Chapter 18: The Vision

375 2 0
                                    

Sabrina's POV

Pinahiga ako sa isang couch sa loob ng mansion ni Axis, habang ang Exo Guardians ay naka palibot sakin, pati na rin sina Caliver at Axis, habang si Mr. Black naman ay nasa isang corner malapit lang sa pintuan.

"Sabrina makinig ka, gusto kong magconcentrate ka sa gagawin natin. Laging tatandaan mo na hindi ka dapat magpakain sa takot mo sa maaring makikita mo. Lahat sila ay pawang illusion lamang pero makatutulong sayo." Ms. Gina instructed.

"Opo..." as I sighed.

"Ipikit mo ang mga mata mo."

At sinunod ko na nga siya.

"Breathe in, breath out..Try to relax...take it easy, gusto ko kalimutan mo lahat ng nasaisip mo, doubts, galit, saya at lungkot."

"Ngayon, gusto ko na ang iisipin mo ang nakita mo kanina at ang panaginip mo tungkol sa asul na apoy."

"Ngayon, pagbilang ko ng tatlo, gusto ko imulat mo ang mga mata mo...."

Isa

Dalawa

Tatlo

Agad kong minulat ang mga mata ko, "Nasaan na ako?"

Sobrang dilim ng lugar na ito, tumayo ako at nagumpisang lumakad. Ba't ang lamig dito?

Nasaan na ba ako?

Suddennly, I heard a chime not so far where I'm standing right now, "May tao ba dito?"

I heard a girl's giggle and she's like running away from me as the chime bells does also.

"T-teka!!" tawag ko uli, agad ko namang hinabol ang ingay na yun. Pero bigla itong nawala at parang huminto ang bata sa kakatakbo.

"May tao ba dito?"

Biglang bumukas ang pinto mula sa kawalan ng kadiliman na ito, may ilaw na nakikita ko.

Biglang pumasok ang batang babae na nagbibigay ng tunog ng mga chime bells sa pintuan na yun.

Agad naman akong tumakbo patungo sa pinto at sa wakas ay nakapasok na rin ako.

"Asan na naman ito?" pagpasok ko iba na namang lugar ang napuntahan ko, nasa isang bahay ako ngayon. Bakit parang pamilyar ang bahay na ito?

"Talaga papa?" narinig ko uli yung tawa ng batang babae sa loob ng malaking pintong nasa harap ko.

"Naman anak! Naaalala mo pa ba yung sinabi ko sayo noon?" may kasama ata yung bata sa loob.

Binuksan ko ang pinto at nakikita ko ang mag-amang nakaupo sa couch, hindi ko nakikita ang mukha ng mama, pero ang batang babae nakita ko.

May sout siyang black lace dress na parang pangGothic tapos may hawak - hawak na teddy bear na may chime bells sa leeg nito.

"Ah papa, may tao ata?" she cutely said.

"May bisita pala tayo anak."

Tumayo ang mama and faced me...

"Dumating ka na pala." he said as he smiled.

"P-papa?" I widen my eyes.

"Halika, tuloy ka Mr. Walker." sabi ni papa sa kung sino man ang nasa likod ko.

Naunang lumakad ang isang middle aged man na may hawak na baston at umupo sa upuang kaharap ng couch.

"Magandang araw sa inyo Mr. Hermenez, salamat sa imbitasyon mo." wika ng mamang kay bago lang dumating.

"Walang anuman Mr. Walker." sagot naman ni papa.

Hindi ba nila ako nakikita?

Nagulat ako dahil may humawak sa kamay ko, "Halika, hwag ka maingay. Alam ko ang pakay mo rito. Ako mismo ang gagabay sayo kung nasaan." masayang sabi ng bata sa akin at hinila ako papalayo sa papa ko.

I am the Vampire's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon