Chapter 7: Medicine

537 5 0
                                        

Axis' PoV

Positive..

Nakagat na siya ng isang 'Exile'...

Ang mga Exiles ay ang mga klaseng bampirang walang originality, ang mga ito ay delikadong pakikitunguhan. Kumakain sila ng walang pakialam, at yung pagkain nila ay magiging katulad nila.

Nagsimula ito sa pagkalat ng isang 'Oni' o mga demonyo na aksidenteng naka inom ng dugo mula sa isang tao at pinabayaan lamang ito, inuugaliing pinapatay ang mga naging biktima ng Pureblood man o Oni sa pagsunog ng katawan ng kanilang biktima.

Mas lalong kumakalat pa ang mga Exiles dahil sa 'Abyss War', ito ay ang pinakasaysayang labanan ng mga Bampira at Demonyo.

oo, kalaban namin ang mga Oni.

Ang mga Oni ay ang nagbibiktima ng mga tao upang gawing sundalo, o mga Exiles.

Isa sila sa mga pakay naming patayin ng Baltazar clan. Ang last clan ng mga BLACK BLOOD.

At ako ay isa sa mga Last Heir ng Baltazar Clan.

Pinagmamasdan ko ang kanyang maamong mukha, ang nag - aagaw buhay na si Sabrina...

Unting - unti na siyang mamamatay, ang tanging sulosyon ay ang hintayin na kumalat ang 'Venom' sa kanyang katawan, tsaka ko siya papatayin.

Wala na akong magagawa kundi..

Pinasandal ko siya sa dibdib ko, hinawi ko ang buhok niya na nakaharang sa leeg niya.

Inilapit ko na ang aking labi sa leeg niya at dahang - dahang dinampi ko ang mga pangil ko.

As I suck the venom out, hindi pa rin siya kumikibo...

Pagkatapos, pinahiran ko na ang labi ko na may dugo pa.

I reached for my pocket and kinuha ko na ang isang maliit na bottle na naglalaman ng dugo ko at ng aking Knight na si Yui.

Pinainom ko ito sa kanya, kailangan niya ito upang magsisilbing gamot niya mula sa venom ng Exile, kundi magiging Exile na rin siya.

"Sab, I'm sorry..."

I whispered.

At dinala ko na siya sa ospital...

I am the Vampire's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon