Zyce's POVHindi ako bobo at mas lalong hindi ako tanga para hindi malaman kung saan kami patungo. Napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko siya sa dika layuan sa tinatayuan namin sa loob ng mall nato. Naka upo lang siya sa isang bench habang busy'ing busy makipagtawanan sa babaeng mas maganda pa ako.
"What's wrong?" agad naman akong napatingin sa kasama ko at sinamaan siya ng tingin.
"Aalis na ako" I said at hindi ko na hinintay na makasagot pa si Drake. I don't fucking care kung sa tingin niyo ay napaka BITTER ko dahil alam ko namang yun ang totoo. And yeah, tama ang hinala niyo isang JAKE lang naman ang nakita ko. Bullshit! Sino ba namang maka move on agad? For Pete sake, two months pa lang kaming naghiwalay. Kaya hindi niyo ako masisi.
"Kadadating niyo lang aalis na agad kayo?" Napahinto ako saglit at napapikit. Boses pa lang kilalang kilala ko na kung sino eto. Inhale, Exhale. Relax, relax. Humarap agad ako sakanila ng nakangiti kitang kita ko sa peripheral view ko na titig na titig saakin ang katabi ko which is si Baklang Drake. Hindi ko na lang siya pinansin at binalik at atensyon sa lalaking kaharap ko ngayon.
"Sa laki ng mundo nagkita pa talaga tayo. Yan ang tinatwag na destiny" I said while smirking. Ngumiti naman siya saakin na naging dahilan sa pagkabilis ng heartbeat netong lintek kung puso, at parang nagwawala ang sistema ko at parang gustong gusto ko siyang yakapin. Kainis.
"Hindi ka yata na inform ng pinsan ko na double date to" tumingin namn siya kay Drake kaya napatingin narin ako kay Drake na nagkakamot ng ulo niya. Psh, may kuto ata to eh.
I crossed my arm at tinaasan siya ng kilay. Shrugged lang ang tanging sagot ni Drake saakin at isang awkward smile. Bwesit na Drake to! Pinsan? Mag pinsan pala sila kaya pala walang pinagkaiba ng ugali.
"Hey, Girlfriend still here" nabaling naman ang atensyon namin sa kasamang babae ni Jake. I look at her from head to toe tska napa 'tsk' walang taste. Inakbayan naman niya ang babae at syaka kinurot sa Ilong. Napatulala naman ako doon at ramdam na ramdam ko na nangigilid na ang luha ko.
I tried to composed my self, pero wala eh. Wala talaga, hindi ko kaya. Saakin niya lang ginagawa yon eh. Saakin lang eh, dapat ako yong nasa posisyon ng babaeng yan eh. Hindi pa siya nakuntento at hinalikan niya ng mabilis yong babae sa lips.
Feel ko talaga na any moment tutulo na yong luha ko, pero may biglang humawak sa braso ko.
"Who gave you a permission to have a date to the other guy" Isang napakahinahong boses at sobrang lamig ng boses at bawat bigkas niya ng mga linya ay may mga diin."
Tulala lang akong nakatingin sakanya, hindi ko alam na yung Jedd Montejero na kilala ko ay may ganitong boses yung parang sobrang possessive boyfriend, galing niyang umacting ah!
Tinignan niya muna ng masama si Jake syaka tumingin saakin "Let's go" hihilahin na niya sana ako pero may biglang humawak sa kabilang braso ko, kaya napatingin ako sa kamay nayon patungo sa mukha neto.
"Stay. Please stay"kalmadong pakiusap ni Drake. Hindi ko makuha kung anong ibig niyang sabihin sa stay nayon. Hindi nga niya ako magawang ipagtanggol kanina eh, wala lang siyang kibo sa gilid o talagang manhid lang siya at hindi niya naramdaman na hindi ko na kaya yung mga nakikita ko.
"Pwede bang ialis mo yang madumi mong kamay sa Girlfriend ko" malamig na sabi ni Jedd at diniin pa talaga ang salitang Girlfriend. Napa smirk naman si Drake doon.
"Paano kung ayaw ko?"
Ngumiti naman sakanya si Jedd, isang masamang ngiti.
"Madali akong kausap" at syaka niya sinuntok si Drake kaya napangiwi naman si Drake doon at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya at syaka tumingin ng masama kay Jedd.

BINABASA MO ANG
The Falling Game
RomansaSa larangan ng pag ibig, handa ka bang gawin ang lahat kahit puso mo ang nakasugal dito? Handa ka bang mahulog kahit alam mong walang sasalo sayo? AT HIGIT SA LAHAT Handa ka bang laruin ang game na eto kahit puso mo ang nakataya dito? 'Its For You...