Chapter 26 : The Boy And The Fox

239 3 0
                                    

Axis' POV

Gabi na rin at ang mga bata ay nasa kanikanilang silid na pagkatapos ng hapunan.

Habang ako, nasa tabi ng dagat upang pagmasdan ang alon at you know, feel ko maging emo ngayon kaya walang basagan ng trip.

May naramdaman akong presensyang papalapit sa kinauupuan ko, "Ano ginagawa mo dito, Axis?" Tanong niya.

"Nagpapahangin, eh ikaw?" Tanong ko naman.

"Gusto ko kasing makita ang mabilog na buwan dito, sabi nila kasi; maganda raw ang repleksyon ng buwan sa tubig dagat."

"Narinig ko rin yan sa mga tao naririto." Sabi ko naman, I lighted my cigarette and placed it in my mouth, sabay roon ang pagbuga ko.ng usok.

"You're smoking?!" Sigaw niya.

"Bakit? May problema ka?" Angas kong sabi.

"Oo!" Kinuha niya ang sigarilyo ko at itinapon ito sa malayo. Tapos umupo siya sa tabi ko, "Grabe ka, nagpapahangin..." Habang napailing siya.

"Hayaan mo na kasi ako." sabi ko naman at kinuha ang isang box.

Agad naman niyang kinuha ito. "Di ka ba naaawa sa sarili mo?!"

"Ibalik mo na nga kasi yan eh!" Sigaw ko habang inaagaw ang kaligayahan ko.

"Alam mo ba? Nakakasira ito ng ngipin at-"

At dahil nga sa imagination ni author, eh napapatong ako sa kanya at muntik na! Muntik ko na siyang mahagkan...

We stared at eachother for like a minute, dali dali niyang iniwas ang tingin niya sa akin at tinulak ako, "Chansing ka rin ano?" Accuse niya sa akin.

"Ako? Wow, BIG WORD!" bumalik ako sa puwesto ko. Pansin ko lang sa suot niya, naka shorts siya at naka-t shirt na medyo malaki sa size niya. "Hindi ka ba nagiginawan diyan sa suot mo?"

She shook her head, "Hindi naman." She then embraced her legs and ipinatong ang chin niya sa tuhod niya habang nakatanaw sa dagat.

"Tsk.." Sabi ko na lang sa hangin.

"Kamusta na siya?" Tanong niya.

"Medyo gumagaan na ang pakiramdam niya. Hihintayin na lang namin si Buttler Black mula sa Council." Sabi ko habang pinaglalaruan ko ang lighter.

"Nga pala, ba't hindi ka nakisali sa laro kanina? Masaya kaya!" Sabi niya.

"Eh'sa ayaw kong maitim..."

"Ang arte mo naman! Daig mo pa ang babae ha! Ako nga tong enjoy na enjoy sa laro, di naman problema sa akin ang maitim eh. Ang sabihin mo KJ ka!" Sabi niya habang iniisang binali ang mga sigarilyo ko.

"Alam mo, pareho kayong dalawa. Hadlang palagi." Inis kong sabi habang napagaya ako sa posisyon niya kanina.

"Eh sa ayaw namin pareho na magkasakit ka at tungkulin rin namin na protektahan ka. Gets?" Napameywang siya at nakataas ang kilay niya.

"Manang." I murmurred.

"Hoy dinig ko yun!"

"Alam ko, kaya nga nilakasa ko diba?"

"Namimikon ka ba?"

"Halata bang hindi?"

"Nakakainis ka talaga!" Sigaw niya.

"Tumawag ba ang nanay mo?" Bigla kong tanong.

"Ah eh oo kanina, sabi niya nagsara na daw siya at nasa bahay na upang matulog." She sighed, "Mukhang, hindi pa siya handang sabihin lahat."

I am the Vampire's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon