Chapter 3: He's stupid, timid, and a jerk!

638 5 0
                                    

Ang saya saya ko nang mga nagdaang araw, promise hindi ako na stress!

*Insert Sarcasm*

"Mr. Baltazar, kailangan ko pa bang uulit-ulitin sa iyo na may P.E. class sa friday?! Are you doing these on purpose?" bulyaw ko sa kanya. Kasalukuyang nasa Park kami.

Tumakas na naman eh!

"It's soo freaking damn hot! Ayaw kong magpainit!" he complained as he positioned himself into a sleeping position sa bench under the shades of the big oak tree.

Ginagalit niya talaga ako. "Sir, this is not a place for you to do whatever you want. Siguro you think na this is all a game? Being an officer is not a joke Mr. Baltazar, ipasok mo diyan sa kukute mo!"

Hinga ng malalim Sab, inhale exhale...whoooo. 

"Chillax, masyado kang hyper sa stress eh." he said as he sat. "So, kung ayaw mong ma-miss ang klase. Please nakikiusap ako sa iyo, let me sleep under this tree."

"Aba!" 

"Kada?" he laughed. "Seriously Pres, you are very amusing, honestly."

"You think na nakikipaglokohan ako sa iyo? How stupid of you." tssss..pinapainit niya ang ulo ko! Grrrrr!

"Yep stupid enough, say miss prez. Are you thinking what I'm thinking?" he asked.

"Nope, and I don't want to know."

He shrugged, "Won't you be my secret entertainer?"

Heck?! I slapped him. "How dare you!" and ran away.

Lunch Break

Nilapag ko ang tray sa table namin sabay upo naman katabi ni Hiro. 

"Si Cindy, nakita mo ba?" matamlay na tanong ko.

"Oh, na stress ka na naman? Gusto mo, bilhan kita ng gamot? Masama ba ang pakiramdam mo? Matamlay ka kasi eh." nag-aalalang tanong ni Hiro, gumagawa kasi siya ng assignment sa Calculus na subject namin.

Mukhang nahihirapan siya eh... 

"Okay lang ako, napagod lang ako kunti sa pagbubulyaw sa buwisit na iyon! Btw, magpatulong ka ba sa cal? I can help." alok ko habang ngumiti.

"T-talaga? Thanks!" he said, parang nakakita ako ng sparks sa mga mata at ngiti niya... Nakakasilaw... *u*

Bigla na lang may kamay na pumatong sa table pagitan namin. Tumingala kung anong klaseng nilalang na ito.

"Ms Prez, I think you are forgetting something." he playfully said.

Tinaasan ko siya ng kilay, -__^ 

"Oh, problema mo?"

"High blood ka masyado eh!"

"Nakaka high blood ka naman eh, tol. Kung ang sadya mo lang dito ay gulo, mukhang kailangan mo na talagang lumipat ng ibang paaralan." Hiro said.

Hmm? Oh ano? I proudly crossed my arms, eat that jerk!

"Hindi naman ikaw ang sadya ko rito ah." he said, "Kundi siya." sabay turo sa akin.

"Well, pasensya ka na. Ako nauna." Hiro stood from his chair. 

Magkasing tangkad lang sila, ang taas nila, nai-inggit ako.. -___-"

"Heh, nakakatuwa naman pala ito. Di mo naman sinabi prez na may kahati pala ang tour guide ko." he chuckled.

"Hoy, Mr. Baltazar. Pwede ba, umalis ka na kung gulo lang pala ang hinahanap mo." taboy ko sa kanya.

"Nah-uh, you are coming with me." he pulled my arm and kinaladkad patungo sa Gym...Ano naman gagawin ko dito?

"Huy, lemme go! Tuturuan ko pa ng assignment si Hiro!" sabay hila ng braso ko, ang lakas niya ah! Nag-G-gym yata to mga dre!

"Hwag ka ngang malikot!" utos niya. "At isa pa, madali lang naman iyun eh. I'm sure of it na nagpapacute lang iyun sa'yo." he added.

"Ayaw ko, manyak ka! HELP! HELP! KINIDNAP AKO NG ISANG BISUGONG HALIMAW!!!"sigaw ko.

"WOULD YOU SHUT THE FCK UP?! SH!T!" bulyaw niya.

okay, seryoso na talaga siya. Tinikom ko na ang bibig ko. O.O

He turned his back on me, "Sorry..." he said na parang may guilt na something.

"O-okay-y l-lang....Ano ba kailangan mo?" sabi ko ng mahina. Nakakatakot siya...Promise!

He turned around and faced me, "I have a favor to ask." he said.

"What could that be?"

"Be my tour guide."

Ah yun lang pala- huwaaaaaaaat? 

"Ano?" naguguluhan kong tanong.

"Show me around this neighborhood." he said SERIOUSLY.

EH? "Ahahaha, nagbibiro ka ba?"

"I'm serious."

Woah, teka dapat may kabayaran to! "May-"

"Alam ko, favor nga diba? Ako bahala sa expenses, just show me around." he said while napamulsa.

"Ginu-good time mo ba ako?" just to make sure.

"No." he said na parang na-annoyed.

"Haaaaay, fine! Basta sagot mo lahat ah!" I crossed my arms.

"Sure, so tomorrow 3 o'clock sharp. See ya at the front gate of the school." as he walked away.

Iniwan ako?

I am the Vampire's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon