The falling Game 9: CHOCOLATE CAKEZyce's POV
"Oh bakit andito ka pa?" bungad ko sa kakambal ko pagkababa ko ng hagdanan.
"Anong problema kung andito pa ako?" tinaas baba niya pa ang kilay niya. Tumingin ako sa wrist ko at tumingin ako pabalik sakanya.
"6:30 and himala at wala kapa sa school.Hindi ka ata early bird ngayon? Anyare?"
"Himala at nangingialam kana saakin ngayon, Zyce anyare?"
I rolled my eyes at him.Ganito lang talaga kami ng kambal ko at wag na kayong magulat sadyang mahal lang namin ang isat isa at sobrang miss na miss ang isat isa, insert sarcasm here.
"What ever" kinuha ko na ang bag ko at sumonod naman siya saakin.Kaya huminto ako at nilingon siya.
"Bakit ganyan ka makatingin? Bakit bawal na bang sumabay sa kakambal ko ha?"
I just rolled my eyes to him. Bala siya sa buhay niya. Mmm... may maganda akong idea hahaha.
*smirk*
"Kotse ko ang gagamitin natin..At ako ang mag d drive" napatingin naman agad ako sakanya dahil doon sa sinabi niya.
"What? Seriously? Ikaw tong nakikisabay tapos ikaw ang mag d drive at kotse mo pa ang gagamitin?" nag form ako ng ekis sa bandang dibdib ko at tinaasan siya ng kilay. "Parang ako naman yong nakisabay sayo, Zyle.Ayoko nga bahala ka sa buhay mo." at tinalikuran ko siya. Pero huminto ako saglit pero hindi lumilingon sakanya.
"Okay lang kung yong kotse mo ang gagamitin" lumingon ako sakanya "Unless ako yong mag d drive" I smiled widely.
Tinaas naman niya ang dalawa niya kamay yong parang sumosuko sa pulis. "Okay, no problem."
Hindi na ako nagdalawang isip at pumasok agad ako sa driver seat. Namiss ko tuloy yong baby Porsche ko. Remember, grounded ako kaya yong pinakamurang car yong gamit ko ngayon.
"Mag seatbelt ka" I said.
"Hassle, wag na." nagkibilbakikat na lang ako sa sinagot niya, at sinumulan ng mag drive. Siya ang bahala, basta sinabihan ko na siya.
"Wuhooo! I am so amazing right, kambal?"sigaw ko ng nasa harap na kami ng gate sa school, napatingin naman ako sa kakambal ko at sobrang bilog na bilog ang mata dahil sa gulat.Hahahah ayaw pa daw mag seatbelt yan napa seatbelt tuloy ng wala sa oras.
"Hoyyy! Zyle." natauhan naman siya doon at parang nagpapanic.
"Putcha! Buhay pa ba ako? Buo pa ba ang katawan ko? Nasa langit naba ako?"at kinapa kapa niya pa ang sarili niya at syaka napatingin saakin. Hindi ko mapigilang hindi mapatawa sa reaksyon niya.
"Patawa tawa ka pa diya. Hoy Zianna Zyce Castro Monteverga, wag mo ng uulitin yon.Paano kung nabangga tayo? Paano kung ma disgrasya tayo dahil sa sobra mong bilis magpatakbo ha? Paano na ang napakagwapo---"
"Hahaha relax.Para ka namang bakla diyan.Sayang wala akong dalang camera kundi capture na talaga yong mukha mo hahaha priceless."tinapik tapik ko siya sa balikat niya "At syaka kambal wag kang umasang mapupunta ka sa langit!" at dali dali na akong tumakbo palabas sa kotse niya.
Hahaha mahirap na noh, baka magwala pa yon.
*Bogsh*
Kakapasok ko lang sa loob ng campus may makakabungo agad ako?
"Langya. Hindi ka kasi----"
Napatigil ako ng mapatingin ako sa nakabungo ko. Amazing.Hindi ko alam ang gagawin ko hindi ko maikilos yong mga paa ko. Lintek, hoy! Zyce anong tinatanga tanga mo diyan, umalis kana sa harap ng mukong nayan!

BINABASA MO ANG
The Falling Game
RomantizmSa larangan ng pag ibig, handa ka bang gawin ang lahat kahit puso mo ang nakasugal dito? Handa ka bang mahulog kahit alam mong walang sasalo sayo? AT HIGIT SA LAHAT Handa ka bang laruin ang game na eto kahit puso mo ang nakataya dito? 'Its For You...