Chapter 22: Me And The Shinigami

283 4 0
                                        

Caliver's POV

"Wow, ang ganda naman dito!" Manghang sabi ni Sabrina habang lumapit siya sa railings ng building na ito.

Andito kami sa isang watchtower ng bayan na kung saan makikita ang buong village, ang park at ang seaside.

"Hala! Yun yung bahay niyo oh?!" Sabay turo niya sa isang mansyon.

I smiled and was amused of her childish attitude, "Ngayon ka pa nakapunta rito?" I asked.

Tumalikod siya and pouted, "Sa tingin mo?"

"Sabi ko nga.." As I went beside her. "Alam mo, pumupunta ako rito kapag, malungkot ako."

"Huh? Bakit ka naman malulungkot?" Tanong niya.

"Tuwing hindi maganda ang loob ko, dito ko yun pinapalabas, dito ako kapag...umiiyak ako. Dahil ni minsan, di ko naranasang makasama ang mga magulang namin."

She rounded her eyes, "Hala, bakit?"

"Ano kasi, sina hyung naman talaga nakasama sila ng matagal." I bitterly smiled, "Too bad, di ko sila naabutan."

"Sometimes, napatanong ako kung ano ba ang feeling nung may makasamang magulang. O, makasama sila sa outing at parati."

She sighed and umakbay sa akin, "Alam mo Caliver, ako rin nawalan." She smiled, "Di ko nakasama ang tatay ko ng matagal at hindi ko nakilala ang tunay kong ina. Kasi, wala akong naaalala niisa." Napamasid siya sa baba, "Ang akala ko, si okaasan ay ina ko talaga. kaya pala noong naaksidente ako, nahirapang humanap ng kadugo dahil maraming dugo ang nawala sa akin nun."

"At nung, nalaman ko kung sino talaga ako, doon ko natagpuan ang sagot. Nung una palang, wala na pala akong magulang." She ruffled my hair, "Kaya ikaw, dapat palagi kang positibo! Kahit mahirap, harapin mo, hwag kang susuko agad. Ipakita mo sa mga magulang mo na kaya mong lahat."

I frowned, "Weh? eh, bakit paiyak iyak ka pa kanina?"

Tinulak niya ako, "Che! Di na yun counted! Langya ka!"

"Hahahaha!"

"Naman eh!" Inis niyang sabi.

"Hahahahaha! Iyakin, iyakin!!"

She frowned, "Hali ka nga rito!!"

Patay..Tumakbo na ako habang siya naman nakabuntot sa akin.

Sana, ganito na lang tayo palagi...

Dahil sa kasalukuyan, maaari itong mawala nang dahil lang sa prophecy.

"Caliver..."

Agad naman ako napalingon sa kanila, "Ano ba sadya niyo rito?"

"Sino sila?" Mahinang tanong ni Sabrina sa akin.

"Sila ang heirs ng Lockheart." Sabi ko.

"Pe-pero, ang sabi ni Axis na, wala nang natirang Lockheart?" She rounded her eyes in disbelief.

"Oo, sila ang natitirang Purebloods na aming kakampi. Hindi sila kandidata para magsilbing Knight kundi maging mga guardians." Sabi ko naman, "Kung si Axis ay may Exo guardians, ako naman ang Jo Twins."

"Jo Twins?" Tanong niya.

"Magandang gabi, binibini. Pagpaumanhin mo sana sa hindi pagpapakilala o magpakita man lang sa huling kabanata." Sabi nung Blonde yung hair.

"Pagpasensyahan niyo na po, hayaan mong ipakilala namin ang aming mga sarili." Tumikhim naman yung kakambal niya, "Ako po si Zedd at ang kakambal ko naman si Zenn." Pagpapakilala nung may maitim na buhok.

I am the Vampire's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon