyo na pala e tanong kung asan yong apat dahil hindi ko rin  alam, siguro may klasi pa yon at yong mayabang naman hindi ko rin alam kung saan nagpupunta at wala akong pakialam kung asan siya basta mabubusog lang ako, okay na.

"Grabe ang takaw mo naman"

Pakialamero naman to, nakikishare na nga lang ng table pinapakialaman pa yong pagkakain ko.

Tuminhin ako sakanya at ay pakengtipe!

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Woah! Hahaha kumakain hindi ba halata?" syaka niya tinaas baba yung kilay niya.

I just rolled my eyes.

"Feelingero karin noh at dito kapa naki share sa table ko"

"Eh wala ng iba, ayoko naman doon sa mga fangirls ko baka mamaya lagyan ng gayuma ang pagkain ko. Ang hirap talagang maging pogi" syaka niya inayos ang buhok niya at tumingin saakin at nag wink.

"Ewan ko sayo, hindi ako nakikipag usap sa stranger" syaka ko pinagtuonan ng pansin yong chocolate cake ko. Pero last na pala yong kinain ko kanina, ubos na pala yong chocolate cake ko.

Tumingin ako doon sa pila tapos tumingin ulit ako sa plate ko. Ang malas ko naman talaga sobrang haba pa ng pila. Napatingin naman ulit ako sa lalaking kaharap ko ngayon na busy sa pagkain ng WHAT? CHOCOLATE CAKE RIN? Tatlong slice rin yung binili niya. Napatingin naman ulit ako sa plate ko na wala ng laman tapos tumingin ako sa plate niya na may tatlong slice ng chocolate cake.

"Psst."

Aba hindi ako pinansin? Pinagpatuloy niya lang yung pagkain niya, bastos talaga tong nilalang nato.

"Hoy lalaking naki share ng table ko"

Tumingin naman siya saakin at nagtaas ng isang kilay. Parang bakla to, teka baka bakla nga to? Eh kung ganon madali lang pala ako makahinge ng chocolate cake.

Ngumoso ako doon sa plate niya kaya tumingin din siya. Syaka ulit tumingin saakin.

"Ayoko" plain na sagot niya at kumain ulit.

Ang damot naman ng hukloban nato! Kala mo kung sino, hindi man lang marunong tumanaw ng utang na loob. Nakikishare na nga lang ng table ayaw pa akong bigyan ng chocolate cake niya.

"Sige na. Isang slice lang naman eh. Tatlo naman yang sayo eh."

"Ayoko"

"Ang damot mo naman parang cake lang eh. Ganito na lang e lalakad kita sa kakambal kong si Zyle, ano game?" at nginitian ko siya ng malapad at kumot naman yung noo niya.

Arte ng baklang to, dont tell me aayaw siya? Si Zyle na yon eh, ang dami kayang nagkakagusto nung Zyle nayon.

"Pinagsasabi mo?"kunot noong tanong niya ulit. Ngumiti naman ako sakanya syaka ako tumayo para umupo sa tabi niya.

"Ayieee. Alam ko namang bet mo yong sinabi ko eh. Kaya wag ka ng magkunwari diyan, gora na girl sayang ang chance mo sige ka." at sinundot sundot ko pa ang tagiliran niya.

Mas lalong kumunot ang noo niya at sinamaan pa ako ng tingin. Pero hindi padin ako nagpatinag at siniko siko ko pa siya at inasar asar.

"Pahinge na kasi, isang slice lang naman eh. Ayaw mo nun isang slice lang tapos may boylet kana agad."

Mas lalo niya ako sinamaan ng tingin na parang may black aura na sa gilid ng katawan niya. Pero nginitian ko lang siya ng malapad.

"Tapos mag d date kayo sa isang napaka romantic place. Kunwari naka dress PFTT..  kapa at sinasayaw kapa ng kambal ko. At sobrang ganda mo nung araw na iyon." With hand gesture ko pang sabi habang nag I imagine.

Pero hahahaha muntik na talaga akong matawa nung naka dress thingy pero pinigilan ko lang. Hahaha ang laswa tignan, ano na lang kaya magiging reaction ng kambal ko? Sigurado ako na masasapak ako nun! Pero bahala siya sa buhay niya, basta may chocolate cake e lalakad ko siya sa baklang hukloban na ubod ng damot na eto.

Napansin ko na unti unting lumalapit ang mukha netong baklang to kaya napatingin ako sakanya. NAK NG PAKENG TIPE NA PINAGDIKITDIKIT.. wrong move.

Sobrang lapit ng mukha namin to the point na nagkadikit na ang ilong namin. Nanlaki ang mata ko nung ngumiti siya, bakit ang gwapo ng baklang to?! AY ESTE BAKIT MUKHANG MANYAKIS TONG BAKLANG TO?! Agad ko naman siyang tinulak tapos siya tawa ng tawa.


"Hahaha, subokan mong pag isipan akong bakla. Mahahalikan talaga kita."

May patawa tawa pa to. Kala mo gwapo eh, eh gwapo naman talaga siya eh! TEKA?! HINDI KO NAISIP NA GWAPO SIYA AH!

Napatingin naman ulit ako sa plate niya na may dalawang slice na lang ng chocolate cake. Gusto ko talaga nun. Natatakam na ako sa chocolate cake niya.

"Okay, ibibigay ko sayo tong chocolate cake ko."

Agad naman akong napatingin sakanya at syaka ngumiti.

"Talaga?!"

Tumango naman siya, kaya kinuha ko yong plate niya at sinimulan ko na ang pagkain. Hayy, sarap talaga neto.

"In one condition"

Tumango naman ako sakanya at syaka ngumiti. Kunwari pato eh gusto din pala makipagdate sa kambal ko. Hahahah.

"Magkikipag date ka saakin"

Agad naman akong napa ubo doon..

"Tubig" syaka ko ininom yong binigay niyang water bottle.

"Pero bakit?"

"Wala gusto ko lang. Dont tell me tatanggi ka? Wala ka palang isang salita eh." syaka siya ngumiti ng nakakaloko.

Ugh!

"Fine." syaka ko siya tinarayan.

"Saturday, 3:00 pm. "

I just rolled my eyes at him, "What ever"

"Drake Fortalejo"

Tinignan ko lang yong kamay niya then I rolled my eyes syaka tumayo para umalis doon.

"What ever" I said. Pero bago pa ako maka alis hinawakan niya ang wrist ko.



"Fine. Drake, Drake Drake. You are Drake the monkey. Zianna, Ziaana Zyce Castro Monteverga"


Syaka ako tumakbo, mahirap na noh. Baka kung ano na naman ang maisipan nung Drake monkey nayon.

The Falling GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon